3rd day of practice ngayon para sa intramurals at dahil maliit lang ang school namin at walang gym, nag-rent ng kanya-kanyang covered court ang ibang family.. kami naman nasa open field kami advantage saamin kasi walang babayaran..Cheerdancing ang sinalihan ko kasi yun lang naman ang kaya kong gawin..."ok, break muna, 10 minutes!.." sigaw nung bakla na nag chochoreo sa amin...
"Jane!.." tsk!..ayan nanaman siya...
"Jane.." tawag niya ulit nang makalapit...
"Ano?" may halong pagka-irita sa boses ko...Dahil lang sa pagtawag niya ng Jane na yan...hindi pa rin kami nagkaka-ayos ni Maico...
"at saka pwede ba, tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Jane...Naiirita ako.." nakita ko ang paglungkot ng mukha niya..Tsk!...sa halip na mainis ako nagiguilty lang ako...
"s-sorry, akala ko kasi okay lang sa'yo...ahh t-tubig pala oh...baka nauuhaw ka na.." tiningnan ko lang ang bottled water na hawak niya...Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang malamig na bagay sa kamay ko kaya napatinginn ako rito....
"sige Jane.practice na kami ng basketball.." paalam niya at mabilis na umalis.s
"t-teka...sabi ko wa---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi nagtatakbo na siya..Ang kulit niya...sabing wag na akong tatawagin na Jane eh...
'Girl, kilala niyo si Stephanie?...ang ganda niya ano?..' girl 1
'oo..nakita ko nga sila minsan ni Maico..ang sweet nga nila eh..bagay na bagay...' girl 2
hindi ko na sana sila pakikinggan kung hindi ko narinig ang pangalan ni Maico...kaya tumigil ako sa tabi nila at kunwari'y naglalaro ng games sa cellphone ko...magpapaka tsismosa ako ngayon, narinig ko pangalan ng asawa ko eh..
'girlfriend niya siguro..' girl 3
'siguro nga...nakikita ko nga silang pumupunta ng resto galleria...at sobrang sweet lang talaga ni Maico...' girl 1
Nakaramdam naman ako ng kirot sa kaliwang dibdib ko nang marinig ko iyon..So, kaya pala hindi siya nagtetext sa akin o tumatawag kasi may pinagkakaabalahan siyang iba?...
"okay, practice na...from the top.." sigaw ng choreo namin habag pumapalakpak pa....Buong practice akong wala sa sarili kaya napapagalitan ako ng choreo dahil na din sa nakakadamay pa ako ng mga maling steps...Maagang natapos ang aming practice kaya nagyakag ang iba na pumunta sa practice ng bawat family...Sumama na rin ako para makita ko na rin ang asawa ko..
"tahimik mo.." napatingin ako sa katabi ko sa tricycle...walang taxi sa lugar naming kasi province ito kaya tricycle ang ginagamit naming pag may pupuntahan na malayo...van or jeep naman pag kabilang bayan na ang pupuntahan...
"saan ang punta mo?.." dagdag niya
"sa pinagpa-practice-an ng family 1..."
"tamang-tama dun din ako...sabay na tayo ah.." aniya....hindi na lang ako sumagot...ayaw ko namang ma-offend siya dahil tinaggihan ko ang offer niya, kung pumayag naman ako baka hanggag pagpasok ng gym sabayan niya ako..baka lalo akong hindi kausapin ni Maico...Nang tumigil ang tricycle ay nagbayad na agad ako at mabilis na bumaba...Pumasok na agad ako habang nagbabayad pa siya..
"Jane!.." mas binilisan ko pa ang paglakad..patuloy naman siya sa pagtawag sa akin...Nang makapasok ako sa gym ay napakatahimik ng paligid at naririnig ko lang ang strum ng gitara at pagkanta ng isang babae...Napakalamig ng boses niya habang kinakanta ang "Perfect Two by Auburn"...Agad akong lumapit sa nagkukumpulang mga estudyante para malaman kung sino ang may magandang boses na iyon... 'bagay talaga sila ano...'
'oo nga...siguro sila na ulit..'
'for sure sila na...kita niyo naman di'ba?...sila nga ang sikat noon na couple sa school natin.sweet kasi nila sa isa't isa at hindi mo talaga sila mapaghihiwalay.'
'talaga?..walang duda..tingnan mo nalang sa mga titig nila... ilan sa mga narinig kong bulungan ng ibang estudyante nag makalapit ako sa kumpulan..
Biglang nawala ang ngiti at excitement ko nang makita ko silang masayang magkatitigan sa isat'isa...So, sila pala ang sinasabi nilang couple noon?..Bumigat nanaman ang pakiramdam ko...Ang mga titig na iyon na ni minsan ay hindi niya ibinigay sa akin, maging ang ngiti niya na sobrang nakatunaw ng puso ay hindi ko nakita sa kanya sa isang taong naming magkarelasyon..Napansin ko rin na madalas na yata silang magkasama...Matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga nakapaligid...
"PARANG MAY KULANG!.." sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay barkada nya...Napakunot-noo naman ako...kulang?..ay baka lyrics lang nuing kanta..
"NASAAN YUNG KISS!..." dagdag ng isa katabi nung sumigaw kanina...
"WHOO!!. KISSS!!!.." sigaw ng mga estudyante...
Mas lalong lumakas ang sigawan nang hawakan ni Stephanie si Maico sa leeg nito at halikan sa labi...Halos mabato ako sa kinatatayuan ko...Hindi na napigilan ang pagpatak ng isang butil ng luha sa mata ko nang hapitin ni Maico sa bewang si Stephanie at halikan din ito pabalik...What a great scene...Imagine that?..My HUSBAND is just kissing his EX-GIRLFRIEND right in front of everyone especially me, his WIFE..Hindi na ako magugulat kapag may iniharap siya sa aking annulment paper....Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang mata namin...Gulat ang unang rumehistro sa mukha niya...
"Jane.." nasabi niya habang nakatingin sa akin...Natigil na ang kissing scene nila...I fake a smile at napailing na lang saka umalis sa lugar na iyon....Hindi ko na rin napigilan ang pagluha ko...
"Allena!.." narinig kong tawag sa akin ni Farrah...tumigi ako at humarap sa kanya..nasa labas na kami ng gym at kami lang tao dito..
"Allena---"
"May alam ka ba sa kanila?.." napatungo naman siya sa tanong ko....Halos mag-init ang ulo ko dahil sa pagtatago niya ng nakikita niyang nangyayari sa pagitan ni Maico at Stephanie..
"s-sorry, ayoko lang namang makita kang nas----"
"ANO SA----"
"Jane...."naputol ang sasabihin ko nang marinig ang boses niya...mas lalong lumawak ang galit sa dibdib ko nang marinig ko ang boses niya..

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...