Natapos ko ang homework ko habang kavideo call ko pa rin si Zild.
“Ate Johann! Bakit hindi ka po sumama?” nakangusong tanong ni Cindie sa harapan ng camera.
Sila ngayon ang nakikita ko dahil sa kanila itinutok ni Zild ang phone. I’m now lying on my bed. Nangawit ako dahil nakaupo ako kanina habang nagsasagot.
“May homework kasi ako kaya hindi ako nakasama. May project nga rin ako, e.”
Si Eura naman ang sunod na pumunta sa harapan ng camera.
“Punta ka po rito bukas?” nagpapaawang tanong niya pa. Ang cute talaga nila, e.
“Hindi ko pa sure, e. Hindi ko alam kung may gagawin ba ako bukas o wala,” sagot ko naman.
Ayoko kasi talagang mangako sa kanila dahil baka hindi matupad at madis-appoint lang sila at umasa.
“Kapag walang ibang gagawin ang Ate ninyo, isasama ko siya rito bukas at dito namin gagawin ang project niya,” rinig ko pang sabi ni Zild.
“Yeeeeeeyyy! Sana walang gawin si Ate bukas,” malakas ding sabi naman ni Chan.
“Miss ko na agad si Ate, e!” sabi naman ni Calix.
“Bawal naman kayong manggulo bukas kung sakali mang isama ko siya,” bilin ni Zild sa mga ito.
“Opo! Behave lang po kami,” sabi naman ni Erica.
“Kumain na ba kayo?” tanong ko sa kanila.
Ganitong oras kasi ay nagmemeryenda na dapat sila. Kahit ako ay nagmemeryenda na rin dapat ngayon pero namamahinga pa ako saglit.
“Hindi pa po, Ate. Nagluluto pa si Lola ng pangmeryenda namin, e.” Tumango ako sa sagot ni Eura.
“How about you, Nicole?” tanong ni Zild.
Hindi ko siya makita dahil nakatutok nga sa mga bata ang camera.
“Not yet, nakahiga pa ako dahil masakit ang likod ko. Nangalay kanina sa pagsasagot,” tugon ko.
“You should eat,” muling sabi ni Zild.
Napanguso naman ako. Nakatingin lang sa akin ang mga bata at bumubungisngis pa ang iba.
“Mamayang dinner na lang ako kakain,” sabi ko naman at lumipat ng pwesto.
Dumapa ako habang nakasubsob ang kalahati ng mukha sa unan.
“Patayin ko na ’to, uuwi na ako,” paalam ni Zild.
“Ingat,” mahinang sabi ko naman.
“Bye, Ate Johann!” sigaw ng mga bata.
Kumaway pa ako sa kanila sa harap ng camera.
Inaantok ako ngayon.
“Bye, Nicole.”
Dumilat ako nang marinig ko si Zild. Naglalakad na siya ngayon. Uuwi na nga siya.
“Bye, Zild. Take care,” bilin ko pa.
Muli na naman akong napapikit. Inaantok talaga ako, pagod din kasi ako dahil sa school works.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
“Johann, baby...”
Nagising ako sa mahinang tapik sa akin ni Mommy. Pupungas-pungas pa akong bumangon at tumingin sa kaniya.
“The dinner is ready,” nakangiting sabi niya pa sa akin.
Napatingin naman ako sa phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hanggang ngayon ay nakacall pa rin si Zild.
![](https://img.wattpad.com/cover/286061281-288-k663483.jpg)
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...