“Inumin mo ang sabaw,” utos ko sa kaniya nang mabuksan niya na iyon.
Nakatutuwa palang kasama ang inosenteng tulad niya. Pfft.
“Ang sarap,” sabi niya at humigop ulit.
“Lagyan mo ng suka para mas masarap,” sambit ko at inabutan pa siya ng suka.
Pinanonood ko lang siya habang ginagawa iyon. Hinigop niya ang sukang nasa balut.
“What’s this?” tanong niya nang balatan ulit ang balut at makita ang sisiw roon.
“Sisiw ’yan, kainin mo maliit lang naman,” tumatangong sagot ko.
Diring-diri naman siya at ilang beses na umiling sa akin.
“You ate the poor chick, Nicole!” gulat niyang sabi nang kainin ko ang akin.
Gusto kong matawa pero puno ang bibig ko kaya pinigilan ko muna ang sarili ko.
Matapos naming kumain at magbayad ay bumalik na kami sa kotse.
Ang baho ng hininga namin. Pfft. Amoy balut.
“Baho ng hininga mo, Zild!” pang-aasar ko sa kaniya.
“Same to you, Nicole,” masungit niya pang sabi.
May kinuha siyang kung ano sa kotse niya at tinutok sa akin. Takang-taka naman ako ro’n.
“Ano ’yan?” tanong ko sa kaniya.
“Mouth wash,” simpleng sagot niya naman.
Mabilis kong kinuha ’yon at ginamit. Hindi pa kami umaalis kaya sa labas ng kotse ko na dinura ang pinangmumog ko.
No choice, e.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko na naman sa kaniya nang magsimula na siyang magmaneho.
Nakatitig lang ako sa kaniya at naghihintay ng sagot. Ang gwapo niya pala? Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito.
His thick eyebrow and long eye lashes na talagang bagay sa mata niya. The pointed nose and those pinkish lips are d*mn attractive.
Swallowed.
“Stop staring, hindi ako makapagconcentrate sa pagmamaneho, Nicole.”
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi niyang ’yon. Pakiramdam ko ay pinamulahan na ako ngayon ng mukha dahil na rin sa nangyaring ’yon.
Sana kasi ay sinagot niya na lang ang tanong ko kanina para hindi na ako napatitig sa kaniya.
“I’m not staring at you,” nauutal-utal ko pang sabi sa kaniya.
He chuckles.
Arggghhh! Bakit pati pagtawa niya ay parang ang hot pakinggan?
“Deny pa, Nicole. Ramdam na ramdam ko tingin mo kanina,” bakas ang pang-aasar sa tono niya.
I rolled my eyes. I-de-deny ko pa ba? Alam naman na pala niyang nakatitig ako.
“Hinihintay ko kasi ang sagot mo,” inis kong sabi at muli na namang napairap.
“Sumagot naman ako kanina.”
Napabaling ako sa kaniya. Nakangisi siya at bahagya ring sumulyap sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
“Anong sabi mo?”
Salubong na salubong na ang kilay ko. Pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya dahil napipikon ako ngayon.
“Secret. Hindi ko na uulitin, mukhang masyado kang focus sa mukha ko kanina kaya hindi mo narinig ang sinagot ko,” tuwang-tuwang sabi niya pa.
Tuwang-tuwa siya dahil naaasar niya ako. Arggh! Hilig niyang mang-asar, hindi naman siya ganito base sa naririnig ko tungkol sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
