Nagising ako nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto..Gabi na pala, hindi ko na namalayan..
"San ka galing?.." tanong ko kay Maico na kasalukuyang naghuhubad ng medyas niya...
Nagtataka siguro kayo kung bakit nasa isang kwarto na kami..He requested that, ang reason niya, mag-asawa naman kami bakit kailangang magkahiwalay pa ng kwarto..
"Oh, nagising ba kita?.."
"..San ka galing?" ulit ko dito...
"Gumawa lang ng thesis kasama yung group ko..."
"Talaga?....kaya pala wala ka sa class mo kanina.."
"How did you know?.."
Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo pero umiwas ako..
"May problema ba?.."
"Wala ka sa class mo kaya tinawagan kita but you didn't answered.."
"I'm sorry..nasa bag ko kasi yung phone at saka naka silent..hindi ko napansing tumawag ka."
"Bakit?..Ayaw mong naaabala ka?"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Wala.." lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan kong nanonood ng tv si Ate Niz at Kuya Jared habang magkayakap.
"Allena, I'm talking to you.."
Napatingin sa amin sila Kuya Jared pero nagpatuloy ako sa kusina at uminom ng tubig..
"Allena, ano ba kasing problema?..I already told you okay..Gumawa kami ng thesis kaya ako ginabi at kaya nakasilent yung phone ko dahil hindi ko na naintindi pagkagaling ng school..."
"Eh ano yung nakita ko kanina?"
"Anong kanina?..Allena, sabihin mo na nga lang kung anong gusto mong sabihin.."
Napabuntong-hininga ako, pinipilit na ikalma ang sarili..
"Nevermind,,...Kumain ka na?..." mahinahon kong tanong dito..
"Allena..." banta nito...
"Wala nga kasi.."
"Eh ano yung inaarte mo kanina?"
"Hindi ako nag iinarte, Maico....Naiinis lang kasi ako..."
"Matuto ka rin kasing sabihin kung ano yung nasa isip mo hindi yung nanghuhula ako kung anong tumatakbo sa utak mo.."
"Fine!..gusto mo malaman kung anong nasa isip ko?..."
"Oo!...ang hirap mo kasing intindihin eh...palagi ka na lang umo-oo, palagi na lang okay sayo.."
"Nahihirapan ako sa ginagawa mo!...ang galing mo kasing magpa-asa eh!...Nagseselos ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Stephanie...Naiinis ako sayo dahil napaka sinungaling mo!...Nasasaktan ako..Ayoko na nito!..."
"Sana noon mo pang sinabing ayaw mo na!..hindi naman kita pipigilan eh,..i don't even care kung ma-annull tayo..."
"Maico!.." napatingin ako kay papa nang sumigaw ito..Kanina pa ba silang nandito?..Nakita ba nila yung pagsasagutan namin?..
Nagtatakbo ako papalabas ng bahay...I heard them call me pero nagpatuloy ako sa pagtakbo palayo. Ayoko siyang harapin, nasasaktan lang lalo ako..
I don't know where I was but this place seems so familiar to me..
"What are you doing here?...Madilim na dito, baka mapahamak ka.."
"Ken!...a-anong ginagawa mo dito?"
"May hinihintay kasi akong bumalik dito...ikaw?..bakit ka nandito?"
I shook my head...Nahihiya akong sabihin sa kanya...
"Did you cried?..." Mabilis siyang lumapit sa akin at pinunasan ang mga luha ko...
"Siya ba ang dahilan?"
"Paanong--?"
Nagulat ako nang may humatak sa akin palayo kay Ken at ang pagbagsak ni Ken sa lupa..
"Ken!...ano ba Maico, bitawan mo ako!.." buong lakas kong tinulak ito at nilapitan si Ken..
"okay ka lang?...dumudugo ang labi mo.."
"Allena, lumayo ka sa kanya..." pagbabanta ni Maico pero hindi ko siya pinakinggan...
Inalalayan kong makatayo si Ken pero marahas akong hinigit ni Maico mula kay Ken..
"I told you to get away from MY WIFE..." nanlilisik ang mga mata at nagtatangis ang mga bagang na nakatingin siya kay Ken..
"Wife?..from what I know, you never treat her as one.." mukhang galit na rin ito at pinipigilan lang na makasakit...
"Ken.." pigil ko sa sasabihin nito..Parang ayokong marinig yung susunod niyang sasabihin. Iyon pa nga lang na sinabi niya masakit na pano pa kaya yung kasunod noon?
"I know..this is one of your revenge..." Maico hit him on the face na nakapagpabaling sa kabilang side ang mukha ni Ken..Pero humarap ulit siya at waring hindi dinamdam ang suntok ni Maico..
"I'm sorry, Allena..but you have to know this.." wika nito sa akin. I frowned. Anong dapat kong malaman?
"Enough!...tumigil ka na!.."sigaw ni Maico saka ako hinila palayo dito..
"Steph is just my cousin..Hindi totoong iniwan ka nya..."
Napatigil si Maico sa paglalakad ganundin ako.. Napatingin ako sa kanya, pinagmamasdan ang reaksyon niya...Kinakabahan sa maaring kahihinatnan ng mga sinabi ni Ken..Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Maico sa kamay ko pero hindi ko ininda iyon..Mas masakit kasi ang nararamdaman ng puso ko kesa sa higpit ng kapit niya...Ibang Maico ang nakikita ko, ngayon ko lang nakita iyon at sa puntong ito alam kong si Stephanie ang dahilan noon...Isang Maico na mahina, miserable, pakiramdam niya nag-iisa siya, na iniwan ng taong minahal niya ng sobra..Hindi ko matiis na makitang ganito siya..
Bumitaw ako kay Maico at lumapit kay Ken...
"Tumigil ka na...Nasasaktan na siya...ako..." hindi tumigil sa pagpatak ang mga luha ko...I saw his face softened and looks so sorry for what he did..
"I'm sorry...i didn't mean to hurt you...I'm really sorry.."
Tumalikod na ako at saka nilapitan si Maico pero nauna na itong maglakad kaya sinundan ko na lang siya...Tahimik lang kami hanggang makarating ng bahay...Nilapitan ako nila mama pero naintindihan naman agad nila na gusto kong mapag-isa kaya hinayaan na nila ako...I layed on our bed and think of what happened a while ago..Hindi ko man maintindihan ang mga sinasabi ni Ken pero naiintindhan ko kung gaano kasakit kay Maico kung ano man ang nangyari sa kanya ng nakaraan...
Nakailang baling na ako pero hindi pa rin ako makatulog. Maico is not yet here at hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko tuwing matutulog...I stood up and walk around the bed..Nasaan ba siya?..Bakit hindi pa siya pumapasok?..Pinuntahan ba niya si Stephanie?...Sila na ba ulit?..Paano ako?...Iiwan na ba niya ako?...
Naisipan kong lumabas para magtimpla ng gatas dahil hindi nga ako makatulog. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahang naroroon siya..
"M-maico....S----"
Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako sa labi...A-ano bang ginagawa niya?...Marahan ko siyang itinulak..
"Maico...magpahinga ka na.."sabi ko dito...
"I'm sorry, wife..I love you so much.." sambit nito before he kiss me again and this time it's very passionate and full of love..
Nararamdaman ko ang unti-unting pag-init ng paligid..
We shouldn't do this dahil masyado pang maaga, nag-aaral pa lang kami pero sa pagkakataong ito, hindi ko na yata magagawang pigilan pa siya...
Kahit hindi ako sigurado kung ano mangyayari after this, nagbabaka sakali akong hindi niya ako iiwan kung may mangyari man sa amin...
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...