15

254 26 13
                                    

Pinagpatuloy niya ang pagkanta. Alam ko ang kantang ’to, ito ang madalas niyang kantahin sa tuwing magkasama kami.

Binhi by Arthur Nery. Maganda ’to, lalo na at boses ni Zild ang naririnig ko ngayon.

“I love you,” nasabi ko na lang sa kaniya.

Tumigil siya sa pagkanta at ilang segundong natahimik.

[“I love you.] Natahimik muli kami. [“Why are you crying?”] tanong niya bigla.

Sabi na, e! Hindi talaga maitatago sa kaniya dahil mabilis siyang makahalata.

“Wala lang, masaya lang ako kasi I made it, baby. With honor pa ako,” pinasigla ko ang tono ko para hindi niya na ako mahalata.

[“I’m so proud of you,”] seryosong sabi naman niya.

“Thank you!”

Nag-usap pa kami ng ilang minuto. Kinantahan niya pa ulit ako, this time ay buong kanta na nang Binhi.

Bakasyon na namin, palagi lang akong nasa kwarto at nagmumukmok. Dinadalhan ako nila Mommy ng pagkain minsan pero minsan ay pinipilit nila akong sumabay sa kanila.

Hindi ko rin masyadong nakakausap si Zild. Palagi kong sinasabi na nakakatulog ako which is totoo naman dahil madalas nga ay antukin ako tapos sa gabi ay halos hindi ako makatulog.

Ang sabi rin nila Mommy ay nagpupunta rito si Zild pero naaabutan akong tulog kaya saglit lang siya rito at umaalis na rin.

“Wala ka bang balak sabihin sa kaniya?” tanong ni Mommy sa akin.

Mabilis akong umiling. Ayokong mag-alala siya sa akin. Ayokong maawa rin siya sa akin.

“Makikipaghiwalay na ako sa kaniya,” nakayukong sabi ko kay Mommy.

Wala akong nakuhang sagot kay Mommy kaya napatunghay ako sa kaniya. Nag-aalalang tingin ang nabungaran ko at maluha-luha niyang mga mata.

“Magpapa-opera ka agad, baby. We promise that,” gumagaralgal ang tono niyang sabi at mahigpit akong niyakap.

I made my decision. Balak kong makipagkita kay Zild para tapusin ang meron sa amin.

Ayoko man pero kailangan.

“I want to rest,” nasabi ko na lang kay Mommy.

Masyado pang maaga pero inaantok na naman ako. Mamaya ako makikipagkita kay Zild. Tatapusin ko na mamaya.

“Rest well, baby. Magiging okay rin lahat, gagaling ka agad,” sambit niya pa at hinalikan ako sa noo.

“Thanks, Mommy.”

Iniwan na ako ni Mommy kaya naman mabilisang lumabas ang mga luhang pinipigilan ko kanina. Iyak na naman ako nang iyak hanggang sa makatulog ako.

“Hey, are you okay?” bungad na tanong ni Zild nang makarating siya sa lugar na sinabi ko sa kaniya sa text kanina.

Tumango ako. “Usap tayo,” simpleng sabi ko.

Nandito kami ngayon sa isang bench ng 7/11. Wala naman akong ibang alam na lugar na pwedeng puntahan.

Makikipaghiwalay na nga ako, dapat bang sa magandang lugar pa ganapin?

“We’re already talking, Nicole.”

Napabuntong-hininga ako at iniwas ang tingin sa kaniya. Nasasaktan ako pero kailangan kong gawin ’to.

“Let’s break up,” walang alinlangan kong sabi.

Hindi ko na ipagpapaliguy-ligoy pa dahil ganoon din naman. Sa hiwalayan din naman ang punta nito.

“What? Why?” naguguluhan niyang tanong.

Vengeance (Glamorous Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon