“Sino ’yan? Saan mo napulot?” tanong ni Austin na unang nakabawi sa gulat.
“This is Ziljohn Marquez, my son.”
Hindi ako makaimik sa sinabi niya. Oo halatang anak niya dahil hindi naman mapagkakaila, kamukhang-kamukha niya talaga. Pero sino ang nabuntis niya?
“May anak ka sa ibang babae?” tanong ni Jatyr.
“Kailan nangyari ’yan? Bakit ngayon lang namin nalaman?” tanong din ni Reid.
“Alam mo ba ’to, Johann?” tanong ni Margaux sa akin na mabilis kong inilingan.
“Ang cute cute mo naman,” natutuwang sabi naman ni Blythe sa bata.
“Zil, c’mon you’re going to take a bath.”
Sabay-sabay yata kaming napatingin sa babaeng nagsabi no’n. May dala pa siyang hindi kalakihang bag at isang paper bag na yakap niya naman.
Ito ba ang Mommy nitong bata? Ito ba ang nabuntis ni Zild?
“Hi, Rossette!” bati ni Rix dito. Magkakilala sila?
“Oh, hi! Anong meron bakit ang dami ninyo rito?” takang tanong nung babae at tiningnan pa kami isa-isa. “Hello sa inyo,” bati niya pa.
“Rossette, these are my friends,” pagpapakilala naman ni Zild sa amin doon sa babae. “And this is Rossette,” pagpapakilala niya sa babae. Walang binanggit na kahit ano bukod doon.
Ano niya ’yan?
“Asawa mo? Nabuntis mo? Kaibigan? Ano?” sunud-sunod na tanong ni Margaux kay Zild.
“Zil, go to Mama Rossette and take a bath, we’re going to the market to buy some chuckie,” sabi ni Zild sa bata.
Mama Rossette. So ito ngang babaeng ’to ang nanay ni Zil?
Mabilis namang lumapit ang bata para sundin ang sinabi ni Zild. Nakatingin lang kami sa dalawa nang umalis na sila para mapaliguan na ang bata.
“Gago! Anak mo talaga ’yon?” hindi makapaniwalang tanong ni Austin.
“Yes,” simpleng tugon ni Zild.
Hindi ko siya magawang tingnan. Nanatili lang akong nakatingin sa dinaanan nila Zil.
“Nabuntis mo si Rossette?” tanong naman ni Snop. “Parang katulad ba nung kay Reid ’yan?” muling tanong niya pa.
“Nadamay pa ako,” angal agad ni Reid.
“Bakit totoo namang nakabuntis ka rin noon, a!” mariing sabi naman ni Snop.
“Hindi ako nakabuntis ng ibang babae, anak namin ni Nicole si Zil,” sagot ni Zild.
Mabilis akong napatingin sa kaniya. Laglag ang panga namin dahil sa narinig naming sinabi niya.
“Anak natin?” hindi makapaniwalang tanong ko.
He nodded.
“Paano nangyaring anak ninyo si Zil? Namatay na ang anak ninyo noon ’di ba?” takang tanong ni Minky.
“Sa sala nga tayo para makapag usap tayo ng maayos,” pag-aaya ni Jatyr at nauna na nga silang lumabas ni Blythe para pumuntang sala.
Niligpit ko ang kinainan ko habang sila naman ay nagpunta na nga ro’n.
“Gonna explain what happened,” bulong ni Zild sa akin. Niyakap niya pa ako mula sa likuran ko at sinubsob ang mukha sa leeg ko.
“Tapusin ko lang ’to,” walang emosyong tugon ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/286061281-288-k663483.jpg)
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...