10

299 28 4
                                        

Natapos namin ang umpisa ng project ko. Bukas ay bibili na kami ng mga kailangan na pandesign dito.

Nang sabihin ni Zild na nililigawan na niya ako ay tumango lang ang dalawa at tiningnan ako kanina na para bang may utang ako sa kanila na hindi ko pa nababayaran.

Mabilis din silang nagpaalam na gagawa na rin daw sila ng project kaya pinatay na ang call. Kunyari pa sila, akala naman nila ay hindi ko alam ang likaw ng mga bituka nila.

“Uuwi na ba tayo?” I asked Zild matapos naming mag-ayos ng gamit.

Tumingin siya sa akin saglit pero agad ding binalik ang atensyon sa ginagawa niya.

“Magstay tayo ng ilang minuto, makipagkwentuhan muna tayo kay Nanay o makipagkulitan muna tayo sa mga bata,” sagot niya naman.

Tumango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita. Nilagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko.

Ako ang nagdala ng mga ’yon habang si Zild naman ang nagbitbit ng pitcher at baso na ginamit namin kanina.

“Oh? Tapos na ba ninyo?” tanong ni Nanay Ofel. Mukhang magluluto na siya ng hapunan nila.

“Hindi pa po dahil wala pa akong pandesign pero nasimulan naman na po namin,” nakangiting sagot ko naman sa kaniya.

“Dito na lang kayo maghapunan, nagluluto ako ng sinigang na baboy,” masiglang ani niya pa.

Nagtinginan kami ni Zild na para bang nag-uusap kung anong magiging desisyon namin. Tumango siya kaya naman nakuha ko na agad ang gusto niyang iparating.

“Ako na ang magluluto, Nay. Magpahinga na muna kayo,” presinta ni Zild at agad na lumapit sa matanda.

“Nako! Ako na, kaya ko naman ’to,” tumatawang sagot naman ni Nanay Ofel.

“Nay, hayaan na po ninyong si Zild ang magluto, magpahinga na po muna kayo,” sabi ko rin at umalalay pa ako sa kaniya.

“Tuturuan ko rin po si Nicole magluto para naman hindi na siya mahirapan kapag mag-asawa na kami,” seryoso ang mukha pero nang-aasar na sabi ni Zild.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. Natawa naman si Nanay Ofel sa amin.

“Sige na nga at hayaan ko na kayong dalawa rito,” natatawang ani niya at pinisil pa ako sa kamay. “Mag-aral ka na nga sa gawaing bahay, hija.”

Hindi ko alam kung nag-init ba ang pisngi ko dahil sa inis kay Zild o dahil sa sinabi niya.

Arrggghhh! Hilig niyang bumanat, banatan ko kaya siya nang literal?

“C’mon, My soon to be wife, tuturuan na kitang magluto,” mapang-asar niya pa ring sabi.

Asar na asar akong pumunta sa kaniya at kinurot siya sa bewang. Natatawa naman siyang dumaing.

“Daig mo pa sabog,” pikon kong sabi.

Bahagya ko rin siyang tinulak para ako na ang maghugas ng mga gulay maging ang karne.

“Paghiwa-hiwalayin mo para mahugasan ng maayos,” sabi niya pa.

Hindi ko alam kung ’yung gulay o baboy ba ang sinasabi niyang paghiwalayin ko. Kinukuskos ko pa nga ang gulay para sure na mahugasan ng maayos.

“Hoy!”

Nagulat kasi ako na bigla na lang siyang pumwesto sa likuran ko at hinawakan ang kamay kong may hawak na gulay.

Ampotek! Mukha siyang nakaback hug sa akin.

“Ganito kasi. Tingnan mong mabuti para alam mo na sa susunod kung paano ang gagawin,” sabi niya pa sa gawing tainga ko.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon