39

290 29 3
                                        

Sa bahay sila dumiretso para magmovie marathon dahil sayang daw ang pag absent nila kaya susulitin na nila.

Sino ba kasing may sabi na umabsent sila?

“Popcorn nga kasi!” rinig kong sabi ni Austin mula sa kusina. Sa lakas ng boses niya feeling ko sa buong bahay maririnig ’yon.

“Ikaw magluto, akala mo madaling magluto ng popcorn, a!” sigaw rin ni Margaux.

Jusko! Silang dalawa na naman pala ang nagbabangayan sa kusina.

“Puntahan na ninyo ’yung dalawa baka magsaksakan na ’yon do’n,” natatawang sabi ni Snop.

Kani-kaniyang pwesto na kasi kami rito sa sala. Sa mahabang sofa kami nakaupo. Si Snop, Rix, Reid, Minky, ako at bakanteng space pa sa tabi ko. Baka si Zorren ang maupo rito mamaya.

Sa tig isang single sofa naman ay kasya naman ang dalawang tao kaya sa isang sofa si Jatyr at Blythe, sa kabilang sofa naman ay wala pang nakaupo, baka si Austin at Zild doon or si Margaux. Depende sa kung sinong mauuna. Pwede namang sa lapag na lang ang iba, e.

“Mag order na lang nga tayo ng pagkain natin,” sabi ni Minky na mukhang buryo na rin dahil sa ingay nung dalawa sa kusina.

“Si Rix na bahala r’yan,” nakangising sabi naman ni Reid. Napatingin naman ako kay Rix na nakafocus kay Snop at parang walang narinig.

Kailan kaya ako magkakaroon ng pamangkin sa mga ito? Gusto ko na maranasan maging tita.

“Order na, si Rix magbabayad,” sabi naman ni Jatyr.

“Why always me?” takang tanong ni Rix na mukhang narinig na ang sinabi ni Jatyr.

“Sige si Snop na lang magbabayad,” mabilis na sabi ni Minky.

“Tsk! Okay fine, ako na magbabayad,” sukong sabi ni Rix kaya natawa ang mga kasama namin maging ako.

“Sinabi ko na kasing popcorn nga ayaw mo naman!” Napatingin kami sa dalawang kalalabas lang ng kusina at mga hindi maipinta ang mukha. Salubong ang mga kilay at parang anytime ay handang manapak ang mga ito.

“Mahirap ngang lutuin ’yon, kulit mo naman, ilang beses ka bang iniri ng Mama mo?” mataray namang sabi ni Margaux at naupo sa sofa.

“Malay ko, hindi ko na tinanong kung ilang beses akong iniri, hindi naman na importante ’yon, hindi kailangan sa trabaho ko ’yon,” seryosong tugon naman ni Austin.

Natahimik kami saglit at sabay-sabay ring natawa pagkatapos. Ang lakas talaga ng trip nitong dalawang ’to.

“Saan ka?” tanong ni Blythe nang tumayo ako.

“Kay Zorren. Nasaan ba?” takang tanong ko dahil wala na siya kanina nang magsipwesto na kami rito.

“Nasa kusina nagkakape, ninanamnam bawat higop, may kachat din, niloloko ka ng fiancé mo,” diretsong sabi ni Austin.

Nangunot naman ang noo ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Maging si Zild ay grabe ang tingin sa akin. Nakatayo lang siya habang may hawak na baso.

“Puntahan ko lang,” paalam ko sa kanila at pumunta na nga akong kusina. “Kausap mo ba kabit mo?” bungad ko kay Zorren.

Nagulat naman siya at mabilis naitago ang phone sa bulsa. Kaloko talaga nito kahit kailan.

“Bilis ng kilos, a!” pang-aasar ko at lumapit sa kaniya.

“Naglalaro lang ako,” sagot niya naman at humigop pa sa kape niya.

“Naglalaro? Nakaportrait ang phone? Nagtatype?” taas ang kilay kong tanong.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon