Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Mahigpit ang yakap niya at nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. Nawalay lang siya nang hilahin siya palayo ni Ken at lapitan ako.
"Let's go, Jane..." ang kaninang nakangiti niyaag mukha ay nawala na, halatang galit siya.
"Wife..." hindi ko tinapunan ng tingin si Maico hanggang makasakay ako at maisara ni Ken ang pinto ng kotse. Nanatiling nakatingin ako sa kamay kong nakapatong sa hita ko, pilit umiiwas mapatingin kay Maico.
Rinig ko ang tawag niya kasabay ng pagkatok niya sa bintana ng kotse pero nanatili akong nagbingibingihan. Seryosong pinaandar ni Ken ang kotse, nilingon ko ang side mirror at nakita kong napaluhod na lamang si Maico, sa pagbuka ng bibig niya ay alam kong ako ang tinatawag niya.
Pinipigilan kong maiyak, maling umiyak ako. Hindi ko dapat iniiyakan ang taong unang bumitaw sa aming dalawa. Tama lamang ang desisyom kong ito. Babalik na ako sa dating buhay ko, yung buhay na malaya ako, na naririyan si Ken, buhay na nawala sa akin noong nabulag ako sa pagmamahal kay Maico.
Naaalala ko nung huling kausap ko kay Farrah. Sobrang galit na galit ako sa kanya ganunpaman ay hinayaan ko siynag magpaliwanag.. Dahil doon ay nalaman ko ang lahat...
Flashback
"Babalik ako, jane..promise..."
"Promise ha..hihintayin kita..." iyak ko dito. Pinunasan nito ang luha ko at hinalikan ako sa aking noo.
"Promise...just promise me you'll wait for me.."
"Promise...maghihintay ako...mahal kita Ken..."
Iyon ang naging huling pagkikita namin. Panay ang iyak ko at madalas na lamang magkulong ng kwarto.
"jane..may gig ako mamaya...punta ka ah..." sinamaan ko ng tingin si Maico, hindi ko alam kung bakit ito panay ang kulit sa akin. Malayo pa ang ibinabyahe nito makapunta lamang sa amin sakay ng motor niya.
Nasa third year high school ako noon habang siya ay first year college na. Simula nung umalis si Ken ay heto siya at panay ang kulit sa akin.
"Ayoko...ano namang mapapala ko doon?..hindi naman si Ken ang tutugtog..." humalukipkip ako paharap sa kanya. Nalungkot siya sa sinabi ko na ikinairap ng mata ko.
"Gusto ko lang namang narooon ka sa unang gig ko... pero kung ayaw mo talaga, sige. H..hindi kita pipilitin.." halos pabulong at malumgkot na saad niya habang nakatungo. Waring nakonsensya naman ako..
"Bakit ako?..nakakapagod bumyahe..." sabi ko dito. Mas nakonsensya ako nang tununghay siya sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.
"Kasi gusto kita..." nanlaki ang mata ko. Ako gusto niya?..bakit naman niya ako magugustuhan eh kakikilala lang namin. Sa pagkakatanda ko ay nakilala ko siya sa park kung saan ako iniwan ni Ken...
"A..ako?..n..nagpapatawa ka ba?.." may halong nerbyos ang pagtawa ko. Natigil lamang ako nang makitang seryoso ang mukha niya.
"Bakit?..mukha ba akong nagbibiro.?.." napaiwas ako ng tingin kasabay ng pamumula ng pisngi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin akong muli sa kanya..
"Halika na...baka mainlove ka pag tumugtog na ako.."
Hinayaan ko na lamng siyang hilahin ako palapit s amotor niya. Siya pa mismo ang nagpaalam sa mga magulang ko para isama ako sa kaniya. Isinuot na niya ang helmet sa ulo ko at ganundin siya. Nang sumakay ako sa motor niya ay inilagay niya ang kamay ko paikot sa katawan niya kaya nailang ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romansa"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...