13

253 31 3
                                        

“Gagi! Ang init pa!” mangiyak-ngiyak kong sabi at huminga sa bibig ko.

Hindi ko naman pwedeng iluwa at sayang kaya tiniis ko na lang ang init.

“Sorry!” tarantang sabi naman niya at inabutan ako ng tubig.

Mabilis kong ininom ’yon. Napaso talaga ang dila ko dahil sa mainit na kwek-kwek.

“Hipan mo muna kasi!” gigil ko pang sabi.

“Oo na nga,” tugon naman niya.

Nagtuloy na kami sa ginagawa naming project. Siguro ay sa bahay ko na lang susulatan kung sakaling matapos namin ang mga designs ngayon.

“Alam mo na ba ang balita?” tanong sa akin ni Margaux.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng dala ni Minky. Gumawa raw siya ng salad kagabi kaya iyon ang kinakain namin ngayon.

Kahapon ay natapos namin ni Zild ang project ko at doon na rin ulit kami kumain. Binigay ko na rin sa mga bata ang pinamili ko para sa kanila. Tuwang-tuwa sila.

“Anong chika?” tanong naman ni Minky.

“Pinaalis na si Hannah dito,” sagot naman ni Blythe.

Nagulat naman ako sa sinabi niyang ’yon. Hindi ko nasabi kay Mommy dahil nawala na sa isip ko ’yon.

“Oh? ’Yung nang-away kay Nicole?” tanong naman ni Snop.

“Oo, ang sabi rin ay bagsak daw siya sa subject na ’yon dahil nga sa ginawa niya kay Johann,” muling sabi ni Margaux.

“Hindi makapapasa ’yon, terror ang prof niya sa subject niyang ’yon,” sabi naman ni Blythe.

Bigla ay para pa akong naawa sa Hannah na ’yon. Pero deserve niya naman. Hindi siya marunong rumespeto. Kahit nga pag-aaral ko ay dinamay niya diba.

“Si Zild ang may kagagawan kaya nangyari ’yon,” kinikilig pang sabi ni Margaux.

Mas nagtaka naman ako sa sinabi niyang ’yon. Saka ko naalala ang sinabi ni Zild na pagbabayaran nga ni Hannah ang ginawa sa akin.

Ito na ba ’yon?

“Bagsak na ’yung Hannah?” tanong ni Snop.

“Babagsak siya pero magagawaan naman yata ng paraan, iyon ang naririnig kong usapan kanina rito,” sabi pa ni Margaux.

Dakilang tsismosa ng Glamorous.

“Magsorry siya kay Johann, baka sakaling makapasa pa siya,” sabi naman ni Minky.

“Feeling ko rin iyon ang gustong mangyari ni Zild, e. ’Yung magsorry sila kay Johann,” sabi naman ni Blythe.

Tumingin silang lahat sa akin at parang naghihintay ng sasabihin ko.

“Ayos lang naman sa akin. Nadala lang siya nang inggit, gusto ko lang ay magtanda siya sa ginawa niya,” sabi ko na.

Tumangu-tango naman ang mga ito.

“Ano namang chika sa inyo ni Zild?” tanong ni Margaux sa akin.

Sinubo ko muna ang pagkain ko, hindi ko uunahin ang pagiging tsismosa niya kaysa sa pagkain ’no.

“Kami na yata?” alangan kong sagot.

“Yata?” sabay-sabay at gulat nilang tanong.

I nodded. “Ewan ko kung sineryoso niya ang kahapon, e.”

I shrugged and continue eating.

“Ano bang nangyari kahapon?” tanong ni Snop.

Tumigil na naman ako sa pagkain ko dahil sa tanong sa akin. Hindi talaga ako makakakain ng maayos kapag ganitong puro sila tsismis, e.

Vengeance (Glamorous Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon