Nang matapos magmeryenda ay nagpasya kaming lumabas para lumanghap ng sariwang hangin at para na rin magkwentuhan kami. Ang mga bata naman ay naglaro na muli.
“Ngayon lang nagdala ng babae rito si Zild,” basag ni Nay Ofel sa katahimikan.
“Nay! Huwag mo nang sabihin ’yan,” saway ni Zild.
Nakangisi akong tumingin sa kaniya. Salubong na salubong ang kilay at parang nahihiya siya.
Cute, eh?
“Gaano na po ba siya katagal nagpupunta rito?” tanong ko, hindi pinansin ang pagrereklamo ni Zild.
“Mag iisang taon na rin siguro siyang madalas na nagagawi rito, simula nung umalis ako sa kanila dala nga ng katandaan ko ay siya naman ang nagpupunta rito,” nakangiting sagot naman ni Nanay.
Sabi niya ay Nanay na lang din ang itawag ko sa kaniya dahil doon siya mas sanay.
Sino ba naman ako para tumanggi diba?
“Wala naman kasi akong ginagawa palagi kaya rito na lang ako nag-uubos ng oras ko kasama ang mga bata,” pagsingit naman ni Zild sa usapan.
Napatingin ako sa mga batang masayang nagtatakbuhan at mga naglalaro.
“Nasaan ang mga magulang nila?” kanina ko pa talaga gustong itanong ito.
“Work, iniwan nila kay Nay ang mga batang ’to, tuwing linggo naman ay umuuwi ang mga magulang nila,” si Zild na ang sumagot.
“Hindi naman sila mahirap alagaan dahil nga malalaki na sila, tanging pagluluto lang ang ginagawa ko sa kanila dahil kaya naman na nilang asikasuhin ang sarili nila, alalay lang ako sa kanila kumbaga,” sabi naman ni Nanay Ofel.
“I told her na magpapadala ako ng isa sa katulong para maasikaso sila or sa amin na lang sila tumira pero ayaw pumayag ni Nanay.”
Muli akong napabaling kay Zild. Hindi siya nakatingin sa akin kaya malaya ko siyang natititigan.
“Ilang taon na nga akong tumira sa inyo, nakakahiya na kung pati ngayon ay ro’n pa rin ako at isasama pa ang mga bata.”
Iniwas ko ang tingin kay Zild dahil baka kung ano pang isipin niya.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga bata at sa mga araw-araw na ginagawa ng mga ito. Tawa ako nang tawa dahil ang kukulit ng mga ito base sa kwento ni Nanay Ofel.
“Magpaalam na kayo sa Ate Johann ninyo,” sabi ni Nanay Ofel sa mga bata.
Anong oras na rin kasi at kailangan ko na ring umuwi. Nagtext naman na ako kay Mommy na around 6pm ay baka makauwi na ako.
“Bye, Ate! Balik ka po, ha.”
Lumapit sa akin ang nakangusong si Erica at niyakap pa ako sa bewang.
“Babalik kami rito,” sagot ni Zild. “Kapag hindi busy ang Ate ninyo, isasama ko ulit siya rito,” dagdag niya pa.
Tuwang-tuwa naman ang mga bata dahil sa sinabi niya. Nakangiti lang akong tiningnan sila.
“Bukas po dapat kasama ka ulit, Ate. Para po maglalaro tayo,” nakangiting sambit naman ni Cindie.
Tinap ko na lang sila sa mga ulo niya. Hindi ko kasi sigurado kung makasasama ba ako bukas. Ayokong mangako sa kanila.
“Mauna na po kami, Nay! Ingat kayo rito,” baling ko kay Nay Ofel.
“Mag ingat din kayo pauwi,” bilin niya sa amin ni Zild.
Kumaway na lang ako sa kanila nang makapasok na ako sa kotse.
“Did you enjoy it?” tanong ni Zild nang makapasok na rin siya.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...