“You’re so pretty, baby,” puri niya sa akin habang pinapanood akong nag-aayos ng sarili ko. Isang oras na kaming late.
“Thank you,” tugon ko naman. Naglagay ako ng liptint sa labi ko. Mas prefer ko ang liptint kaysa lipstick.
“But you’re more pretty when you have no clothes,” pilyong sabi niya kaya sinamaan ko ng tingin.
“Basta kamanyakan active na active ka,” mataray kong sabi sa kaniya. Niligpit ko na ang mga gamit ko para makababa na kami.
Kami na lang yata ang wala sa loob. Nandito na kami sa bar na sinabi nila Margaux kanina. Isang oras nga talaga kaming late.
“Pwede naman kasing hindi na tayo pumunta rito, e.”
Muli ko siyang sinamaan ng tingin. “Baliw ka ba? Hahanapin nga nila tayo,” mariing sabi ko. “Bumaba na tayo at sure akong kanina pa sila naghihintay sa atin,” pag-aaya ko na.
Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto dahil kusa na akong lumabas kasabay niya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at ipinulupot ang braso sa bewang ko.
“Nandiyan na sila,” malakas na sabi ni Austin nang mamataan kami ni Zild na palapit sa table nila.
Mukhang naparami na inom nila, mga sabog na ang itsura nila, e.
“Bakit ang tagal ninyo?” tanong ni Margaux sa amin. May hawak pang isang baso na may kalahating wine.
“Nag-usap pa kami,” sagot ko at naupo na sa bakanteng upuan. Tumabi naman sa akin si Zild.
“Hindi ako naniniwalang usap lang,” sabi ni Blythe na nakangisi sa amin ngayon.
“Walang naniniwala na usap lang,” sabi naman ni Jatyr.
“You two back to each other now?” tanong ni Rix sa amin, nakaakbay sa asawa na juice lang yata ang iniinom.
“Yes,” sagot ni Zild.
“Nadaan naman pala sa usap,” diniinan pa ni Reid ang salitang usap at nakangising tiningnan kami ni Zild.
Hindi ko na lang sila pinansin at kumuha na rin ako ng maiinom ko.
“Nakarami na kayo?” tanong ko sa kanila. Bahala na sa kung sinong sasagot.
“Kanina pa kami umiinom, e. Ang tagal kasi ninyo,” sagot ni Margaux.
“Nag usap nga kasi sila,” nakangising sabi naman ni Reid. Kanina pa ’to, masasapak ko na.
“Usap lang daw pero may pula sa leeg at dibdib,” nakangising sabi rin ni Minky habang nakatingin sa akin.
Bigla ay nahiya ako at nag-init ang pisngi ko. Kingina seryoso ba silang may hickeys ako?
“May I see, baby,” mahinang sabi ni Zild ay hinawakan pa ako sa braso para iharap sa kaniya. Tiningnan niya ang leeg at bandang dibdib ko. “Oops! Napasobra yata ako kanina,” nakangising aniya habang nakatingin sa parte ng dibdib ko na may pula nga yata.
Malakas ko siyang sinuntok sa braso na ikinatawa niya lang. Siraulo talaga ang lalaking ’to.
“Normal lang ’yan, Nics!” natatawang sabi naman ni Snop sa akin. Mukhang siya lang at si Minky ang hindi lasing. Mga buntis kasi.
“Miss na miss ka ni Zild kaya ganiyan,” pang-aasar naman ni Austin.
Napapailing na lang ako sa kanila. Nag-ayang sumayaw ang iba kaya nagpasya silang pumunta na sa dancefloor. Naiwan naman ako kasama si Zild at ang mga mag-asawa na buntis. Bawal na silang makisali ro’n dahil may babies na sa tummies nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/286061281-288-k663483.jpg)
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...