Patuloy ang pag strum nya sa kanyang gitara habang nakatitig sa malayo kasabay ang pagtulo ng luha niya. Ilan taon na nga ba syang umaasa? Ilan taon na rin nyang sinisisi ang sarili simula ng araw na iniwan nya ang babaeng kahit kailan ay hindi nawala sa isip at puso niya.
Parang bula na naglaho ang mga pangarap niya para sa kanilang dalawa. Sa isang iglap lang ay ibang tao na ang nagpapasaya at minamahal ng taong mahal nya. Lahat ng plano niya para sa kanilang dalawa ay nasira na lang bigla.
"And i don't know what to do...cause i'll never be with you..." natigil siya matapos nyang kantahin iyon. Nang mailapag niya ang gitara sa kanyang tabi ay iniunat niya ang kanyang paa habang nakatuon ang palad niya sa bench na inuupuan saka tumingala at ipinikit ang kanyang mga mata. Paano nga ba sila napunta sa ganitong sitwasyon?
"Ken...si Allena...." pag agaw pansin ni Ellaine dito. Mabilis na napatayo si Ken mula sa bench na kanyang kinauupuan sa rooftop ng hospital building. Nilampasan nya si Ellaine at nagdire diretso patungo sa kwarto kung saan naka admit si Jane.
Malapit na siya sa room ni Jane nang mapatigil siya. Nakita niya si Stephanie na nahaalinlamgan kung kakatok sa pinto ng kwarto ni Jane.
"Teff..." pagtawag ni Ken sa kanyang pinsan. Gulat na napalingon si Stephanie kay Ken. Tila nabato ito sa kinatatayuan hanggang sa hindi na nito namalayan na nalapitan na siya ng binata.
"W...what are you doing here?..you're suppose to be in Italy for treatment..." tanong ni Ken nang nakakunot noo. Tipid lang na napangiti si Stephanie. Saglit pa itong bumaling sa pinto bago muling hinarap ni Ken. Ibubuka na sana nito ang bibig para sumagot nang makarinig sila ng sigaw mula sa loob.
"IT'S ALL YOUR FAULT!!..IF ONLY YOU NEVER LEFT JUST FOR ANOTHER GUY THIS WOULDN'T HAPPEN!!.."
Mabilis na binuksan ni Ken ang pinto. Galit ang namayani sa dibdib niya matapos marinig ang masakit na salitang binitiwan ni Maico kay Jane.
Isang malakas na suntok ang ibinigay nya kay Maico nang makalapit dito. Napatabon na lang ng bibig si Stephanie sa nakita saka dinaluhan si Maico na napaupo na sa sahig.
Napatitig na lang si Jane kay Maico at Stephanie habang alalang dinadaluhan nito ang kanyang asawa. Kusang tumulo ang mga luha niya habang pinapanood ang dalawa. Tila mas nadurog pa ang puso nya sa nakikikita niyang eksena sa harap niya. Pinunasan ni Maico ang dumugong labi habang hindi inaalis ang nagbabagang mga tingin nya kay Jane. Marahas siyang tumayo nang hindi inaalis ang matalim na titig niya kay Jane.
"I will never forgive you Jane.... Dahil sa kalandian mo nawala ang sana'y tuluyang bubuo ng pangarap ko..." may diin ang bawat salita ni Maico na nanuot sa buong pagkatao ni Jane. Tinanggap nya ang akusa ni Maico sa kanya, hindi sya nangatwiran dahil alam nya sa sarili nyang wala siyang ginawang mali. At kung meron man, iyon ay ang naging pabaya siya.
Muli sanang lalapitan ni Ken si Maico pero pinigilan sya ni Jane. Ramdam ni Jane ang panginginig ng kamay ni Ken dahil sa pagpupuyos ng galit nito.
Padarag na sinarhan ni Maico ang pinto nang makalabas ito ng kwarto. Naiwan sa loob si Stephanie na nanatiling nakatingin kay Jane.
"Sorry..." mahinang sambit ni Stephanie. Isang simpleng ngiti ang ibinigay ni Jane dito.
"Sorry din Steph....sorry...." buong sinseridad na saad ni Jane. Pinunasan ni Steph ang luhang tumulo sa pisngi niya saka sya sinuklian ng munting ngiti. Kahit na nakamake up na si Stephanie ay nahahalata pa rin sa kanyang mukha ang pagkamaputlain nito maging ang pagkupis noon.
Nang makalabas si Stephanie ng kwarto ay nakasalubong nya si Ellaine na kagagaling lang sa rooftop. Tinawagan pa kasi ni Ellaine ang magulang ni Allena para sabihing gising na si Allena at okay na ito. Masama ang tinging ipinukol nito sa sa kanya. Hindi nya masisisi si Ellaine kung gayon na lang ang galit nito sa kanya. Nasaktan niya ang pinsan nito, sinira niya ang masayang pagsasama ni Jane at Maico noon at pinagsisisihan nya iyon ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?!.." mataray na tanong ni Ellaine. Nakataas pa ang isang kilay nito at matalas ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Wala akong panahong makipag away Ellaine...a..alis na ako..." tanging sagot nito saka na sya nialmpasan.
"Anong feeling na nakasira ka ng relasyon ng mag asawa Steph?.." natigilan si Steph sa tinuran ni Ellaine. Hindi siya makaimik. Lahat nhgmasasakit na salitang bibitawan nito ay handa niyang tanggapin. Kahit ano tatanggapin niya dahil aminado sya at pinagsisisihan niya ang mga ginawa niya.
"Dahil sa pagiging selfish mo...nadamay pati walang malay na sanggol..." napatiim kamao si Stephanie. Masakit ang paratang ni Ellaine sa kanya pero sino nga ba ang dapat sisihin dito?..hindi ba at siya ang naging simula ng hindi pagkakaintindihan ni Maico at Allena?.
"Ano?..masakit ba?..bakit hindi ka na lang kasi natuluyang mamatay para hindi ka na nakabalik pa dito?.hindi sana mangyayari ang lahat ng to...nakikita mo ba ang lungkot sa mata ni Allena?...nasira na nga ang relasyon sila ng dahil sayo, nawala pa ang b...baby nila..." nanginig ang boses ni Ellaine sa huling sinabi nito. Maging si Stephanie ay humihikbi na rin at pilit pinipigil ang pag iyak.
"My cousin doesn't deserve this kind of sufferings..ano bang nagawa niya sa inyo?..why does she has to carry all the pain and hate?.." natutop ni Stephanie ang mukha. Nagsimulang magtaas baba ang balikat niya indikasyon na hindi nya na napigilang mapahagulhol.
"I..i'm..s..orry..."
"Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ng baby nila? Ang nasirang pagsasama nila?..."
Alam nyang malaki ang pagkakamaling nagawa niya pero hindi ba't kung talagang matatag ang pundasyon ng pagsasama ng dalawa ay hindi mauuwi sa ganoong hiwalayan nila?.. Kahit nanghihina ang katawan at nakakaramdam siya ng pagkahilo ay pilit niyang hinarap muli si Ellaine.
"I'...i'm not the..o..only one to..b.blame here...you were once kept a secret to her...you know the happenings yet you remain silent...we all have mistakes Ellaine...at kung meron mang dapat sisihin hindi lang ako...."
Hindi nakaimik si Ellaine pero nanatiling masama ang tingin nya kay Stephanie. Hindi mawala ang galit nya dito. Sa kanya nya lahat ibinubunton ang sisi.
"Just die, Steph...." tanging saad ni Ellaine bago talikuran si Stephanie at tuluyang pumasok sa silid ni Allena.
Mapait na napangiti si Stephanie. That is how evil she is for her na gusto na lang nitong mamatay siya. If only she can die earlier than the doctor had given time to her. Para sa oras na mawala siya, mawala na rin ang sakit na nararamdaman ng puso nya. Para hindi nya makita ang galit na ibinabato sa kanya. Just when she realizes that everyone deserves happiness but at this point, it's Allena who's more deserving to be happy after all the hurt and sufferings she had given to her.
Vote. Comment. Share
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...