Indeed.
Naging barkada na nga rin namin sila Snop at Minky. Palagi na kaming magkakasabay sa tuwing pupuntang cafeteria at sa tuwing may vacant kami.
Zild Marquez: Hey. Are you free later?
Nangunot ang noo ko sa chat ni Zild. Ano na naman kayang trip nito?
Sa ilang linggo naming nagkakausap simula nung ibigay niya sa akin ang ID ko, ngayon niya lang ako tinanong nito.
Johannah Juatchon: Yeah, why?
Nandito kami ngayon sa cafeteria at hinihintay ang dalawa. Si Minky at si Snop. Naka-order na kami ng pagkain namin at sila na lang talaga ang hinihintay namin.
Zild Marquez: Let’s meet, my treat.
Hindi ko alam kung anong irereply ko sa kaniya.
“Johann. Sino bang kausap mo? Kanina ka pa namin napapasin,” nakabusangot na tanong ni Blythe.
“Si Zild,” simpleng sagot ko naman.
“Oh? Anong meron?” gulat na tanong naman ni Margaux sa akin.
“Nakikipagkita sa akin mamaya,” sagot ko naman.
Parehas silang gulat na tinitigan ako. Nakagugulat naman kasi talaga na makikipagkita sa akin si Zild.
“Type ka nga talaga niyan,” nakangising sabi na ni Margaux matapos makabawi sa gulat.
“Halata naman, madalas silang magkachat,” kinikilig namang sabi ni Blythe.
Napairap na lang ako sa kanilang dalawa. Tumingin ako sa pintuan ng cafeteria para icheck kung parating na ba ang dalawa pero masasamang tingin ng mga studyante ang sumalubong sa akin.
Ano na naman bang problema nila?
Akala mo na naman mga mangangain.
“What’s their fvckin’ problem?” asar kong tanong.
“Huh?” naguguluhan namang baling ni Blythe sa akin.
“ ’Yung mga students, ang sasama ng mga tingin sa akin. Ano na naman bang ginawa ko?” asar na asar kong tanong.
“Baka inggit na naman kasi inaaya ka ni Zild magdate mamaya,” pagpaparinig ni Margaux.
Mas sumama ang tingin ng mga studyante sa table namin. Iyon ang naabutan nila Snop kaya takang-taka silang tumingin sa amin.
“Anong meron?” tanong ni Snop pagkaupo sa tabi ko.
“Mga inggit ’yan!” si Margaux na naman ang nagsalita at talaga sinasadya niyang ilakas at iparinig sa mga studyante.
Baliw talaga ’to.
“Inggit saan?” tanong naman ni Minky na nagtataka ring tumingin sa amin.
“Kasi nagchat si Zild kay Johann. Inaaya mamaya na magkita sila,” kinikilig pa ring sabi ni Blythe.
“Oh? True ba?” gulat na tanong ni Minky.
“Swerte naman ng kaibigan natin, mukhang type ng isa sa mga kinakikiligan ng mga babae,” maarteng sabi pa ni Margaux.
Napapailing na lang ako sa ginagawa niya. Sinasadya niya talagang asarin ang mga nakatingin at nakikinig sa amin.
“Sana all na lang, ako kaya kailan papansinin ni Reid?” nakangusong sabi naman ni Minky.
Bumaling kami sa kaniya dahil sa sinabi niya. Of all people bakit si Reid ang gusto niya? Babaero kaya ’yon.
“Babaero ’yan,” sabi ni Margaux.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romantika© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
