41

309 27 1
                                        

ZILD’s POV:

From: Reid mukhang tanga

Nasaan ka na? Daan kang 7/11, bili ka raw gatorade sabi ni Rix.

Hindi na ako nagreply sa text ni Reid. Sakto rin naman kasing malapit na ako sa 7/11. Kung nakalampas na ako ay hindi na ako babalik para lang bilhan silang gatorade. Hindi sila gold.

“Good morning, Sir!” bati pa sa akin ng nasa cashier. Tumango na lang ako.

Nagpunta na ako sa drinks section pero hindi pa ako nakakalapit doon ay may napansin na akong babaeng hirap na hirap abutin ang chips.

“Hala! Hindi ko abot,” nakangusong sabi niya at pilit inaabot ang nasa itaas na bahagi ng stante.

Pinanood ko muna siya. Inis na inis na ang itsura niya dahil hindi talaga niya maabot. Cute.

“Which one?” tanong ko na nang makalapit ako sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin.

“Pic A, ’yung kulay blue,” sagot niya at tinuro pa iyon. Mabilis ko namang kinuha ’yon.

“Here,” simpleng sabi ko at inabot na sa kaniya. Mabilis naman niyang kinuha ’yon.

“Thank you!” nakangiting sagot niya at inayos ang salamin na suot niya.

“Welcome,” sagot ko.

Iniwan na niya ako at naghanap pa yata ng ibang bibilhin kaya naman dumiretso na ako sa dapat pupuntahan ko kanina.

“Do you have a card, Ma’am?” tanong sa kaniya nung nasa cashier.

“Thank you!” nakangiting sabi niya at kinuha na ang card niya.

Ako ang kasunod niya sa pila. Hindi naman sobrang dami ng tao ngayon at itong gatorade lang talaga ang pinunta ko rito.

“Puro junk foods,” sabi ko nang mapansin ang mga binili niya.

Napalingon siya sa akin.

“Wala kasing ganito sa school namin,” medyo nakangusong sabi niya pa.

“Saang school ka ba?” tanong ko.

Hindi ako masyadong familiar sa school uniform niya. Well lahat naman yata ng school dito ay hindi ako familiar.

“Glamorous University,” simpleng sagot niya sa akin.

Tiningnan ko pa muli ang uniform niya. Too short. Ganiyan ba talaga ang uniform nila? And what? Glamorous? All girls school ’yon, a.

“Wala nga talagang junk food d’yan,” nasabi ko na lang.

“Yes, kailangang i-maintain ang figure ng mga studyante, all girls school ba naman,” natatawang sambit niya.

Bahagya naman akong  ngumiti at tumango sa kaniya. She’s cute.

“Bye na, baka ma-late ako, e,” paalam niya na sa akin at kumaway pa.

Hindi ko na sana papansinin pero may napansin akong nalaglag sa kaniya.

“Miss!” pagtawag ko pero hindi niya na ako nilingon.

Napatingin ako sa hawak ko. Her ID nailaglag niya kanina, makakapasok kaya siya kapag wala ito?

“203. 50 po, Sir.” Napalingon ako sa kahera at mabilis na nilapag ang card ko. Wala akong cash na dala.

“Thank you,” sabi ko at mabilis na lumabas ng 7/11. Wala na ’yung babae.

Muli akong napatingin sa ID niya. She looks like an elementary. Pfft.

Johannah Nicole Juatchon. Nice name.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon