09

282 31 5
                                        

Bakit ba kasi siya lumapit sa akin ng dahan-dahan?

Nakakainis siya! Napahiya ako dahil akala ko ay may gagawin siya sa akin. Kingina! Akala ko hahalikan ako.

“Pumasok ka na, Nicole. Naghihintay na ang mga bata,” nagpipigil ang tawang sabi niya sa akin.

Asar na asar akong pumasok sa loob ng kotse niya.

“Anong dala mo para sa kanila?” tanong ko nang makapasok na rin siya.

“Spaghetti. Nagluto ako para sa atin,” sagot niya naman at nagsimula na siyang magmaneho.

“Ano ngang sinabi sa ’yo ni Daddy?” tanong ko muli nang walang nagsalita sa amin.

“Iyon nga, about sa panliligaw ko sa ’yo,” sagot niya habang sa daan pa rin nakatingin.

Salubong na salubong ang kilay kong bumaling sa kaniya. Kalahati na ngayon ng katawan ko ang nakabaling sa kaniya.

“Nanliligaw ka ba?” naguguluhang tanong ko.

“Gusto mo na bang manligaw ako?” nakangising tanong niya rin sa akin.

Asar na asar ko siyang hinampas at umayos na ako nang upo.

Ang pangit niyang kausap, e.

“Bahala ka sa buhay mo,” sabi ko na lang.

Narinig ko pa ang tawa niya kaya mas lalo lang akong nainis.

“Binilinan niya lang ako na bawal ka pang makipagrelasyon  hangga’t wala ka pang 18 years old pero pwede naman daw akong manligaw sa ’yo,” seryosong sabi niya na.

Lumingon ako sa kaniya at naghintay pa nang iba niya pang sasabihin. Nakafocus lang siya sa daan ngayon.

“Nicole, can I court you?” mas seryoso niya pang tanong.

I swallowed hard.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kaniya. Alam ko namang hindi mabilis ang pangyayaring ’to dahil matagal na kaming magkakilala.

“Well, whether you like it or not, I will gonna court you,” maangas pang dagdag niya.

“Nagtanong ka pa kunyari, wala rin naman pala akong choice,” maarteng sabi ko at inirapan ko pa siya.

I heard his chuckles.

“Of course. Para alam mong manliligaw na ako sa ’yo,” natatawang sabi niya pa rin.

“Hindi naman kita type,” pandidiretso ko sa kaniya.

“I know,” maangas pa ring sabi niya.

“Mas gusto ko ’yung ka-vibes ko, hindi naman kita ka-vibes, e. Masyado kang cold, mysterious aura, para kang masungit in short,” dire-diretsong sabi ko pa.

“You’re not my type either. I don’t like girls who wear glasses, you look like nerd to me,” kibit-balikat niya pang tugon sa akin.

Salubong na salubong ang kilay ko at parang uusok na rin ang ilong ko sa sinabi niya.

Punyemas siya! Ginawa niya pa akong nerd, ha!

“Hindi mo naman pala ako type, bakit mo pa ako liligawan?” asar kong tanong sa kaniya.

“You’re not my type but I didn’t say that I don’t like you,” seryosong tugon niya.

Speechless ako.

Bakit sa tuwing magsasabi siya ng mga ganito ay halos hindi ko mahanap ang salitang dapat kong sabihin sa kaniya?

“Kinilig ka naman, huwag mo ng pigilan,” mapang-asar niyang sabi.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon