Napansin ko ang malaking pagbabago ni Maico simula nung bumalik akong muli sa kanya. Pero sa halip na matuwa ako ay lalo akong nalulungkot sa katotohanang mas kailangan siya ni Stephanie. Alam kong mali ang mga nasabi ko noon tungkol kay Stephanie pero ngayong nalaman ko ang side nya ay hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Sa aming dalawa ay mas nasasaktan siya na ako ang mas dapat na sumuko at hayaan na silang maging masaya.Kasalukuyan akong nasa bookstore ngayon kasama si Esther at KC. Naghahanap ako ng 'Safe Haven' ni Nicholas Sparks habang nasa manga section iyong dalawa.
"Aish!..ubos na yata yun..." ani ko sa aking sarili. Nakakainis naman, gustong gusto ko pa ngang makabili ng book na iyon. Napahingang malalim ako nang wala talaga akong makita. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin ang dalawa nang mabaling ako sa babaeng nasa tabi ko lang. Nakajacket itong puti at may suot na malaking headset habang ginagalaw galaw ang ulo marahil ay sa pinapakinggang tugtog na sa tingin ko ay kanta ng Maroon 5, mula kasi sa pwesto ko ay naririnig ko ang tugtog mula sa headset nya.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at pagbaling sa akin. Nanlaki ang mata ko sa gulat at hiya. Bakit ko ba siya tinitingnan?...
"Bakit miss?...kinakausap mo ba ako?..." aniya matapos tagtagin ang headset niya at tuluyan na akong harapin. Ang ganda naman niya, may pagkahawig siya ni Selena Gomez.
"Ah...h..hindi...narinig ko lang kasi yung tugtog sa headset mo...maganda kasi...papasa naman..." shems!..ano bang palusot iyon?. Lumawak ang ngiti niya saka inilabas ang phone.
"Ah!...mashaket!." Naiiyak nitong daing nang bigla kong pisilin ang matambok niyang pisngi. Natatarantang nag sorry ako sa kanya pero ngumiti lang sya ulit kaya muli ko nanamang pinisil ang pisngi niya..Ang cute!.chubby ng pisngi niya..sarap pisilin ng pisilin...
"Hala ate Jane!..umiiyak na sya!.." mabilis kong nabitawan ang pisngi niya at natutop ko ang aking bibig sa gulat.. hala!..sobrang sakit ba ng pisil ko?.
"T..teka..bakit ikaw umiiyak din?..ako na nga sinaktan mo eh...ah!..ang sakit.." aniya habang pinupunasan ang luha nya. Agad namang lumapit sa akin si Esther at inabutan ako ng panyo..
"Ate Jane, wag ka umiyak please...padating si Kuya Maico...baka sabihin nun pinaiyak ka namin..." tarantang saad ni Esther. Para namang umaliwalas ang pakiramdam ko at na excite nang marinig ang pangalan ng asawa ko.
"Pasensya na miss ha..ano pangalan mo?.." ani ko sa kanya na patuloy pa ring hinihimas ang namumulang pisngi.
"Cesh(sesh), sakit nun ha...lagot ako pag nakita ni Aldrin to.." maktol niya, ang cute.
"Oh!..lumayo ka!...maawa ka!..." naiiyak na saad nito saka humakbang palayo sa akin. Pinigilan naman ni Es ang kamay ko na sana'y aabutin ang pisngi ni Cesh.
"Nandito pala kayo...Kuya sabi sayong namasyal lang kami saglit...gusto lang bumili ni Ate Jane ng book ni Nicholas Sparks at shoes ko na rin" sabay kaming napalingon tatlo kay Kc na papalapit sa amin.
Napabusangot ako nang makita ko si Maico, binabawi ko nang na excite akong makita sya kanina.
"Wife, i told you to call me if you w---" hindi nya natapos aag sasabihin niya nang iharang ko sa mukha niya ang palad ko.
" talk to my hand...tsk..tara na Es, Kc.. naaalibadbaran ako sa kuya nyo.." narinig ko pa ang mahinang mura ni Maico at ang paghagikhik ng dalawa. Nginitian ko naman si Cesh bago siya lampasan pero hindi niya ako nginitian, sayang cute pa nga nya pag ngumingiti.
"Ate Jane....hahaha...ang epic ng mukha ni Kuya kanina...hahaha" ani Es kaya hinarap ko sila nang nakahalukipkip. Panay ang tawa nila habang pinapanood ang kung ano sa phone ni Kc.
"Anong nakakatawa?...tsk!..tara gutom na ako..." tumalikod na ako at nauna nang maglakad sa kanila.
"Sungit mo ate...meron ka ba ngayon?..at saka kakakain lang po natin...kakain nanaman tayo .." sagot ni Kc habang dinudungaw ko sa gilid.
"Wala 2 months na..." napatigil ako sa sarili kong sagot. Tumigil din naman si Es at Kc na nauna nang naglakad dahil sa pagtigil ko.
"Ate Jane bakit?..." alalang tanong ni Kc. Natutuwa ako sa mga kapatid ni Maico, nararamdaman ko ang pagmamahal, alaga at pag aalala nila sa akin.
"W...wala....nasaan na si Maico?.."
"at ngayon hahanapin mo naman ako..." napaigtad ako nanag may bumulong sa gilid ng tenga ko. Sa inis ko ay hinarap ko siya at hinampas sa braso.
"Walangya ka, ginulat mo ako!.." napatawa ito ganundin ang dalawa nitong kapatid. At sa hindi ko malamang dahilan ay tila gusto kong magpasuyo dito kaya tinalikuran ko siyang muli saka humalukipkip.
"Eto namang asawa ko..napakamatampuhin...sorry na po..." Pinulupot niya ang braso sa aking bewang saka isinandal ang ulo sa aking balikat na saglit pa niyang hinalikan. Simpleng manyak pa itong asawa ko.
"Uii...si Ate, nagpapabebe pa..." panunudyo ng dalawa pero hindi ko nalang pinansin.Hinarap ko ng aking asawa at mabilis naman niya akong hinalikan sa labi na nakapagpangiti sa akin. Parang gusto ko pa tuloy ng isa pa yung matagal..
"Uwi na tayo..." pag aaya ko... nilingon ni Maico ang dalawa niyang kapatid saka muling bumaling sa akin...
"I thought bibili pa kayo ng shoes ni Kc?.." bigla akong nainis sa sagot niya kaya pinihit ko ang tagiliran niya na nakapagpadaing sa kanya dahilan para mapatingin ang ibang tao sa amin.
"argh!..bakit mo ako kinurot?.." aniya habang himas ang tagiliran nyang kinurot ko.
"Ewan ko sayo!.." tinulak mo pa siya bago tuluyang talikuran at puntahan si Kc at Es na nakapanood lang sa amin.. sumunod na rin ang dalawa sa akin habang naririnig ko pa ang pagtawag ng magaling kong asawa.
"Ate Jane...ang moody mo ngayon...meron ka nga..." ayan nanaman si Kc, sabing wala pa eh, 2 months na ..Inis na na pakamot ako sa buhok ko at pumasok sa isang boutique ..
"Good morning mam!...for newly born baby po ba?.." bati ng saleslady sa akin sabay tingin sa katawan ko. Maging ako ay napatingin din sa katawan ko saka binalingan ang saleslady.
"Anong problema sa katawan ko miss?..makatingin ka ah ." Hindi ko gusto ang saleslady na ito, pangit nya.
"Eh kasi mam, hindi po kayo ganun kataba kahit bagong anak..." tila nag init ang tenga ko sa narinig. Ako?..mataba?..mukha na ba akong may anak?..
"Ate Jane bilis mo maglakad.." hingal ba saad ng dalawa.
"Miss, excuse me ha...hindi ako mataba...sexy ako...mas sexy pa ako kay lily collins, at hindi pa ako nanay..sa ganda kong to...hmp!.." ani ko sabay walk out kaya muli nanaman akong sinundan nung dalawa.
Nakakainis ha, kanina si Maico ngayon yung saleslady namang iyon. Nakakinit sila ng dugo, naiinis din ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin pero wag naman sanang tama ang kutob ko. Hindi pa ako handa at isa pa baka mahirapan akong hayaan siyang makasama si Steph. Kahit na tanggap ko na ang gagawin ko, hindi pa rin maiwasang manikip ng dibdib ko.
Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romansa"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...