42

259 23 5
                                    

Naging maayos naman ang unang punta ni Nicole sa comfort place ko. Natutuwa ako dahil nakasundo talaga niya ang mga bata.

Mas naging malapit pa kami ni Nicole sa isa’t-isa. Hindi ko pinipigilan ang sarili kong iparamdam sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Nagtatawagan kami minsan, mga karaniwang ginagawa ng pumoporma. Yeah, pinopormahan ko na nga siya.

“Tama ba ginagawa kong panliligaw?” tanong ko kay Rix.

“Don’t ask me, hindi ako marunong manligaw at wala pa akong nililigawan,” masungit niyang sagot. Tatawanan ko sana kaso baka masapak ako.

“Ano ’yung naririnig kong ligaw ligaw?” tanong ni Reid.

“Nanliligaw ako kay Nicole,” sagot ko naman. Hindi naman na siya nagulat sa sinabi ko. Parang expected na nilang mangyayari ’to.

“Anu-ano bang ginagawa mo?” tanong ni Reid. Mukhang seryoso ang loko kaya papatulan ko na pakikipag-usap sa kaniya.

“Mga common na ginagawa nating mga lalaki? Date, calls and updates. I’m just being myself when it comes to her.”

Hindi ko binabago ang sarili ko para lang magustuhan niya. She knows I am cold. Hindi ko kayang baguhin ’yon agad-agad, hindi ko kaya ng biglaan. I know hindi niya tipo ang ganito pero anong magagawa ko? Hindi ko babaguhin ’to sa pagkataong gusto niya.

“Tama naman ’yan, pagpatuloy mo lang ’yan tapos tanungin mo kapag alam mong ready na siya,” sambit niya.

Tumango lang ako. Matino namang kausap si Reid minsan. Tyempuhan lang talaga na nasa matinong lagay siya.

Hindi siya nakasama sa pangalawang punta dahil busy siya sa homeworks. Nagsuggest na rin ako sa kaniya na kila Nanay Ofel na lang gawin ang projects niya para matulungan ko siya. Mabuti na lang at pumayag.

Dahil nga wala si Nicole ay ako ang kinulit ng mga bata. Umabot ako ng hapon kila Nanay Ofel. Naabutan ko pa ang sunset kaya napagpasyahan kong picture-an ’yon. Maganda ang sunset dito dahil nga bukirin, kitang-kita ang paglubog ng araw.

Nang makauwi naman ako ay pinost ko ’yon sa facebook account ko. Hindi ako masyadong nagpopost, bilang lang yata ang pictures sa account ko. ’Yung profile picture ko nga hindi ko pa napapalitan, ilang taon na yata ’yon.

‘The sunset is beautiful but it’s more beautiful if we saw it together.’

Iyon ang nilagay kong caption. Hindi kasi namin nakita ni Nicole ang sunset kahapon. Sana kapag nakasama na ulit siya ay makita namin ang sunset at sabay naming panoorin.

Sunud-sunod naman ang nagnotif sa akin. Nangunguna pa mga kaibigan ko. Tsk! Ang kalat nila.

Blythe Blaiked: Para kay Johann ba ’yan?

Of course. Si Nicole lang naman ang babaeng napalapit sa akin.

Margaux Villegas: Hindi sila magkasama ni Johann kahapon, para kay Johann ’to, sure na.

Aus Devaux: Tropa ka talaga, may tinatago ka palang ganiyang banat, ha!

Tsk! Siraulo talaga.

Jatyr Ponce: May hindi ba kami alam?

Parang mga tanga, maang-maangan pa.

Reid Domingo: Akalain mong tatahi-tahimik ka lang pero may ganiyan ka na pala.

Isa pa 'to, nakausap ko pa nga siya about sa panliligaw ko kay Nicole.

Rix Gomez: That’s for her?

Nireplyan ko pa sila isa-isa. Pasalamat sila mga kaibigan ko sila. Tsk.

Nang sunduin ko si Nicole ay kinausap pa ako ng magulang niya. Sinabi ng mga ito na boto naman sila sa akin pero kailangan muna maging 18 ni Nicole para maging kami. Hindi naman ako nagmamadali.

Vengeance (Glamorous Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon