27

282 26 9
                                        

“Bakit ang daya mo? Kami hindi mo hinahayaang makasakay man lang tapos si Austin pinagdrive mo pa!” himutok ni Blythe at bahagya pa akong hinampas.

“Pinapasakay ko naman kayo sa isang kotse ko, a!” malakas ko ring sabi sa kaniya.

“Ang daya mo!” nakangusong sabi niya pa.

Ang bigdeal talaga sa kanila niyan dahil ilang taon na sa akin ’yung lexus ko pero never pa silang nakasakay.

“Sorry, ako lang naman kasi ’to,” mayabang na sabi ni Austin sa mga ito.

“Malapit na sila Rix,” pag-iiba ni Zild sa usapan.

“Ikaw, Zild, sino unang nakasakay sa ’yo?” tanong ni Reid.

Double meaning potek! Ano ba naman kasing tanong ’yon? Pwede namang kumpletuhin na lang, e.

Mukhang hindi lang ako ang iba ang naisip sa tanong ni Reid. Bahagyang naubo si Austin, si Jatyr naman ay napapailing habang nakangisi.

“Si Maris,” simpleng sagot ni Zild.

Sa Audi ba tinutukoy niya? Kasi kung oo, si Aya nga talaga ang una dahil wala naman iyan noong kami pa.

“Naks naman, sana all ’di ba naunang sumakay kay Zild,” natatawang sabi ni Reid.

“Sa kotse, Domingo. Ayusin mo sinasabi mo,” masungit na sabi ni Zild.

“Kotse naman talaga tinutukoy ko. Mukhang iba yata iniisip mo?” nakangising tanong ni Reid.

Nabalot kami ng katahimikan dahil doon. Siraulo naman kasi talaga nitong si Reid. Mga tanungan ayaw ayusin.

“So kailan ninyo balak magpakasal, Zild?” tanong naman ni Minky.

Gago masakit!

Hindi ko alam kung nananadya ba sila o talagang wala na sa kanila na mag ex kami ni Zild.

Tanga mo naman, Johann. Malamang iisipin nilang wala na sa ’yo, na nakamove-on ka na.

“Wala pa kaming napag uusapan ni Maris about diyan,” sagot ni Zild.

“Bakit? Matagal na rin naman na kayo, ilang taon na nga, e.”

Sige, Minky. Ipilit mo pa.

“Mauna muna kayo ni Reid. Mas matagal na kayo kaysa sa amin,” natatawang sagot naman ni Aya.

“Nagpaplano na kami,” masayang sabi naman ni Minky.

“They’re here,” sabi ni Zild kaya napalingon kami sa pintuan.

Papasok na nga ang bagong kasal kaya tumayo kami at nakangiting nakatingin aa kanila.

Nang makarating na sila sa harapan ay nagsimula na ulit ang mga dapat gawin. May mga pagkain na sa table namin.

“Saan ka after nito?” tanong ni Blythe sa akin.

Nagsisimula na kaming kumain. Hindi ako nakasagot agad dahil may laman pa ang bibig ko.

“Bahay siguro, wala naman akong ibang pupuntahan, why?” takang tanong ko.

“Gusto mong sumama? Bar tayo,” pag-aaya niya sa akin.

“Sinu-sino kasama?” tanong ko naman.

“Lahat tayo bukod sa bagong kasal,” sagot naman niya.

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Hindi rin naman nagtagal ay pinatayo kami para sa paghahagis daw ng bulaklak. Ayoko na sanang makisali pero ayoko rin namang maging KJ kaya tumayo na rin ako.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon