Nanatili ang tanaw ko sa labas habang naririnig ko ang mumunting hagikhik ng aking mag ama sa loob ng silid. Kapayapaan ang namumutawi sa aking puso habang pinapanood ang payapang pag alon ng asul na dagat sa ilalim ng maliwanag na sikat ng araw kasabay ng hagikhik nila. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang lumipat ang tingin ko sa mag ama na nagbubulungan habang nakatingin sa akin.
Nagtatakbo sa akin ang aking limang taong gulang na anak saka yumakap. Akma na nya akong hahalikan nang magtatakbo ito sa kanyang ama na syang ikinatawa nilang pareho. Sumimangot ako at nagkunwaring nagtatampo nang ngumisi ng todo ang aking anak.
"I love you mama!" Sigaw niya.
Lubos ang aking galak sapagkat masaya at buo kami. Wala na akong mahihiling pa sa Panginoon kundi ang araw na araw na magpasalamat sa biyayang ito. Marami mang pagsubok ang nagdaan pero nalagpasan ko iyon at ito ang naging bunga ng lahat.
"Trevor... Your papa needs to take a rest now... Pinagod mo nanaman sya..." Anas ko nang simulang lumapit sa kanila. Ngumuso ang aking anak pero ngumiti rin nang haplusin ng ama ang kanyang buhok.
"Can't we go out today?.." Ang kanyang mga mata ay tila nagmamakaawa na sya ay pagbigyan ngayon.
"Let's go out then .." kumikislap ang kanyang mga mata at nakangiting hinahaplos ang buhok ni Trevor. Lumawak ang ngiti nito sa tinuran ng ama.
Napabuntong hininga ako. I can't go against them lalo na at pareho silang nagkakasundo sa kanilang gusto. Nagtatakbo na si Trevor sa kanyang kwarto para magpalit ng damit. Gustong gusto nito ang magswimming palagi pero kahit ganun ay hindi ito nangingitim. Nagmana ito sa kanyang ama na namumula lang ang balat sa tuwing magbababad sa ilalim ng araw.
Nanatili ang tingin ko kay Trevor na masayang gumagawa ng kastilyo mula sa buhangin nang maramdaman ko ang mainit na yakap mula sa aking likod. Idinantay nito ang kanyang ulo sa aking balikat saka saglit na humalik sa aking pisngi.
"I'm so happy.." bulong niya sa aking tainga na syang nakapagpangiti sa akin. Kahit na mag asawa na kami at may anak ay di pa rin nawawala ang kilig at pag init ng pisngi ko sa tuwing ganito ang sitwasyon namin. Araw araw na yata akong inlove sa aking asawa.
"Hmm..." dumagundong ang dibdib ko sa kaba nang marinig ko ang mahina nyang daing at bahagyang paghigpit pa ng yakap nya sa akin. Mabilis akong humarap sa kanya at hinawakan sya sa pisngi.
"Okay ka lang?. May masakit ba?.. Ibabalik na kita sa kwarto para makapagpahinga ka na.. Tatatawag---"
"Sshhh.... I'm fine...don't worry.." Putol nya sa sasabihin ko. Kinagat ko ang aking labi nang bigyan nya ako ng nanunuyang ngiti. Tuwang tuwa talaga sya pag ganito ako magreact. Mahinang hampas ang natamo niya sa akin kasabay ng pag irap ko na syang ikinatawa naman nya.
Muli nya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"Mama, when will tito visit again?" ang kaninang ngiti ko ay biglang naglaho sa tanong ng aking anak. Naupo ako at pinagpag ang iilang buhangin dumikt sa kanyang braso at binti.
"Do you want to see tito, son?" Tumingala ako rito nang tanungin nya si Trevor. Gumuhit ang pait na ngiti sa kanyang gwapong mukha na nakapagpa iwas ng tingin sa akin.
"Tito is very busy baby... Let's go back na.. Papa should really take a rest now.."
Nanatiling nakaupo si Trevor sa tabi ng kanyang ama habang ito ay nagpapahinga na nakasanayang nya ng gawin. Hawak ang aklat ay seryoso nya itong binabasa. Habang pinapanood ko ang dalawa ay syang pagvibrate ng phone ko. Humalik ako sa noo ng mag ama bago tuluyang lumabas ng kwarto at sagutin ang tawag.
"Ellaine.." Ani ko pagkasagot noon.
Tumikhim ito mula sa kabilang linya at saglit pang natigilan bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romansa"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...
