AYA’s POV:
NAKAKAPAGOD mabuhay. Gusto ko na lang magpahinga pero pati ang pagpapahinga ay nakakapagod na rin.
Rix: You okay, pre?
Buti pa ’tong isang ’to, kahit na may kinahaharap ding problema ay parang wala lang sa kaniya. Sana kaya ko ring i-handle ang problema ko katulad ng paghahandle nitong si Rix.
Siraya: Ayos lang yata? Haha
Si Rix lang ang naging punching bag ko. Actually parehas naman kami, nagsasabi siya sa akin, nagsasabi ako sa kaniya. Ang sarap ngang magrant dito sa lalaking ’to, e. Wala kang makukuhang judgement sa kaniya. Makikinig lang talaga siya sa ’yo at minsan ay para ka niyang iuuntog para matauhan ka gamit lang ang mga salita niya.
Straightforward. Hindi sana magkajowa ’yan. Kidding.
Rix: What happened?
I sighed.
Siraya: Nakapapagod na kasi talaga. Lahat na lang nakapapagod.
Rix: Then rest.
Siraya: Pati pahinga nakapapagod na rin.
Tinatamad akong makipag usap kahit kanino. Wala talaga akong gana.
“Aya, ikaw ang magsaing, may bibilhin lang ako,” bilin ni Mama.
May ginagawa ako! Kingina, naghahabol nga ako ng mga activities dahil hindi ko naayos noon dahil sa bwisit na anxiety na ’to.
“Si Mara na lang, Ma. May inaayos pa ako,” sabi ko naman.
“Aalis ang kapatid mo.”
“Saan na naman pupunta?” wala namang pasok ngayon dahil sabado. Saan na naman ba ang lakad niya?
“Sa kaklase raw niya, may birthday kaya maaga siyang aalis,” paliwanag ni Mama.
“Ma! May ginagawa rin ako, kailangan kong matapos agad ’to,” reklamo ko na.
“Saglit lang naman ang pagsasaing, Aya. Hindi mauubos ang oras mo kapag nagsaing ka,” galit pang sabi niya.
Inis na inis ako. Umalis si Mama na bumubulong-bulong pa. Nakakasama ng loob, walang konsiderasyon, alam naman nilang may inaayos ako.
Rix: Hmm
Siraya: Nakakasawa na haha. Bye muna, may ginagawa ako.
Nag offline na ako matapos masend no’n. Ang bigat ng pakiramdam ko. Mas lalo lang bumigat ’yon. Gusto kong maiyak dahil sa sobrang inis ko.
“Kingina naman talaga oo!” badtrip na badtrip ako. Gusto na tumulo ng luha ko.
Lumabas si Mara. Gayak na gayak siya, ang sarap lang talagang magmura ngayon. Pasalamat siya may timpi pa ako.
“Maglinis ka rin daw rito sa bahay, Ate. Bilin ni Mama,” sabi niya pa at umalis na.
Doon na tumulo ang luha ko. Bakit palaging ako? Sa lahat na lang bakit palaging ako ang nakikita?
Bawal ba akong magpahinga?
“Oh sorry!”
Mas lalo akong nabadtrip dahil sa nakabungguan ko. Nagmamadali na nga akong pumasok ngayon sa school dahil late na ako, naglinis pa ako ng bahay bago ako mag-asikaso ng sarili ko kanina.
“Tingnan mo naman kasi dinaraanan mo!” banas kong sabi sa kaniya.
“Look, Miss. Hindi ko sinasadya na makabunggo ka, umiwas na ako pero ikaw parang wala kang nakikita at diniretso mo pa kung saan nandoon ako,” paliwanag niya pa.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
