Habang nasa biyahe kami ay hindi umiimik si Zild. Gano’n din naman ako, nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa harapan.
“Oh? Bakit huminto?” takang tanong ko sa kaniya dahil wala pa naman kami sa Book Store.
“Tsk!” asik niya lang at may kinuha siya.
Takang tiningnan ko ang bawat kilos niya. Binuksan niya ang isang box na puro gamot.
First Aid kit.
Boy scout ’yarn? Kumpleto at laging handa? Pfft.
“Okay naman na ang labi ko,” mahinang sabi ko nang dampian niya na ito ng cotton buds na may betadine.
“Just shut up, Nicole. Let me do it,” masungit niyang sabi kaya napairap na lang ako.
Okay shut up na lang nga ako.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya ’yon. Salubong na salubong ang kilay niya, kunot na kunot ang noo habang ginagawa ang paggamot sa sugat ko.
“Sasabihin ko kay Mommy ’to, palagi na lang kasing ako ang pinag iinitan nung babaeng ’yon,” parang batang sabi ko.
I pouted.
“Let me handle that. Let’s give a lesson to that girl,” blankong sagot niya.
Napatitig lang ako sa kaniya. Nang matapos siyang maglagay ng gamot sa labi ko ay tinitigan niya ako.
“What?” takang tanong ko.
Umiling lang siya at binalik na ang mga gamit niya. Tahimik lang ulit kami nang magsimula na siyang magmaneho.
Nang makarating sa Book Store ay tahimik pa rin siya kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao.
Bukod sa gwapo siya, masungit na aura at maangas ay matangkad din kasi talaga siya kaya agaw atensyon.
Tindig pa lang niya talagang mapapatingin ka na, e.
“Pandesigns lang ang kailangan ko,” sabi ko habang naglalakad papunta sa mga pandesigns.
“There,” sabi niya naman sabay turo ro’n kaya mabilis akong pumunta.
“Do you think mas okay ang may feather?” tanong ko sa kaniya.
Hawak ko ngayon ang feather na kulay red. Ang naiisip ko kasing gawin ay dikitan bawat page ng isang colored paper at doon isusulat ang novel ko tapos ang design ay may feather sa bawat sulok.
“Yes, you can use that,” sang-ayon niya kaya kumuha na ako nang iba’t-ibang kulay no’n.
“Okay na siguro ’to, para hind masyadong makalat tingnan,” nasabi ko na lang.
Naglibot-libot pa kami para sa ibang designs. Kung anong makita ko ay iniisip ko kung pwede ba sa gagawin ko.
“How about glitters? Or sands?” suggest niya.
“Anong paggagamitan ko no’n?” nakangusong tanong ko.
“Can you do calligraphy? You can use that on the front page of your scarp book,” simpleng sagot niya.
Oo nga ano? Marunong naman akong magcalligraphy kaya pwede ang sinabi niya.
“Ang galing mo naman!” natutuwang ani ko.
He just smirked at me.
Yabang mo na niyan.
“Okay na?” tanong niya.
Tumangu-tango ako. Kaunti pa lang ang laman ng basket na dala namin. Mag-ikot-ikot muna kami dahil baka may gusto pa akong bilhin.
“Books!” natutuwang sabi ko at mabilis na lumapit sa mga iyon.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
