Isang linggo nang hindi umuuwi si Maico. Madalas ding wala si Ate Niz at Kuya Jared kaya madalas ay mag isa lang ako sa apartment. Tatlong beses pa lang tumatawag si Maico sa akin sa loob ng isang linggo. Sobrang miss ko na talaga siya.
Sa loob ng isang linggo ring iyon ay iwas alo kay Ken pero hindi niya ako tinitigilan. Palagi ko itong sinasabihan na lumayo na sa alin pero hindi siya nakikinig. Ayoko ring pagsimulan pa namin ni Maico ito ng away.
Papasok na ako ng school pero nanakit pa rin ang puson ko. Nagka mens kasi ako paggising ko kanina. Kahit sobrang salit ng puson ko ay pinilit kong pumasok. Final exam na kasi, ayoko namang mag special exam dahil dagdag bayarin pa at sa halip na pahinga ko na ay mag eexam pa.
Pagkarating ko ng school ay naupo muna ako sa gilid ng registrar's office habang hinihintay ang aking mga kaibigan. Halos mamilipit ako sa sakit nang sumakit nanaman ang puson ko. Patamg pinipiga ang kalamnan ko at nangangalay ang balakang ko.
"Jane!..are you okay?.." nag aalalang lapit ni Ken sa akin. Sinenyasan ko lang siya na lumayo pero hindi siya nagpapigil..
"You're pale...you're having your period."
Hindi ko na maintindi ang sinasabi niya dahil sa sakit ng puson ko. Para na akong kinakapos ng hininga at nagdidilim na ang aking paningin.
Naramdaman ko na lang na parang lumulutang ako hanggang mahiga ako sa malambot na higaan. Unti unting nawawala ang sakit ng puson ko dahil sa ginagawa niyang paghaplos sa bewang ko. Bakit pakiramdam ko pamilyar ang mga haplos na iyon?.
Nang tuluyang mawala ang sakit ng puson ko ay saglit akong naupo at napatitig lang sa kanya. Wala pa ang nurse dahil maaga pa.
"H..how'd you know i have my period?..and.." namumula ang pisnging umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakahiyang sabihin sa lalaki na may period ako.
"T..thanks..." i mumbled without looking at him.
"Jane!.." sabay kaming napalingon sa humahangos na si Maico. Mabilis siyang lumapit sa akin at parang doctor na ininspeksyon ako.
"Disminorrhea..you are her husband yet you don't know h---"
"Ken." May halong pagbabanta ang boses ko. Tumigil naman na ito pero masama ng tinging ipinupukol ng bawat isa.
"You can leave now.." pautos na saad ni Maico kay Ken na may halong pagkainis.
"No..not until Jane said..." sagot pabalik ni Ken. Mariin akong napapikit at napahinga ng malalim..
"Okay naman na ako...malapit na rin mag start ang exam kaya tara na..." pagitan ko sa dalawa saka tumayo na. Tumaas ang gilid ng labi ni Ken kay Maico na parang nang aasar pa.
"Ken, maraming salamat..." pero bago pa makapagsalita si Ken ay hinila na ako ni Maico palabas ng clinic. Isinandal niya ako sa pader at matamang nakatingin sa akin, mabuti na lamang at wala pa ring tao sa hallway.
"what was that?..i told you to stay away from him.."
"T..tinulungan nia lang naman ako, a..alam mo naman pag nag...nagkakameron ako, diba?"
Lumambot ang ekspresyon niya at mabilis na humalik sa aking mga labi.
"sorry, i...i wasn't there to help you..." there's a guilt in his voice.
"okay naman na eh...hi---"
Mabilis kaming naghiwalay nang makarinig kami ng paparating na mga eatudyante kasabay ng paglabas ni Ken ng clinic. Nagulat pa ito nang makitang naroroon pa rin kami.
"Goodluck..." mahinang sambit ni Maico bago ito umalis.
Ngumiti ako kay Ken saka dumiretso sa examination room ko. Nakita ko si Gwen at Ellaine na tahimik na nagrereview habang si Ate Janine naman ay ngiting ngiting nagtatype sa phone nya.
Lumapit ako kay Farrah na tulala lamang. Iwinagayway ko pa ang kamay ko sa harapan niya para makuha ko ang atensyon niya. Nilingon naman niya ako at alangang ngumiti.
"Okay ka lang?.." tanong ko. Mabagal siyang tumango at tahimik lang na binuklat ang notebook niya para magreview.
Maya maya pa ay dumating na ang professor namin. Nag start na ang exam, mabuti na lamang at nakapag aral ako kaya madali ng sagutan ang mga tanong.
Matapos ang maghapong exam ay nagkayayaan kaming kumain muna sa inasal bago umuwi. Pampalubag loob lang daw sa nakakapressure at katakot takot na exams kanina. Naririndi na nga kaming apat sa reklamo ni Ate janine na kesyo wala daw sa notes ang exam at mahirap daw ang essay.
Nasa inasal na kami pero panay pa rin ang ngawa ni Ate Janine. Pinagsabihan siya ni Ellaine na tumigil na pero nauwi naman sa sagutan ang dalawa kaya pumagitna na ako sa kanila. Madalas pa ngang hindi magkaunawan ang dalawa kaya nagkakaaway. Nasa counter naman si Gwen at Farrah para umorder.
Mukhang busy na ang dalawa sa kani kanilang cellphone kaya tumigil na sila sa samaan nila ng tingin.
'I came to your house but your not there..nasan ka kagabi?' hindi na sana ako makikinig sa usapan nila pero narinig ko ang pangalan mi Maico. pasimple ko pang nilingon ang nag uusap sa likod ko at hindi nga ako nagkakamali. Si Shan iyong nagsalita kausap ang girlfriend nitong si Roxy.
'Tinawagan ako ni Maico eh, alam mo naman yun' sagit ni Roxy. Nilingon ko si Ate Janine at Ellaine na busy pa rin sa cellphone nila.
'Ano nanamn problema ni Steph?.magkasama na sila diba?.'
Magkasama?..sinong magkasama?..
' eh si maico eh nag away yata sila ni Steph..hindi niya masuyo kaya nagpatulong sa akin.ang gulo nila' paliwanag ni Roxy.
Unti unti'y parang pinipiga ang puso ko. Sila ba ni Maico ang nagsasama?. Kaya ba hindi na umuuwi si Maico?
'Kulit talaga ni Maico.. alam naman niyang masama sa kalagayan ni Steph ang magalit at ma stress eh..' may halong inis na wika ni Shan
Bakit?..buntis ba sya?..ganun naman pag buntis di'ba?..
Bigla akong napatayo kaya natigil si Ate Janine at Ellaine sa pagcecellphone nila. Nagtatakang nilingon ako ng dalawaa.
"B....busog pala...a..ako..." pinipilit kong huwag maiyak. Nilingon ko pa si Roxy at Shan na parehong gulat na nakatingin sa akin.
Nagtatakbo na ako palabas ng food chain. Paano niya ako nagawang lokohin?..sabi niya mahal niya ako.
Pumara na ako ng tricycle pabalik ng apartment pero habang daan ay naagaw ng pansin ko si Maico na palabas ng isang bahay. Bumaba na ako ng tricycle at nagbayad pero hindi ako nagpakita kay Maico. Nagtago ako sa poste sa gilid ng bahay malapit sa gate noon.
Mukhang natataranta ito habang kausap ang kung sinuman sa telepono. Sa tono ng boses nito ay galit siya sa kanyang kausap.
"Babe!..where are you going?.." i clenched my fist when i saw Stephanie came out of the house.
Napaiwas ako ng tingin nag makita ko kung paano kumalma ang mga mata ni Maico pero agad din akong napabalik ng tingin nang marinig kong magsalita ito.
"I just have to do something, babe.." impit akong napaiyak nang marinig ang matamis nitong pakikipag usap kay Stephanie, napatabon na lang ako sa aking bibig para hindi marinig ang pag iyak ko.
"But...i don't want you to keave.." nakanguso pang saad ni Stephanie na ikinangiti ni Maico. Nilapitan niya si Stephanie at niyakap ito..
"Hay naku, pumasok na nga kayo sa loob..." parang nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang nagsalita na lumabas sa bahay ding iyon. Nakabusangot ang mukha nitong nakahalukipkip habang nakatigin sa magkayakap na si Maico at Stephanie.

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...