Mabilis akong tumakbo kay Kenn nang makita kong mapahinto ang sasakyan. Mabilis ko siyang binuhat at niyakap.
“Gosh! Muntik ka na ro’n!” mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin. Alam kong natakot din siya sa posibleng mangyari sa kaniya.
“Okay lang ba siya? Natamaan ko ba?” nag-aalalang tanong ni Rix.
Hinarap ko siya. “No. Muntik lang, mabuti at nakapreno ka agad,” sagot ko sa kaniya.
Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa kaba ko kay Kenn. Akala ko talaga matatamaan na siya kanina.
“Sorry ’bout that. Hindi ko siya napansin na tatawid,” hinging paumanhin ni Rix.
“Ayos lang, nagulat din ako biglang tumalon siya sa kinauupuan niya kanina,” kabado pa ring sabi ko at hinaplos si Kenn.
“Buti naipreno agad ni Zild,” sambit pa ni Rix.
Gulat akong napatingin sa kaniya. Kasama niya si Zild? Bakit nga ba sila nandito sa village namin?
“Kasama ko sila ni Aya. May pupuntahan yata sila rito, dinamay pa nila ako kaya naman nilang dalawa,” inis pang sabi niya.
“Oh okay,” nasabi ko na lang.
“Okay lang ba ’yung pusa?” nag-aalalang tanong ni Aya na lumabas na rin ng kotse. Kasunod niyang lumabas si Zild na diretso ang tingin sa akin.
“He’s fine. Natakot lang din siya pero wala namang ibang nangyari,” sagot ko kay Aya.
Nakatingin siya kay Kenn at nag-aalala. Ang genuine ng tingin niya rito, mukhang mahilig din siya sa pusa.
“Can I touch him?” alangan niya pang tanong sa akin.
“Sure,” sagot ko at inilapit si Kenn sa kaniya.
“So cute. What’s your name?” pagkausap ni Aya rito. Nakatingin lang din kami sa kanilang dalawa.
“Kenn ang name niya,” sagot ko na. Hinahaplos niya sa bandang leeg si Kenn at mukhang nagugustuhan naman iyon ng alaga ko.
“Bakit ka kasi tumawid bigla, muntik ka na kanina,” malambing niya pang sabi sa alaga ko.
Mahilig nga siguro talaga sa pusa ’to.
“Meow!” mahinang sabi rin ni Kenn kaya napangiti ako. Nakikipag-usap din siya, e.
“It’s too early, why are you here?” tanong ni Zild sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
Naaalala niya kaya mga sinabi niya sa akin kagabi?
“Magpapaaraw kami ni Kenn dahil bilin ni Mommy. Naghihintay lang kami kay Zorren dahil kasama namin siyang iikot sa village,” sagot ko sa kaniya.
“Zorren is busy,” aniya.
“I’m not.”
Nakangiting nilingon ko si Zorren na kababa lang ng kotse niya. He’s wearing a plain white t-shirt and maong six pocket short. Ang gwapo niya naman.
“Good Morning!” bati ko sa kaniya at niyakap siya paglapit ko.
“Good Morning, Babe.” Ginulo niya pa ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko.
“Kumain ka na?” tanong ko sa kaniya.
“Actually hindi pa, kain tayo sa labas?” tanong niya sa akin.
“Ehem...” pekeng ubo ni Rix kaya napalingon kami sa kaniya. “We’re going now. Sorry again, Johann.”
Tumango lang ako. “Ayos lang ’yon, okay lang naman si Kenn,” nakangiting sagot ko at nilingon si Aya na buhat pa rin si Kenn.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
