PROLOGUE

1.1K 41 7
                                        

“Fasten your seatbelt, ladies and gentlemen,” rinig kong sabi ng nagsasalita.

Mabilis naman kaming lumapit sa mga pasahero para i-check kung maayos ba sila. Nang masiguro ay mabilis din kaming bumalik sa pwesto naming mga flight attendant at umayos na rin para sa pagbaba ng eroplano.

“Grabe, gutom na ako,” reklamo ni Kyla na nasa tabi ko ngayon.

“Konting tiis na lang, bababa naman na tayo,” sabi ko na lang sa kaniya.

“Wala namang choice,” pairap niya pang sabi.

Tumingin na lang ako sa harapan para maghanda sa paglanding namin.

Nandito na kami sa Pilipinas. Ilang taon na rin simula nang mauwi ako rito.

Nakakamiss.

“We’re here!” masiglang sabi pa ni Kyla at mabilis na tumayo.

Mabilis din ang naging kilos ko para alalayan ang mga pasaherong bababa ngayon.

“Thank you, Ma’am!” masiglang sabi ko pa sa mga bumababa ngayon.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatingin at inaalalayan ko sila.

“Keep safe, Maam!” nakangiting sabi ko pa sa matanda na nginitian din ako.

“Good day, Sir! Have a nice trip,” sabi naman ni Kyla.

Parehas kaming nakapwesto ngayon sa pintuan ng eroplano at umaalalay sa mga bababa.

“Long time no see, Nicole.” Halos takasan yata ako ng sarili kong hininga dahil doon.

Paanong kasama ko siya sa eroplanong ’to pero hindi ko siya nakita sa loob?

“Keep safe, Sir!” nakangiting sabi pa ni Kyla kay Zild.

Yes, Zild is here.

Hindi ko man lang siya nakita sa buong biyahe. O baka hindi talaga siya nagpakita?

“Let’s meet later,” seryosong sabi niya at tinuloy na ang pagbaba.

Nawala na ako sa focus dahil sa kaniya.

Hanggang sa pag-uwi ko ay wala pa ring tigil ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Bakit ngayon pa siya nagpakita? Bakit pa siya nagpakita?

To be continued. . .

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon