Nagtuluy-tuloy naman nga ang pagbibigay ng mensahe nila. Naiyak pa ako sa message ng Mama ni Snop sa kaniya.
Sa maikling panahong nandito ako sa debut ni Snop, walang tigil sa bilis ng tibok ang puso ko. Talagang hindi mapakali ang paningin ko at minsan pang nagtatama ang paningin namin ni Zild.
Bakit ka tumitingin sa akin? D*mn! Mas lalo akong nahihirapan, e.
“Let’s play a game!” sabi nang MC pagkaalis ni Snop at Minky para magpalit ng damit ang debutant. “Tumayo po tayo, magpapalaro muna habang naghihintay tayo sa magandang debutant,” masiglang sabi niya pa.
Tumayo nga kami. Nagkakagulo na naman dito sa table namin dahil sa mga lalaking maiingay na ’to. Idagdag pa ang asaran ni Margaux at Austin.
Para na namang aso at pusa na nagbabangayan ang dalawang ’to.
“Ano na naman ba, Austin?” rinig ko pang sabi ni Margaux.
Nagsisimula na naman sila.
“Huwag ka kasing dumikit sa akin, mamaya magrereklamo ka na namang ako ang dumidikit sa ’yo,” sagot naman ni Austin sa kaniya.
“Kapal mo naman sa part na sinasabi mong ako ang dumidikit,” gigil pang sabi ni Margaux.
Sasagot pa sana si Austin pero pinigilan na sila nang MC. Ang ingay naman kasi talaga nilang dalawa.
“Mamaya na po ang LQ, maglalaro po muna tayo,” nakangising sabi pa ng baklang MC.
Nakita ko pang inungusan ni Margaux si Austin at inirapan ito. Para silang mga bata.
“Anong laro ba?” tanong ni Reid.
Feeling ko ay boyfriend ni Minky ’to or manliligaw. Napapansin ko sila kanina na sobrang lapit talaga sa isa’t-isa, e.
Sana all na lang sa kanila.
“Sali ka sa laro, Zild?” rinig kong tanong ni Aya.
Napaayos ako ng tayo at diretsong tumingin sa harapan. Malapit lang sila sa akin kaya ayaw kong magpakita na apektado ako sa presensya nila.
“Yes, kasali ka rin diba?” tanong naman nitong si Zild.
“Yes!” mabilis namang sagot ni Aya. “Ginawang Children’s Party ’tong debut ni Snop. May palaro pa HAHAHAHA!” dagdag niya pa at ang lakas ng tawa niya.
Mukhang nagbago na nga ng tipo si Zild pagdating sa babae.
“You know the game The Boat is sinking, right?” tanong ng MC.
“Yes/Oo!” sagot naman ng nakararami.
“Iyon ang lalaruin natin, pero with a twist!” masiglang sabi pa nito.
Nangunot ang noo ko. Anong twist naman ang sinasabi niya? Paano?
“May pa-twist pa nga,” natatawang sabi ni Reid.
“Simulan na natin ang laro. Magsasabi lang ako ng number at kailangan ninyong makabuo ng ganoong bilang, kapag may natira at walang partner that means talo na, ang twist natin ay sa huli pa kaya kailangan galingan para makaabot sa huli!” malakas na sabi nito kaya sumigaw na rin ang iba.
“Para tayong mga bata nito,” sabi ko naman.
“Bata ka naman,” rinig kong sabi ni Zild.
Napalingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nasa gilid ko na pero sa harapan nakatingin at parang hindi ako nakikita.
Hinanap ng mata ko si Aya. Kasama nito ngayon si Rix at parang nagkakatuwaan sila base sa nakikita kong tawa ni Aya.
What the hell is he doing here beside me? Kapag nakita siya ni Aya ay baka ako pa ang sugurin no’n.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romansa© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...