40

353 27 3
                                        

“Gago ka talaga ano?” gigil kong sinapak sa ulo si Zorren nang makapag-usap kaming dalawa.

Busy ang iba naming kasama kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong hatakin siya para makausap.

“Ano na naman ginawa ko?” reklamo niya sa akin.

“Maang-maangan ka pa? Kung anu-anong sinabi mo kanina,” gigil ko pa ring sabi.

“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin?” takang tanong niya.

“Anong aaminin?” sabay kaming napalingon dahil sa biglaang pagtatanong ni Zild.

Nandito kami sa garden, nasa loob ang lahat ng kasama namin.

“Mag-usap kayong dalawa,” sabi ni Zorren at akmang lalayasan na kami pero pinigilan ko siya. “Mag-usap na kayo, Johann. Ayusin na ang dapat ayusin,” aniya pa.

Iniwan niya kaming dalawa ni Zild. Hindi ko alam  kung anong gagawin ko. Natataranta ako ngayon.

“Anong aaminin?” tanong muli nito sa akin.

“Wala,” mabilis kong sagot.

“Imposibleng wala, Nicole.” Lumapit siya sa akin kaya bahagya akong naglakad patalikod.

“About lang ’yon sa relasyon namin,” mahinang sabi ko.

“Mayroon ba? May relasyon nga ba kayo ni Zorren?” tanong niya kaya napatingin na ako sa kaniya.

“He’s my fiancé,” sagot ko naman. Nilabanan ko ang tingin niya sa akin.

“Don’t lie, Nicole. Kung fiancé ka talaga ng pinsan ko hindi niya patatagalin ang kasal ninyo,” walang emosyong aniya.

Iniwas ko ang tingin ko. So he knows? Bakit niya pa ako tinatanong kung alam na pala niya?

“What are you trying to say, Zild?” masungit kong tanong sa kaniya.

“Na hindi talaga kayo totoong magfiancé,” mabilis niyang sagot. Muli ay hindi na naman ako nakaimik. “Tell me, Nicole. Ano pa bang dahilan para gawin mo ’yan?” mariing tanong niya.

“Para hindi mo na ako guluhin pa,” diretsong sagot ko. Umawang ang labi niya habang nakatitig sa akin.

“Really? Ganiyan mo kaayaw sa akin to the point na ginamit mo pa pinsan ko para magpanggap na fiancé mo?” pagak siyang natawa pagkatapos.

“Hindi ko siya ginamit. Alam niya ’yon, napag-usapan naming dalawa ’yon,” blankong sagot ko sa kaniya.

“Ano bang nagawa ko sa ’yo para gan’yanin mo ako?”

Umiling ako. “Wala, Zild. Wala kang nagawa sa akin, ginusto kong gawin lahat ’to.”

“Hanggang ngayon kasi hindi ko maintindihan, Nicole. Ang tagal na nung nangyari sa pagitan natin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanapan ng dahilan kung bakit kailangan mo akong iwan at ipagtabuyan ng ilang beses.”

Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa ba malinaw sa ’yo? Nagkaroon ako ng sakit noon, Zild. Sobrang lalang sakit at nabuntis mo pa ako.”

Tinitigan niya lang ako. Nagulat siya pero hindi siya nagsalita.

“Bumalik na lahat ng alaala ko. Salamat kay Aya. Salamat kasi sinabi niya ’yung side niya sa akin. Ang gaga ko pero mas gago ka. Ilang beses kitang pinagtabuyan para sumaya ka dahil walang kasiguraduhan ang buhay ko noon, Zild.”

“Nagkausap na pala kayo?” hindi niya pinansin ang sinabi ko.

“Nung mga panahon na ’yon ikaw lang din ang iniisip ko. Nagawa ko ’yon lahat para sa ikabubuti mo. Ayokong ikulong ka sa akin, may sakit ako noon, hindi ko sinabi sa inyong lahat, nalaman ko pa na buntis ako at hindi ako pwedeng magtake ng kahit anong gamot dahil makakasama sa baby, lahat ng sakit tiniis ko para sa anak ko pero sa huli wala ring saysay dahil kinuha rin siya sa akin.”

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon