“Mommy! Why you took so long?” masungit na tanong ng anak ko sa akin paglabas ko ng kwarto.
“Sorry, honey, nag-ayos pa si Mommy,” sagot ko naman. Hindi ko pa nga nagagawang suklayin ang buhok ko.
“I’m so excited, let’s go!” masiglang aniya.
Pupunta kami ngayon sa Enchanted Kingdom gaya ng pinangako ni Zild kay Zil. Buti na lang talaga at wala akong ibang lakad ngayon.
Suot ko na ang binili kong dress noong nakaraan. May dala naman akong jacket incase na lamigin na ako mamaya dahil nga off-shoulder ’tong suot ko.
“Where’s your Daddy?” tanong ko nang makababa na kami.
“At the garage,” sagot ni Zil at mabilis na ngang pumunta ro’n.
Inaya ko ang mga kaibigan namin pero lahat sila ay may lakad daw kaya hindi na lang din ako namilit. Bonding daw naming pamilya ’to kaya hindi na rin sila makikigulo.
Ngayon lang nila narealise na uso ang bonding sa amin. Noon kasi kahit linggo ay nakatambay sila sa amin para manggulo.
“Ready na ba lahat?” tanong ni Zild pagpasok ko sa kotse. Si Zil ay nasa backseat at nakaseatbelt na rin. Pinaglalaruan niya ang spiderman na dala.
“Yes, okay na. Ikaw baka may nakalimutan ka?” tanong ko sa kaniya.
Mabilis naman siyang umiling. “Wala naman na,” sagot niya pa.
Nagsimula na kaming bumyahe. Ang daldal ni Zil sa backseat, kinukwento niya kung anong mga gusto niyang puntahan at sakyan na rides doon.
“Next time I want to go to Disney Land, Mommy!” aniya pa.
Napatingin ako kay Zild. “Disney Land daw,” sambit ko.
“Sure, maybe next month?” baling niya sa akin.
“Kayo bahala, lahat ng gusto ng anak mo sinusunod mo,” sabi ko pa.
“What? That’s makes him happy, baby. Huwag nating ipagkait sa kaniya ’yon lalo na at kaya naman nating ibigay,” seryosong aniya.
“Gusto ko siyang imulat sa mga bagay na walang kasiguraduhan, tulad na lang ng mga meron siya ngayon, what if makasanayan niyang spoiled siya then maranasan niyang maghirap na sana ay hindi naman mangyari. Dapat alam niya rin na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya, nagegets mo naman gusto kong iparating ’di ba?” kunot noong saad ko.
“Yes, I got it. Parang ako lang naman ’yang anak natin, Nicole. Ang kaibahan lang namin ay naaalagaan natin siya samantalang ako noon ay hindi nagawang alagaan ng parents ko kaya lahat ng gusto ko ay binibigay nila. Ikaw lang naman ang hirap kunin noon,” paliwanag niya pa.
Nasuntok ko pa siya sa braso dahil sa huling sinabi niya. Natawa naman siya.
“Basta gusto kong matuto ang anak natin na hindi lahat kaya niyang makuha ng isang salita lang, limitahan mo naman kasi ang pagbibigay sa kaniya ng gusto niya,” gigil ko pang sabi.
“Yes, Mommy!” pang-asar niyang sagot.
Napairap na lang ako at tumingin sa harapan. Minsanan ko ring tingnan ang anak namin sa backseat, naglalaro pa rin siya at parang nag eenjoy naman siya.
“Wake up, my babies, we’re here,” rinig kong sabi ni Zild.
Nakatulog pala ako sa byahe. Hindi ko namalayan. Agad akong umayos at tiningnan ang anak namin. Kahit pala si Zil ay himbing din na natutulog sa backseat. Nailalag na nga niya ang laruan niya sa tabi niya.
“Hindi mo man lang inayos anak mo, baka mamaya ngalay na ’yan,” sabi ko kay Zild.
Mabilis naman siyang lumabas para kunin na si Zil. Nag-ayos na ako ng sarili ko para makalabas na rin ako.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
