50

441 29 9
                                        

Nang makauwi kami ay nagstay lang ako sa kwarto ni Zil. Katabi ko siya habang naglalaro siya. Si Zild ay nasa labas at kausap si Rossette. Hinayaan ko na dahil mas mahalaga ang anak ko kaysa sa galit ko sa babaeng ’yon.

“Sinong mas gusto mong maging Mommy, ako o si Rossette?” natanong ko bigla sa anak ko.

“Of course it’s you, Mommy!” sagot niya at ngumiti pa sa akin.

“Why?” tanong ko.

“You are my Mommy and Daddy loves you. And you are kind to me,” sagot niya.

Nangunot ang noo ko. “Bakit? Hindi ba mabait si Rossette sa ’yo?” tanong ko sa kaniya. Napaupo na ako para maharap siya.

“Mama Rossette is kind but sometimes she’s mad at me for no reason,” nakangusong sagot niya. Umusbong na naman ang galit na nararamdaman ko dahil sa nalaman ko.

“Anong ginagawa niya sa ’yo kapag galit siya?” tanong ko ulit.

“She pinch me on my waist,” inosenteng sagot niya. Napatayo ako at binuhat si Zil. Lumabas kami ng kwarto at naabutan namin ang dalawa na nagtatawanan pa nga. Tangina talaga.

“Rossette, ano ’tong nalaman kong nagagalit ka raw sa anak ko ng walang dahilan at kinukurot mo sa bewang?” galit kong tanong sa kaniya.

Umawang ang labi niya at hindi nakaimik. Taka naman kaming tiningnan ni Zild.

“What?” tanong na ni Zild.

“Iyang babaeng ’yan sinasaktan ang anak natin. Bakit, Rossette? Nagagalit ka kasi may anak na si Zild? Na hindi mo makuha si Zild?”

Mas lalo siyang hindi nakaimik.

“What’s the meaning of that, Rossette?” medyo tumaas na ang tono ni Zild.

Confirmed. Sinasaktan niya nga ang anak ko. Umiiyak pa siya at kung anu-anong sinabi. Pasalamat siya kahit paano may utang na loob ako sa kaniya dahil hindi niya pinabayaan ang mag-ama ko kahit na sinasaktan niya ang anak ko.

“I’m sorry, Zil. I’m sorry. Hindi na mauulit ’yon,” sabi ni Zild sa anak.

Pinutol na ni Zild ang connection niya kay Rossette. Bukod sa makakasira talaga si Rossette sa aming dalawa, hindi niya rin matanggap na sinaktan nito ang anak namin.

“Hinarap mo sana sa akin ’yung hitad na ’yon para nasample-an ko,” iritang sabi ni Margaux nang sabihin ko sa kaniya ’yon.

Nandito sila ngayon sa amin, I mean dito sa bahay namin nila Mommy. Hindi pa namin napag-uusapan ni Zild kung lilipat na ba ako sa condo niya. Alam na rin nila Mommy ang nangyari, nagalit sila pero sa huli ay napatawad naman nila si Zild. Naiintindihan daw nila ’yon.

“Ilang taon din silang naging magkaibigan ni Zild ’di ba?” tanong naman ni Blythe.

“Almost 3 years yata,” hindi siguradong sagot ko.

“Nakakairita ang babaeng gano’n, alam naman niyang hindi siya gugustuhin ni Zild pero pinipilit niya pa rin sarili niya,” gigil pa ring sabi ni Margaux.

Kinwento ko kasi sa kanila ang nangyari at itong si Margaux ay gigil na gigil nga kay Rossette. Unang kita pa lang daw niya ro’n ay ramdam na raw niyang may something. Bukod sa hindi niya raw ka-vibes ay talagang ramdam niya raw na parang linta kay Zild.

Grabe magsalita si Margaux sa totoo lang. Walang filter ang bibig ng babaeng ’yan.

“So hindi na sila nag-uusap ni Zild?” tanong ni Blythe na nakahiga sa kama ko at kung anu-anong ginagalaw ro’n.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon