31

299 27 3
                                        

“Where you going?” tanong ni Mommy sa akin.

Maaga akong nakagayak ngayon, hindi ako nakapunta kahapon sa OB dahil wala naman akong appointment na pina-set kaya kahapon ay nagpaschedule ako para ngayong umaga ako makapunta.

“Mall, just wanna chill, Mommy.”

I lied. Ayoko munang malaman nila. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila kung sakali mang buntis nga ako.

“Bakit ganiyan suot mo?” takang tanong niya.

Tiningnan ko rin ang sarili ko. Naka-dress na simple lang ako. Ewan ko rin kung bakit ganito sinuot ko.

“Why? Hindi ba ako papapasukin sa Mall kapag ganito suot ko?” salubong ang kilay kong tanong kay Mommy.

“No. Hindi lang ako sanay na sobrang simple ng ayos mo kung sa Mall ka pupunta,” aniya.

I just laughed. “Mom, ganito rin ako kapag may ibang pinupuntahan minsan, hindi mo lang napapansin,” sagot ko.

Tumango siya. “Baka nga,” sang-ayon niya na. “Pero ang aga mo naman yatang mag Mall?” taka pa ring tanong niya.

“May gagawin ako mamaya, e. Gotta go, Mom!” Humalik na ako sa pisngi niya at mabilis na umalis.

Kapag nagtagal pa ako ay ma-le-late na ako sa OB ko at baka malaman na ni Mommy kapag tinanong niya ako nang tinanong.

Kabado ako habang nasa biyahe. Nagdrive ako ng kotse ko pero syempre nag-ingat ako sa bawat kilos ko. Hindi pa sure na may laman ang tiyan ko pero mas okay na ’yung maingat ako.

“Ms. Johannah Juatchon?” tanong sa akin sa information desk. Tumango lang ako sa kaniya. “Second floor, Ma’am then right side. May name naman po sa pinto ni Doc kaya hindi na kayo mahihirapang maghanap,” dagdag niya pa.

“Salamat,” nakangiting tugon ko.

Naglakad na ako papunta sa elavator. Mabuti na lang at may elevator dito, ayokong maghagdan at baka mapagod ako.

“Good Morning, Doc!” bati ko agad kay Doc nang papasukin niya ako.

“Good Morning, Johannah.”

Dumoble ang kaba ko ngayong nandito na ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. What if may baby na nga ako? Paano na gagawin ko?

“Lay down here,” utos niya sa akin na agad kong sinunod.

Napahinga ako ng malalim dahil sa kaba. Kailangan kong kumalma. Kung anong kalalabasan ay kailangan kong tanggapin.

Lumipas ang ilang minuto, nakapikit lang ako habang nararamdaman ko na ang bagay na humahaplos sa tiyan ko. Ultrasound ba ’to? Wala akong alam sa ganito, e.

“The baby is fine,” sambit ni Doc.

Laglag ang panga kong napatingin kay Doc. Nakatingin siya sa gilid ko kung saan nandoon ang monitor.

“Baby?” mahinang tanong ko.

Nakangiting bumaling sa akin si Doc. “Yes, you are 4 weeks pregnant, Johannah. Congratulations!” masiglang aniya pa.

4 weeks pregnant? Ako?

“Doc... Buntis ako?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Yes, hindi mo alam?” gulat ding tanong niya.

“Hindi...” D*mn! Ano bang dapat kong maramdaman? “How’s my baby? Doc, nagt’take ako ng medicines dahil sa sakit ko, hindi ba makaaapekto ’yon sa baby ko?”

Baby ko... Bakit  ang sarap sa pakiramdam banggitin no’n?

“The baby is fine pero kailangan mo ring mag-ingat, you should stop taking medicines habang buntis ka dahil makaaapekto iyon sa baby, baka magkaroon ng sakit ang baby mo kapag gano’n,” paliwanag niya.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon