Chapter 37 --- teenage years

5.5K 103 1
                                    

Hi to @maekon...enjoy reading!..😘😘

-----—----—————————

Nakatitig lang ako sa taong kaharap ko ngayon. Tipid na ngumiti ito sa akin pero mahihinuha mo ang lungkot sa mga mata nito. Parang bumagsak sa sahig ang puso ko nang makita ko ang kalagayan niya.

"J..jane..." namamaos ang boses niyang saad. Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa saka sya mahigpit na niyakap. Napahikbi ako nang marinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"D..diba nagpagamot ka sa Italy?..b..bakit ga...ganito?".. Hindi ako makapaniwala. His look is way different from before. Nalulugon na ang buhok niya, mas pumayat siya at maputla ang balat niya. Sobrang bilis naman, last week naman ay hindi sya ganito except that he's thin but he got thinner now.

Iniharap nya ako sa kanya at pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko. Ellaine excuses herself saka na lumabas ng room.

"Sshh...don't cry baby...please..." napapikit ako. Bakit sa sinabi nyang iyon ay si Maico pa rin ang pumapasok sa isip ko?.. Sana ganyan din si Maico sa akin.

"B..bakit kailangang mangyari sa inyo to Ken?."

"Open your eyes Jane..." and as i open my eyes, his smiling face welcomed me.

"Only God knows Jane...there's always a reason...and whatever it is...I accept it, the way I accept that you won't be mine again..."

"I'm sorry..." all I can say. He held my hand and kissed it without breaking his eye contact with me. His eyes were sparkling, I can see happiness in it, those sad eyes awhile ago was no more.

"You don't know how happy I am that you're here with me Jane...If only I can turn back time, if only i had known this sick...I...I never left...i should have cherish every moment I might have with you...a.and..this wouldn't happen..hindi man kita nakasama ng mas matagal, yung memories na pinagsaluhan natin noon Jane...mananatili dito(turo sa puso)...you'll always be here inside my heart Jane, you'll always be my baby..."

I reached for his cheeks and caressed it. Hinawakan niya ang kamay kong humahaplos sa pisngi nya saka sya napapikit.

"I'm glad you came into my life Ken...but please don't say such things...hindi ka mamamatay..."

"Sana nga Jane....but i guess it's better this way...it kills me more seeing you happy with someone else ." i looked away after he said that.

*tik*

"KEN!.." angal ko nang pitikin nito ang noo ko. Napatawa ito sa naging reaksyon ko kaya napanguso ako at matalim na tiningnan siya.

"You're still my Jane I used to know" natatawa nitong saad kaya mas napabusangot ako..

".oh!..i'll sing for you..." itinuro niya ang gitara na nasa tabi ng sofa kaya tumayo ako at kinuha iyon para iabot sa kanya. Muli akong naupo sa tabi nya habang siya naman ay umayos ng pwesto.

Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap
Nais makamtan
Sa buhay ko
Ikaw ang kahulugan
Pag ibig ko'y walang kamatayan
Ako'y umaasang muli kang mahagkan

It was as if we turn back in time when he serenade me in our school. Iyon yung araw na bigla na lang syang pumasok sa room namin habang nagpapanotes ang teacher namin. It was very sweet. I hate myself for forgetting it for a long time, that good for nothing amnesia i had.

Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon bukas at kailanman

Ikaw at ako'y sinulat sa mga bituin
At ang langit sa gabi ang sumasalamin
Mayroong lungkot at pananabik
Kung wala ka'y kulang ang mga bituin

Kung sana'y madali lang turuan ang puso kung sino ang mamahalin nito.  But then I guess there's a reason why it isn't Ken, why even if I am hurting I still love Maico.

Aasa ako, babalik
Ang ligaya aking mithi
Hanggang sa muling pagkikita
Sasabihin mahal kita
Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon, bukas at kailanman
Mula noon, bukas at kailanman

Matapos nyang kumanta ay isinandal niya ang gitara sa gilid nya saka ako hinarap. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"I love you Jane...it's always you..." napapikit ako at sa pagpikit kong iyon ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko na marahan nyang pinunasan. Even his gentle acts made me feel loved.

"Don't cry I'm not yet dead..." mahina kong nahampas ang braso niya.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" suway ko. Umayos ako ng upo at sumandal sa balikat nya.

"Do you remember when I first serenade you?.." napatango tango ako.

"I can still remember clearly how you reacted that time..." aniya. Napangiti ako, i was really surprised when he suddenly came in and sing in front of us while playing with his guitar.

"I already talked to the principal to give me permission which happened to be my uncle.." mahina akong natawa.

"And after that harana palagi na akong niloloko ni principal na kesyo sagutin ko na daw ang pamangkin nya dahil kung hindi ipapabagsak nya ibang subject ko kaya yun...sinagot na kita..."

"Sa lagay na yun ikaw ang napilitan ha...from what i know, i stopped courting you so it happened na ikaw na yung bumabyahe papunta sa amin para manligaw ..."

Napanguso ako.

"Eh malay ko bang seloso ka nun na pati pinsan ko pagselosan mo...ha!.."

"Haha...you even cried when you saw me with someone..." napatabon ako ng palad sa mukha ko. Nakakahiya talaga ang ginawa ko noon.

"Babaero ka! Kaya ba tumigil ka na sa panli---" kinuha ko ang isang buong mansanas sa gilid ko at isinubo sa bibig nya dahilan para matigil sya sa panggagaya sa boses ko. Masama ang tingin nya sa akin habang ako naman ay tawa ng tawa.

Inalis nya ang apple na nasa bibig nya at ibinalik sa basket. Inabot niya ang kamay ko at pinagsagop iyon.

"I miss us like this....I'm glad i can still make you laugh..." napatigil ako sa patawa pero hindi mawala ang ngiti sa labi ko. This simple time with him give me at peace.

"This is how we enjoy our teenage years Jane....and i still want to feel that again with you..." isinandal niya ang ulo sa pader at napatingala sa puting kisame.

"Likewise Ken..."  he look down at me and smiled. I closed my eyes as I felt him kissed my forehead.

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon