"..merry christmas!".. masayang bati ko sa matangkad na lalaking nakatalikod sa akin. Tinalon ko pa ito para tabunan ang mga mata nito..
"Jane..i know it's you..." napasimangot ako pero agad ding napangisi nang naalala ang ibinalot kong regalo para sa kanya..
inalis ko na ang palad ko na nagtatabon sa mga mata nito. Nakangiting humarap ang lalaki habang ako ay nakatingala rito.
"Merry christmas Jane..." bati niya sa akin sabay halik sa noo ko. Saglit siyang umalis at pagbalik niya ay may dala siyang napakalaking teddy bear. Nagliwanag ang mata ko at napapalakpak pa ako nang makalapit siya sa akin.
"Wow!"
"This isn't for you..." aniya na nakapagpasimangot sa akin. Ngumiti lamang ito at ginulo ang buhok ko saka iniabot sa akin ang teddy bear.
Agad akong napangiti saka mabilis na niyakap ang green na teddy bear. Mas malaki pa ito sa akin na halos matabunan na ako...
"So is that for me?.." turo niya sa hawak kong maliit na box.
Nakangising inabot ko sa kanya iyon. Excited niyang binuksan ang regalong ibinigay ko pero napangiwi ito nang makita ang laman noon. Mas lumawak ang ngisi ko at hindi na napigilang mapatawa nang makita ang pagngiwi ng labi niya.
"MISS CORTEZ!!". nagising ako mula sa sigaw ng professor namin na si Miss Alice. Nabala tuloy ang panaginip ko, ni hindi ko man lang alam kung ano ang niregalo ko at kung sino ang lalaking iyon...
Waring nagising ang diwa ko nang marealize kong nakatulog ako sa klase. Lagot ako nito, first time itong nangyari sa akin.
"This is my first warning for you Miss Cortez, the second time it will happen again, I'll give you a special exam.." Nakatingin ang mga kaklase ko sa akin kaya mas nakaramdam ako ng hiya.
"Yes, maam..sorry po.." paumanhin ko dito nang nakayuko.
Tapos na ang klase, kasalukuyan na akong pabalik ng apartment pero tumatakbo pa rin sa utak ko ang panaginip ko kanina. Hindi ko malaman kung sino ang lalaking iyon. Tanging ang nakangiting mga labi lang nito ang nakikita ko.
At ang green na teddy bear na ibinigay niya, nasa kwarto ko iyon. Ibig sabihin ba noon ay totoong nangyari ang panaginip kong iyon?..
Iyon lang ang tanging nasa isip ko hanggang makarating ako ng apartment. Pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ay bumungad na si Maico na isinasara ang kanyang bag na mukhang maraming laman.
"Oh!...san ka pupunta?.." tanong ko kay Maico.
Mukhang nagulat pa siya nang makita ako..
"Y...you're here..." napatighim pa siya dahil sa pagkautal niya sa pagsasalita.
"Yeah?..bakit may bag kang dala?..aalis ka?.." tanong ko habang palapit sa kanya.
Waring hindi ito mapakali. Napakunot-noo ako sa kilos niya. May itinatago ba siya sa akin?
" s-sorry for not telling you e..earlier..Sa bahay ako nila Shan tutuloy, g..gagawa ng thesis."..
"ganun ba?..bakit ang dami mo namang dala?..ilang araw ka doon?.." napatingin akong muli sa bag niya pabalik sa kanyang gwapong mukha.
"i..I don't know but I'll be here pag nagkulang ang gamit kong dala.."
"Kulang?..mukhang lalayas ka na nga sa dala mong iyan eh...linggo ba ang itatagal mo sa kanila?.."
Marahan lang siyang napatango. Napabuntong hininga na lang ako.
"May dala ka na bang uniform?..yung id mo, nailagay mo ba dyan sa bag?..baka makalimutan mo nanaman.." paalala ko dito. He smiled a little, hugging me and kissed me on my forehead.
"Yes, wife..."
"Bakit hindi na lang dito?.." tanong ko. Kumalas ito sa yakap para harapin ako.
"you know they would see you here..." nawala ang ngiti ko sabay ang pag iwas ng tingin ko dito pero ilang saglit lang ay nakangiting nilingon ko si Maico..
" oo nga pala...secret lang to..sige na..baka naiinip na yung mga yun.."
Inabot ni Maico ang labi ko at mabilis na hinalikan. Kahit na may nangyari na sa amin dalawang araw na ang lumipas ay nahihiya pa rin ako dito kahit halik lang sa labi.
Isinakbit na ni Maico ang bag niya. Akma niya nang bubuksan ang pinto nang tawagin ko siya kaya napatigil siya at napatingin sa akin..
"I love you.."
"I love you, too.."
Nakaramdam ako ng lungkot at pag iisa nang umalis siya. Napakatahimik lalo na at wala pa si Ate Niz at Kuya Jared. Pabagsak akong nahiga sa kama. Napatitig lang ako sa puting kisame.
"Happy monthsary!!.." masiglang bati ko sa matangkad na lalaking kaharap ko. Nakangiti ito sa akin, mahahalatang sobra ang kasiyahan niya ganundin ako.
Hawak ko sa aking likuran ang maliit na regalo para sa kanya. Nakangisi akong ipinakita ang regalo ko na ikina alangan ng ngiti niya. Para siyang nadudumi na hindi mo mawari pero naroroon pa rin ang saya sa kanyang mga labi.
"Tada!..regalo ko sa'yo!..buksan mo na.." magiliw kong saad.
~knock!knock!~
Bahagya akong napaigtad nang marinig ang malakas na katok sa pintuan ng aming kwarto. Malamang ay si Kuya Jared iyon, akala siguro niya ay nagkukulong nanaman kami ni Maico sa kwarto.
Inaantok na tumayo ako para pagbuksan siya. Siguradong mukha akong bruha dahil basta kong inalis ang puyod ko kanina at hindi na nagsuklay. Dinalaw kasi ako ng matinding antok kaya tinamad na akong magpalit ng pantulog at maging pagsusuklay.
"Oh!..mukhang nilapa ka nanaman ni Maico ah." Panimula ni Kuya Jared sabay pa ng pagtawa nila ni Ate Niz ng malakas. Namumula ang pisngi ko sa hiya.
"wala si Maico, umalis..." pagpapaalam ko sa kanila na ikinatigil nila sa pagtawa. Nagkatinginan pa ang dalawa saka tumikhim si Kuya Jared.
"S..san naman nagpunta?.." tanong ni Kuya Jared.
" kayla Shan, gagawa daw sila ng thesis eh..."
Muli silang nagkatinginan ni Ate Niz. Nagpaalam si Kuya Jared na may pupuntahan daw muna siyang importante kaya naiwan kami ni Ate Niz dito sa apartment. Sinuklay ko muna ang magulo kong buhok at pinalitan ang suot kong uniform ng damit pantulog bago lumabas ng kwarto. Tahimik lang kaming kumakain ni Ate Niz ng dinner nang magsalita ako.
"Ano yung importanteng pupuntahan ni Kuya Jared?." dahil sa kyuryusidad ko ay hindi ko maiwasang itanong kay Ate Niz iyon. Mukhang nagulat pa siya kaya nabitawan pa niya ang hawak na kutsara.
"ah yun?..hayaan mo na. Siya ng bahala dun.."
Napakunot noo ako, hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
"Bahala saan?.."
Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni Ate Niz pero talagang umiiwas ito. Napatawa siya pero halata dun ang nerbyos."Okay ka lang Ate Niz?.." muli kong tanong.
"O..oo naman..ah!..may dala pala akong movie,..nood tayo pagkatapos kumain.."
Nagtatakang tumango na lang ako dito. Okay lang ba talaga siya, mukha kasing namumutla si Ate Niz. Ngumiti lang ito sa akin at muling sinabing okay lang siya. Napatawa pa ito nang makitang nakabusangot ang mukha kong nakatitig sa kanya.
Pasado alas diyes na nang gabi pero hindi pa rin dumarating si Kuya Jared. Nagpaalam na ako kay Ate Niz na matutulog na dahil inaantok na talaga ako. Siya naman ay hihintayin pa daw niya si Kuya Jared.
Papalabas na ako ng kitchen nang tawagin ako ni Ate Niz. Nagulat pa ako nang yakapin niya ako pagkaharap ko sa kanya.
"Ate Niz.. okay ka lang ba talaga?.."
"O..oo naman...sya pahinga ka na ah....basta kahit anong mangyari Allena nandito lang kami ni Kuya Jared mo.." i nodded at her, giving her a warm smile. I am thankful for having them beside me.
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...