34

306 27 4
                                        

Nang matapos kumain ay nagpasya na kaming umuwi na. Gusto ko na talagang magpahinga dahil lalong sumasama ang pakiramdam ko.

“Take a rest, okay?” bilin pa ni Zorren sa akin pagkarating namin sa bahay.

“Yes, gusto ko na ngang matulog,” sabi ko naman.

Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko. “Pupunta na lang ako rito kapag may free time. Gonna message you time to time para malaman ko if okay ka lang,” aniya.

Tipid akong ngumiti. “Thank you, Zorren. Keep safe,” bilin ko sa kaniya at binuksan na ang pinto ng kotse niya.

“Take care of yourself,” muling sabi niya.

Kumaway na lang ako sa kaniya at hindi na hinintay na makaalis siya. Bumusina pa siya sa akin, hindi ko na nilingon dahil sigurado naman akong nakaalis na siya.

“Not feeling well?” tanong agad ni Mommy sa akin pagpasok ko. Mabilis pa siyang lumapit para alalayan ako.

“Yeah, Mom. Gusto kong matulog,” sagot ko sa kaniya.

“C’mon, you should rest.” Inalalayan niya ako papunta sa kwarto ko. Baka kasi bigla na lang akong matumba, paakyat pa naman kami ng hagdan ngayon.

“Thanks, Mom.”

Mabilis akong humiga sa kama ko. Hindi ko na nagawang magpalit pa ng damit dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko at mabilis akong hinila ng antok.

Bandang alas siyete ng gabi yata ako nagising. Nag-asikaso lang ako at nagpasya na kumain na.

“Medyo mahaba rin naging tulog mo, a. Baka late ka na makatulog mamaya niyan,” sabi ni Mommy habang kumakain ako.

“Hindi ko sure, Mom. Mabilis lang akong antukin, e.”

“Sabagay, huwag ka magpuyat at makakasama sa baby ’yan,” bilin niya pa.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain ko. Wala na pala akong poproblemahin dahil graduated na ako. Maghahanap na lang ako ng mapapasukan kong trabaho. Can’t believe na flight attendant na ako.

Siguro after ko na lang manganak saka ako magstart ng work? Baka kasi mahirapan ako  kapag humanap na ako ng work sa ganitong lagay ko. I’m sick and pregnant at the same time. Ayokong madamay ang baby ko.

“Hello?” pagsagot ko sa tawag ni Zorren.

[“Ngayon lang kita nacontact. You okay?”] nag-aalalang tanong niya.

“Yes. Kagigising ko lang kasi, sorry!” napakagat pa ako sa daliri ko dahil doon. Nakalimutan ko nga na ichat man lang siya pagkauwi ko.

[“It’s okay. Mabuti naman at ayos ka lang. Nag-alala ako kanina dahil ang tagal mong walang paramdam. I’m glad you are okay.”]

Para namang may humaplos sa puso ko dahil sa narinig ko sa kaniya. Normal naman na sa amin ang ganito pero hindi ko naman maipagkakailang naaapektuhan ako sa kaniya. Hindi siya mahirap gustuhin.

“Are you drunk?” takang tanong ko nang mapansin ko na parang iba nga ang tono niya. Medyo maingay rin sa background niya.

[“No, just tipsy. Nagkayayaan lang kami ng mga pinsan ko.”]

Natahimik ako. So kasama si Zild doon?

“You’re with him?” tanong ko.

[“Yes.”]

Muli akong natahimik. Wala naman na akong masasabi, e.

[“Zorren, no phone while drinking. Hindi ka marunong sumunod... I’m just checking my fiancé... Wala, wala madaya ka. Ikaw magbayad ngayong gabi... Fine, ako magbabayad.”]

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon