Hindi ako nakaimik kaagad dahil sa sinabi niyang ’yon. Gusto niyang public ang relasyon namin pero ako gusto ko ay low-key lang.
Tipong konti lang nakakaalam, mga kaibigan lang sana namin gano’n. Kasi mas konti, mas payapa ang relasyon. Kapag marami, maraming nakikisawsaw, e.
“Okay...” nasabi ko na lang.
[“So pwede ba akong uminom, love?”]
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit pa siya nagpapaalam sa akin?
“Oo naman. Hindi naman kita pagbabawalan sa mga gusto mong gawin basta know your limitations.”
Matanda na siya, alam niya na kung anong tama sa mali, dapat at hindi dapat.
[“You sure? Baka naman napipilitan ka lang pumayag. Okay lang sa akin kung pagbawalan mo ako.”]
Natawa ako ng bahagya. “Ayos lang sa akin. Hindi kita pipigilan. Basta alam mo naman ang dapat at hindi dapat gawin.”
[“Ang swerte ko naman sa ’yo.”] mahinang sabi niya.
“Hindi na tayo mga bata, hindi tayo naglalaro sa relasyon na ’to. Maging matured at tamang paghandle ang kailangan natin dito.”
[“I know, love. Nakakatuwa lang na ganiyan ka sa isang relasyon.”]
Natatawa na lang ako sa kaniya. Nagtuloy kami sa pag-uusap hanggang sa makauwi na siya at doon niya lang pinatay dahil mag-aasikaso na siya ng sarili niya.
Nakangiting pumikit ulit ako. Ang mga tanong sa isip ko kanina ay parang bulang nawala. Napalitan ng masarap na pakiramdam ang kaninang mabigat.
Only Zild can do this to me.
Naging maayos ang relasyon naming dalawa. Bihira kaming mag-away. No, wala kaming nagiging away na dalawa. Napakahealthy ng relasyon namin sa totoo lang. Kahit na ilang buwan na kami ay ganoon pa rin kami sa isa’t-isa. Walang nakakaramdam ng pagod, ng sawa at fall out of love. Ang healthy talaga.
“Love...” nakangusong tawag ko sa kaniya.
“Yes? Still hurt?” tanong niya sa akin.
Tumango ako at mas ngumuso pa. Nandito kami ngayon sa bahay. Yes, nakakapunta siya rito kahit kailan niya gustuhin. Parang siya pa nga ang anak ni Mama. Mas gusto pa siya ni Mama kaysa sa akin.
Parang ako pa ang sampid sa bahay na ’to at si Zild ang tunay niyang anak.
“Hindi na mainit ’to, love.” Inabot ko sa kaniya ang bote na may maligamgam na tubig ganito.
May mens ako ngayon at sobrang sakit ng puson ko kaya pumunta siya. Sabado naman at wala raw siyang ginagawa masyado. Kanina pa ako nakahiga rito at siya ang nag-aasikaso sa akin.
“Wait here,” sabi niya at mabilis na lumabas ng kwarto para palitan ang tubig na nasa bote.
Iyon ang pinapagulong ko sa puson ko. Maligamgam na tubig para kahit papaano ay gumaan pakiramdam ko. May mga dala pa siyang gamot at prutas kanina nung dumating siya. Sinabi ko naman sa kaniyang bawal akong maggamot dahil nga may mens ako.
“Ako na,” sabi ko nang makabalik na siya. Kinuha ko sa kaniya ang bote at bahagya na iyong nilagay sa puson ko.
“Gaano kasakit?” tanong niya. Hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa puson kong may bote.
“Alin ba? ’Yung puson ko o ’yung boteng may mainit na tubig?”
Ang init naman kasi talaga nung nilagay niya. Parang hindi man lang nilagyan ng tubig na malamig para kahit papaano ay hindi ako mapaso.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
