29

255 27 6
                                    

(Warning: R18+ Matured languages and scenes. Not suitable for young age.)

Nagpatuloy ang laro. Ilang beses pa ngang natapat sa akin at kung anu-anong pinagawa sa akin ng mga bwisit na ’to.

“Ito ang hinihintay ko!” malakas na sabi ni Austin nang matapat kay Zild ang bote.

Ito rin hinihintay ko kanina pa. Ngayon lang kasi natutok kay Zild ang bote.

“Truth or Dare?” tanong ni Austin. Siya ang nagpaikot ng bote kaya siya ang magtatanong.

“Truth,” sagot ni Zild.

He’s drunk already. Kanina pa siya tungga nang tungga sa baso niya. Napapansin ko ’yon dahil nasa tabi ko lang naman siya.

“Nicole or Aya?” nakangising tanong ni Austin.

“Is that the question?” masungit na tanong ni Zild.

“No. Pero kung anong sagot mo r’yan, iyon ang sagot mo sa magiging tanong.”

What the? Wala siyang idea sa magiging tanong, so kailangan niyang mamili ng maayos. Pero I’m sure si Aya naman ang pipiliin niya.

“Nicole.”

Napalingon ako sa kaniya. Nakapikit ang mga mata niya at nakasandal sa backrest ng sofa.

I thought he called me pero iyon pala ang sagot niya kay Austin.

“You’re doomed, dude! You want to make love with her? Si Aya ang in-expect kong sasabihin mo dahil si Aya ang girlfriend mo.”

Laglag ang panga kong nilibot sa mga kasama ko ang paningin ko. Ang iba sa kanila ay dis-appointed na nakatingin kay Zild.

“He’s just drunk,” nasabi ko na lang.

“Yeah yeah. Aya is my girlfriend. I know that.” Tumatangu-tango pa si Zild.

“Tama na sa laro,” sabi ni Margaux na lasing na rin. “Let’s dance!” masayang sigaw niya at tumayo na.

Sinundan naman siya nang iba naming kasama. Naiwan ako at si Zild dito sa sofa. Ayokong sumayaw dahil hilo na rin ako.

“Where are you going?” tanong niya nang tumayo ako.

Mas gusto ko pala na sumayaw na lang kaysa makasama siya rito ng kaming dalawa lang.

“Gonna dance,” simpleng sagot ko.

“Nang ganiyan ang suot? No, Nicole. If you wanna dance come here, dance in my lap instead,” nakangising sabi niya pa.

Para akong pisi na biglang nalagot dahil sa sinabi niya. Naglandas ang palad ko sa pisngi niya. Deserve naman siguro niyang masampal ’di ba?

“Hindi ko alam kung nambabastos ka ba o sadyang gago ka na talaga,” inis kong sabi sa kaniya.

He smirked. “Hindi kita binabastos, kailan ako nambastos ng babae, Nicole?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. “People change, Zild. Siguro nga ay hindi ka ganiyan noon pero ang tagal na nating hindi nagkita at nagkausap, hindi ko na alam ang mga nagbago sa ’yo,” mahinang sabi ko sa huli.

“Ganoon din naman ako, Nicole. Hindi ko na rin alam kung anong mga nagbago sa ’yo pero alam ko sa sarili ko kung ano ang hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon.”

Ayokong mag-isip ng kung ano sa sinabi niya. Iniwan ko na lang siyang mag-isa ro’n at pumunta ako sa dance floor.

“Whooooooh!!”

Maingay, malikot, nakahihilo. Mas nadadagdagan ang hilong nararamdaman ko dahil sa mga tao rito. Ang wild na nila.

Nagsayaw na ako. Walang pakielam sa mga nakakabunggo ko. Nakokontrol na ako ng alak na nainom ko. Sige sa paghataw kahit na ramdam ko ang mga kamay na dumadampi sa balat ko.

Vengeance (Glamorous Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon