Nanatili akong tahimik na nakatingin sa harapan ko. Siguro ay nahalata niya rin at napansin ang nasabi niya kaya tumahimik na rin siya.
Nilakasan ko ang loob ko para magtanong.
“Kumusta kayo ng girlfriend mo?” mahinang tanong ko sa kaniya.
Hindi ko siya magawang tingnan dahil ayokong makita niya ang nararamdaman ko ngayon.
Eyes can tell what you truly feel.
“Hindi ko pa girlfriend si Maris, nanliligaw pa lang ako sa kaniya,” sagot niya naman.
Tumangu-tango ako sa kaniya. Wala na naman akong masabi kaya nanahimik na lang ako.
Sabi niya maghihintay siya sa akin? Bakit may nililigawan na siya ngayon?
“How about you and your boyfriend?” ramdam ko ang kakaibang tono niya.
Sarcastic? I don’t know. Iyon ang nafeel ko sa naging tanong niya.
“We’re fine.”
Muntik ko ng masabi na wala akong boyfriend. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
Pinalabas ko nga palang may boyfriend ako para hindi niya na ako hintayin. Ang tanga ko diba?
Ngayong may iba na siya ay nasasaktan naman ako kahit na at the first place ginusto ko ring makahanap siya.
“That’s good to hear,” sagot niya.
Nabalot na naman kami ng katahimikan. Hinintay na lang namin ang pagkain namin. Nilibot kong muli ng tingin ang buong lugar.
Ang ganda rito. Hindi na ako magtatakang dito nga sila nagdi-date na dalawa.
“Thank you,” nakangiting sabi ko pa sa nagserve ng pagkain namin.
Nakaugalian ko na kasi ang ganoon sa tuwing kakain kami sa labas nila Mommy.
“How are you?” tanong ni Zild sa akin.
Nagsimula na kaming kumain. Ang awkward para sa akin pero sa kaniya ay parang wala lang. Ang casual niya.
“I’m fine. How ’bout you?” balik tanong ko sa kaniya.
“Last time I saw you, anong iniinom mong gamot at para saan ’yon?” seryosong tanong niya.
Natigilan ako sa pagnguya at nagulat din dahil sa pagtatanong niya no’n. Kinakabahan ako ngayon pero kailangan kong kumalma.
“Ah that, masakit ang puson ko no’n kaya nagbaon ako ng gamot,” sagot ko.
Binitawan ko ang utensils ko at itinago ang nanginginig kong mga kamay sa hita ko.
Makalusot sana.
“I thought you’re sick,” casual niya pa ring sabi.
Umiling ako sa kaniya. “No, girl thing lang that time,” pagak pa akong tumawa matapos sabihin ’yon.
Para kang tanga, Johann!
“Nagpaalam ka ba sa boyfriend mo na makikipagkita ka sa akin ngayon?”
Bakit parang naging madaldal na siya? Hindi naman siya palatanong sa akin noong kami pa.
“Yes, okay lang naman sa kaniya.”
I lied again. Ang dami ko ng kasinungalingang nagagawa.
He nodded. “Good. Ayokong mag-away kayo dahil lang dito,” aniya.
“Yeah. Same with you and Aya.”
May kirot akong naramdaman ng sabihin ko ’yon. Nasasaktan talaga ako sa isiping nasa piling na siya nang iba.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
