Chapter 21

5.4K 93 4
                                    

Civil Service exam na mamaya nagawa ko pang magsulat ng story...LOL..good luck na lang sa akin...

04-17-16

-----------------

Buong event ay occupied ni Maico ang isip ko. Nakaupo lamang ako habang nakatingin sa bandang nagpeperform sa unahan pero tila hindi ko marinig ang pagtugtog nila.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang binitawan niyang salita. Totoo ba iyon?..Did he meant what he said?..

"jane, are you okay?.." napalingon ako kay Tita Carelle.

"..ah...p..pagod lang po siguro.." ani ko.

"Ganun ba?..halika ipapahatid na kita kay Mang Cesar...magpaalam ka muna kay Ken after ng song niya..." tumango ako bilang sagot saka tumayo na. Sinenyasan ko si Ken na pumunta sya ng backstage after nya magperform. Hinintay ko siya sa backstage at mayamaya nga lang ay papalapit na siya sa akin.

"Why?.." nakangiti niyang tanong, makikita mo sa mukha niya ang saya.

"U..uwi na ako...okay lang ba?..pagod na kasi ako eh..." paalam ko dito, saglit siyang nagpaalam sa akin para kausapin ang kanyang banda.

"Let's go?.." hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi niya nang makalapit siya sa akin.

"Anong let's go?..uuwi ka na rin?.." kunot noong tanong ko sa kanya, ngumiti lamang siya at hinawakan ang kamay ko saka hinila palabas ng bar.

Binuksan niya ang kotse at pinapasok ako saka siya umikot sa kabila at pumasok na rin.

"Ken...iiwan mo yung banda mo?..." tanong ko dito..

"Nag promise ako....hindi na kita iiwan mag isa..." sagot niya. Waring pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Sana ganyan din si Maico, mas pipiliin niyang makasama ako kesa sa ibang tao...

Nang paandarin na niya ang kotse ay nanahimik na lang ako. Naalala ko nanaman si Maico, kelan kaya yung time na mas uunahin naman niya ako kesa kay Stephanie?..

"Okay lang naman ako eh....bar mo yun Ken..dapat nandun ka...." muli kong saad dito. Nilingon niya ako saglit saka muling itinuon ang sarili sa daan.

"I would rather be with you than any other thing Jane...ikaw at ikaw ang uunahin ko...." aniya.

"B---"

"OH shit!.." agad niyang naipreno ang kotse.

"shit!..Jane..are you okay?..." tumango ako pero ang tingin ko ay sa taong nasa unahan namin ngayon. Bumaba ito ng pula niyang motor saka hinubad ang helmet niyang suot.

"what the hell is his problem?..!" Bumaba si Ken para salubungin si Maico kaya bumaba na rin ako..

"Stay in the car, Jane...please..."

"No...she'll come with me...." hasik naman ni Maico. Akma na akong lalapitan ni Maico nang kwelyuhan siya ni Ken...

"I won't let you...after you hurt her and left with Steph?...after everything?..do you think I can just let her go back to you?.!!".

"Ken...please...bitawan mo na sya....umuwi na tayo...." mahinahon kong saad, medyo nananakit na rin ang ulo ko at gusto ko ng magpahinga..

Marahas na binitawan ni Ken si Maico saka ito lumapit sa akin. Hindi pa man kami nakakapasok ng kotse ay hinila ako ni Maico at inilayo kay Ken.

"Maico, bitiwan mo ako..." hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dito.

"No...sasama ka sa akin...." matigas na saad niya..

"FUCK!!..LET HER GO, MAICO!". sinuntok ni Ken si Maico dahilan para mabitawan ako ni Maico at sugudin si Ken. Nagpapalitan sila ng suntok habang ako ay walang magawa kung hindi ang sigawan silang tumigil na.

Nakapaibabaw na si Maico kay Ken, duguan na ng mukha ni Ken at pilit kumakawala kay Maico pero hindi niya ito pinagbigyan. Susuntukin sana muli ni Maico si Ken nang magsalita ako.

"Maico, tama na!...s..sasama na ako sa'yo...please lang..i..itigil mo na yan..."

Sabay silang lumingon sa akin, iniiwas ko na lang ang tingin kay Ken at naglakad na palapit sa motor ni Maico. Binitawan na rin ni Maico si Ken saka lumapit sa akin..

"Jane...don't do this...sasaktan ka niya lang ulit..." makaawa ni Ken, hindi ko siya pinakinggan, sa halip ay tinalikuran ko na ito. Isinuot ni Maico ang puting helmet sa ulo ko saka ako mabilis na hinalikan sa labi.

Pagsakay ni Maico nang motor niya ay umangkas na rin ako. Hindi ko na nagawang lingunin pa si Ken..

Dumiretso kami sa apartment na tinutuluyan ko kasama siya noon. Sumunod lamang ako sa kanya hanggang makapasok kami ng kwarto. Walang imik na kinuha niya ang maleta at mabilis na inimpake ang mga gamit nya at ilang natirang damit ko dito.

"M...maico...a..anong ginagawa mo?.."

"We're leaving.." tangi niyang naisagot. Isinara na niya ang maleta at kumuha ng isang backpack para doon ilagay ang passport at ilang importanteng gamit namin.

Matapos iyon ay lumabas na kami at naghintay ng tricycle na papuntang pier.

"Maico, b..baka hanapin ako ni nanay at tatay...."

"I don't care..basta sasama ka sa akin..."

"Why are you doing this?...hindi ba at si Ste---"

"SI STEPHANIE NA LANG BA PALAGI ANG ISUSUMBAT MO SA AKIN?!..WALA NA AKONG PAKIALAM KUNG MAMATAY SYA SA SAKIT NYA..ANG MAHALAGA KASAMA KITA WALA NG IBA!!."

"S...sakit?....anong?.."

"Wag ka ng magtanong, Jane...basta akin ka lang...." sakto namang may dumaan nang tricycle kaya sumakay na kami papunta ng pier. Mahaba ang naging byahe namin papunta ng NAIA, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pupuntahan namin pero sa nakikita ko ay pupunta kami ng ibang bansa..

"Maico, san ba tayo pupunta?.." nalilito kong tanong sa kanya, wala talaga akong ideya.

"Italy..magsisimula tayo roon, Jane..."

"P...pero Maico..."

"No buts, wife....magsisimula tayo...babawi ako sayo...bubuo tayo ng pamilya doon.."

Bubuo ng pamilya?..Ang sarap pakinggan lalo pa at nanggaling mismo sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng pisngi. Pupunta kami ng Italy, magsisimula kaming muli. Kami lang dalawa, walang Stephanie, walang kahit na sinong maaaring sumira ng relasyong meron kami.

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon