“Goodmorning!...halika breakfast ka na...nagluto ako..” napangiti ako dahil siya ang unang bumungad sa akin ngayong umaga...Mukhang magiging maganda ang araw ko ngayon...
“Goodmorning...” sagot ko naman, pinagtulak niya ako ng upuan at pinaghanda ng pagkain..Back to being Maico that I had known before siya ngayon...Kumain na rin kami agad kasi kailangan naming maaga ngayon, intramurals na kasi namin at 8 ang start ng parade...Nagising na rin si Kuya Jared at sumabay na rin sa pagkain...
“Kumusta ang unang gabi mo dito?...nakatulog ka ba?” tanong ni Kuya Jared..
“okay naman...nakatulog naman ako..” sagot ko sa kanya sabay inom ng tubig..dito na kasi ako titira sa apartment nila...Hindi ko alam kung paanong pagpapaalam ang ginawa ni Maico at napapayag niya sila nanay...
“hindi ka naman ginapang ng magaling kong kapatid?” may nakakalokong ngiting nakaguhit sa labi niya habang sinasabi niya iyon...Muntik ko pang maibuga ang tubig na iniinom ko kasabay noon ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya..
“Umayos ka nga tol!...” suway ni Maico...
“Pikon ka na agad..haha...binalak mo rin iyon ano?..”
“h-hindi kaya..” nakita kong namula ang pisngi ni Maico...Cute...
“hahaha...huli ka na tol...” panunudyo pa nito...
“tsk!..h-hindi nga sabi...tara na nga wifey...” aniya..Tumayo na rin ako kasi tapos na rin naman akong kumain...Lumabas na kami ng bahay, narinig ko pang tumatawa si Kuya Jared..Lakas ding makapang asar nun sa hubby ko eh...
Nang makarating kami sa school ay naka line na ang mga estudyante..Magsisimula na siguro ang parade..haha, may fine na 50 pesos si Kuya Jared, late na yun for sure...
“sige wifey, dun na ako ah...” paalam niya sa akin..tumango naman ako at dumiretso na rin sa line ng mga ka family ko...
“Goodmorning Ken!..” bati ko sa kanya...Ngumiti lang siya sa akin at dumiretso na ng tingin sa unahan...
“Ken, okay ka lang?..” tanong ko...mukha kasing may problema siya ngayon..Umiling lang siya tapos lumapit kay Jennica, yung muse namin...
Nagsimula na ang parade at isang mahaba habang lakaran ito...Wala pa akong ka-close dito, si Ken naman nandoon sa dulo kasama ang barkada niya, wala tuloy akong maka usap...
“Tubig?” napatingin naman ako sa likod ko...Si Ken pala, may hawak itong bottled water na iniaabot sa akin..
“salamat..” kinuha ko iyon at ininom...Sobrang uhaw na kasi talaga ako...
“okay ka na?...” tumango naman ako at ngumiti sa kanya...
“may problema ka ba?..” mukha kasing ang lungkot ng mata niya though nakangiti siya...
“wala naman...kumusta na pala?..” tinatanong niya yung isang araw...Wala kasi siya nung huling meeting ng mga families...
“okay naman na....salamat nga pala ha...I owe you that..”
Ngumiti na lamang siya at nanahimik...
After 7200 seconds natapos na din ang parade at nandito na kami ngayon sa covered court ng Sto. Domingo..Nagsimula ng mag ingay ang mga estudyante..May mga yells silang isinisigaw na talagang nakapagpa-ingay ng court...
“pawisan ka na...towel oh..” Si Ken habang ino-offer sa akin ang towel niya...Nakakatuwa lang si Ken kasi ang maalaga niya...Sa akin pa lang na kaibigan niya ganyan na siya, what more kung girlfriend niya di’ba?..Napakamaalaga at sweet niya...Ang saya sigurong maging boyfriend si Ken. *face palm* “ano bang pinagsasasabi ko?..” bulong ko sa sarili ko

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...