43

252 26 13
                                    

Days passed by and I heard Nicole have a new boyfriend.

What the fvck, right?

“Totoo bang may boyfriend na si Johann?” tanong ni Austin sa akin.

My eyebrows  furrowed because of that. So hindi lang pala ako ang nakasagap no’n?

“Meron daw, balita ko nga rin dinadarag na siya sa school nila,” sabi naman ni Reid kaya sa kaniya ako napatingin.

Dinadarag?

“I heard that, too. They call her by names,” pagsali ni Rix sa usapan.

Mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko. I’m dis-appointed because of what happened. Pero hindi deserve ni Nicole na ganiyanin.

“Study first nga raw kasi kaya nakipaghiwalay kay Zild tapos mababalitaan nating may bago na palang boyfriend,” sabi ni Jatyr at pang-asar pang natawa.

Nanatili akong tahimik pero ang dami ng tanong sa isip ko.

“Baka hindi ka talaga niya mahal, Zild. Baka napilitan lang siya sa ’yo,” saad ni Austin na mas nakapagpawala ng mood ko.

“Shut up. Let her do whatever she want. Wala na kami kaya kung gusto niyang magboyfriend wala na akong pakielam do’n,” inis kong sagot.

Mabilis akong tumayo at sinukbit ang bag ko. Taka nila akong tiningnan.

“Cut classes?” Rix asked.

“Yeah. Ngayon lang ’to kaya pagbigyan na ninyo ako,” walang ganang sagot ko at nagsimula na akong maglakad palabas.

“Saan tayo pwedeng tumambay?” tanong ni Jatyr na nasa tabi ko na rin at palabas na.

“Sama kami, saan ba tayo?” tanong naman ni Reid.

Tsk! Mga siraulo talaga. Magcucut din sila para lang samahan ako. Dapat na ba akong matuwa sa kanila?

“May bukas bang bar sa ganitong oras?” tanong naman ni Reid.

Hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang silang dumaldal nang dumaldal habang palabas kami ng gate.

“Saan punta ninyo?” tanong ng guard sa amin. Napahinto tuloy kami sa may gate.

“Emergency lang, nagpaalam na kami sa Principal,” pagsisinungaling ni Austin.

Hindi naman na nakapalag pa ang guard dahil bukod  sa sinabi ni Austin, kasama rin namin si Rix. Lakas hahatak ng isang ’to, e. Pangalan o mukha lang ang gamit okay na agad.

Wala kaming nakitang bar na bukas kaya nagpasyang kila Rix na lang ulit uminom. Naging gano’n ang mga nagdaang araw ko. I’m so fvcked up. I’m messed.

“Umiinom ka na naman?” salubong ang kilay na tanong ni Austin nang maabutan ako sa condo ko na umiinom.

Yes, may sarili akong condo, nirequest ko ’to kay Mommy at Daddy noong birthday ko.

“Want some?” alok ko sa kaniya. Umiling lang siya.

“Masyado mo namang dinamdam ’yung nangyari, marami ka pang makikilala. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa babae,” seryosong saad niya.

“Magiging okay rin ako,” mahinang sagot ko sa kaniya. Napailing pa siya sa akin.

“Ayusin mo sarili mo, hindi na ikaw ’yan. Hindi ka ganiyan, Zild.”

Sa sinabing ’yon ni Austin ay para akong natauhan. Masyado na nga akong naging pabaya sa sarili ko, pati ang pag-aaral ko ay napapabayaan ko na dahil sa kaiinom ko.

Vengeance (Glamorous Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon