33

289 25 2
                                        

Iniwan muna nila ako para makapagpahinga pa raw ako ng mas matagal. Hindi naman ako makatulog na kaya nagpatugtog na lang ako at nagscroll sa facebook ko.

Blythe: May gusto ka bang kainin?

Nag popped-up ang chat ni Blythe sa akin. Ngayon lang niya chinat ’yon.

Johannah: Wala naman. Hindi ako gutom.

Blythe: Pero need mo kumain, may baby na sa tummy mo, kahit hindi ka gutom need mo pa ring kumain.

I sighed.

Oo nga pala. Hindi na ako nag-iisa ngayon. Hindi ko na pwedeng pabayaan ang sarili ko.

Johannah: May mabibilhan ba ng mangga r’yan? ’Yung hinog sana.

Blythe: Meron, pupunta kami sa grocery ni Jatyr. Bibilhan kita. Iyon lang ba?

Johannah: Pizza rin sana. Bigla akong nagcrave sa pizza.

Blythe: Ako rin hihi. Bili kami tapos diyan natin kainin.

Johannah: Thank you!

Hindi na siya nagseen. Nagpatuloy na lang ako sa pagscroll ko sa facebook habang mahinang kumakanta.

Hindi naman nagtagal ay may kumatok sa pinto kaya napatingin ako ro’n. Pumasok si Margaux, akala ko ay kasama na niya sila Blythe pero siya lang palang mag-isa.

“Kumusta pakiramdam mo?” masungit niyang tanong sa akin pagkalapit niya. Naupo pa siya sa tabi ko, kasya naman kami dahil malaki ang kama rito sa Ospital.

“Ayos naman,” simpleng sagot ko sa kaniya.

“Kailan opera mo?” tanong niya ulit.

“Hindi ba sinabi ni Mommy?” takang tanong ko rin sa kaniya. Inirapan naman niya ako.

“Kaya nga tinatanong kita kasi hindi naman nasabi sa amin ni Tita,” masungit niyang sagot.

“Paano ninyo nalamang may sakit ako?”

“Papunta kami sa inyo kanina tapos nagulat kami na inilabas ka nila Tita at wala kang malay kaya sinundan namin kayo, narinig namin na dahil daw sa sakit mo kaya ka hinimatay,” paliwanag naman niya.

“After graduation ang opera ko,” sagot ko sa kaniya. “Pero depende pa ’yon, gusto kong manganak muna bago ako operahan,” dagdag ko.

“Matagal pa ’yon, Johann. Mas mahihirapan ka kung hihintayin mong manganak ka muna bago opera,” galit niyang sabi.

Tumingin ako sa kaniya. “May posibilidad na mamatay ako habang inooperahan, Margaux. Ayokong madamay ang anak ko.”

Malala na ang sakit ko, sobrang imposible na parehas pa kaming mabuhay ng anak ko. Palala nang palala ang sakit ko, kumakalat sa utak ko ang tumor.

Hindi ko kayang mawala ang anak ko kaya handa akong magbuwis ng buhay ko para sa kaniya.

“Johann! Ang nega mo kasi mag-isip, e. Hindi ka naman siguro aabot sa gano’n, lalaban ka naman para sa baby mo,” mariing sabi niya pa.

“Hindi tayo sigurado. Magtitiis na lang muna ako sa sakit ko hanggang sa maipanganak ko na ang anak ko para masiguro kong ligtas na siya kahit operahan pa ako.”

“D*mn it! Bakit kasi ganiyan ka mag-isip!” napasabunot pa siya sa sarili niya.

Alam ko namang kahit siya ay natatakot sa sitwasyon ko. Wala naman kaming magagawa, e.

“Pero kung dumating man sana sa puntong papiliin kayo sa amin ng baby ko, choose my baby, deserve niyang mabuhay at makita ang mundong ’to, kung sakali mang dumating ’yung kinatatakutan ko, alagaan ninyo ang anak ko,” gumagaralgal ang boses kong bilin sa kaniya.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon