30

330 26 4
                                        

Hindi ako kumain sa condo niya. Nagmadali akong mag-ayos ng sarili ko at umalis din ako kaagad. Mahal ko siya pero ayokong makasira ng relasyon nila ni Aya. Hindi ako gano’n.

“How’s the party?” nakangiting bungad sa akin ni Mommy.

Kinakabahan ako. Paano ko sasabihin sa kanila na kay Zild ako natulog kagabi?

“Fine. Nag enjoy naman kami,” sagot ko pero parang iba rin ang naging dating sa akin.

“Yeah right. Zild texted me last night, siya na raw ang bahala sa ’yo kaya hindi na rin kami naghintay pa na makauwi ka. Inasikaso ka naman daw niya dahil nalasing ka raw talaga ng sobra.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon habang kaharap si Mommy. I think wala siyang idea sa nangyari? She knows that Zild have a girlfriend kaya siguro kampante siya kahit si Zild ang kasama ko kagabi.

“Yeah, Mom.”

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin, e. Baka kasi kapag may nasabi ako ay hindi ko na mabawi pa.

“Did you eaten already? May pinahanda akong food for you,” aniya at umakbay pa sa akin.

Sobrang sakit ng ibabang parte ko kaya hindi ako makalakad ng maayos. Maging na ang ibang parte ng katawan ko ay masakit din. Hindi pwedeng mahalata ni Mommy ’to kaya kailangan kong umayos ng lakad lalo na at kasama ko pa siya.

“Hindi na ako nakakain dahil akala ko ay hindi ninyo alam na hindi ako nakauwi,” pagdadahilan ko na lang.

“Kahit hindi naman magtext si Zild ay malalaman pa rin namin dahil naghihintay kami sa ’yo,” tugon ni Mommy.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nakapunta ako sa dining na maayos ang naging lakad. Pigil ang daing ko nang makaupo na ako. Ang sakit talaga, e.

“Thank you,” mahinang sambit ko sa katulong naming naghanda ng pagkain ko.

“Maagang umalis ang Daddy mo, later baka umalis din ako, text me if you’re not feeling well, you know what I mean.”

Tumango na lang ako sa kaniya. So far okay naman kasi ako. Sobrang dalang ko na ring makaramdam ng sakit ng ulo. Sana nga ay magaling na talaga ako.

“Gonna rest the whole day, Mommy. I’m just tired.”

Gusto kong matulog na lang. Wala naman akong gagawin, walang school works at weekends naman. I can do whatever I want.

“Wala kayong lakad ng barkada mo?” tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Wala naman. Kung meron man, tinatamad ako.”

Nagpatuloy na ako sa pagkain ko nang umalis na si Mommy para mag-asikaso. After kong kumain ay umakyat na ako para maligo at makatulog na ulit.

“Johann! Open the door!”

Hindi pa man ako nakakapagbihis ay rinig ko na ang ingay ni Margaux mula sa labas ng kwarto ko. Katatapos ko lang maligo, mabuti na lang pala at nilock ko ang kwarto ko kung hindi ay baka makita nila akong hubad ngayon.

“Maghintay ka nagbibihis pa ako,” balik sigaw ko sa kaniya.

Minadali ko na ang pagbibihis ko. Hindi na ako nagbra, para saan pa ang pagba-bra? Nasa bahay lang naman ako at naka oversized shirt naman ako.

“Problema ninyo?” bungad ko sa kanila pagbukas ko ng pinto. Sila ni Blythe ang nandito ngayon.

“Nanghihina ako kailangan ko ng tsismis!” parang tangang sabi ni Margaux.

Inirapan ko siya at tinalikuran ko na sila. Magpapatuyo pa ako ng buhok para mamaya ay matutulog na lang ako. Pero mukhang malabo ko ng magagawa ang pagtulog dahil nandito silang dalawa.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon