49

367 26 8
                                        

Nakarating kami sa isang malapit na Robinson. Sabi ni Zild ay mag-Robinson na lang daw kami para marami kaming maikot at para na rin masulit ang araw ngayon.

“Saan tayo?” tanong ko nang makapasok na kami.

“May mga gusto ka bang bilhin?” tanong naman niya sa akin.

Buhat niya ngayon si Zil dahil maraming tao at baka mawala pa siya rito. Nilibot ko ang paningin ko para tumingin ng mga pwedeng puntahan.

“Wala naman, dapat yata sa Grocery na lang tayo pumunta, wala naman tayong gagawin dito,” nasabi ko na lang.

“Pwede naman tayong pumunta ro’n, sure kang wala kang bibilhin dito?” muling tanong niya.

“Wala,” mabilis kong sagot.

“Can I see your hand, baby.” Nagtaka naman ako sa biglaang sinabi niya. Siya na rin ang kumuha ng kamay ko at tiningnan iyon.

“Anong meron?” takang tanong ko.

“Wala naman, gusto ko lang hawakan ang kamay mo,” nakangiting aniya.

Bahagya ko siyang nahampas dahil doon. Kinilig yata ako. Kingina.

“Tara na nga,” pag-aaya ko na.

“Akala ko ay wala kang bibilhin?” takang tanong niya. Nagdiretso kasi ako imbes na palabas kami.

“May nakita akong shop, titingin lang ako ro’n,” sagot ko naman.

“Sure. May titingnan lang din kami ni Zil. Tawagan na lang kita kapag hindi ka na namin mahanap dito,” aniya na natawa pa sa huling sinabi.

Sinamaan ko pa siya ng tingin. “Sige. Ingat kayo and please lang, huwag mong i-spoil masyado ’yang anak mo,” bilin ko pa.

“Yes, Mommy! Masusunod po!” pang-asar pa niyang sabi.

Iniwan ko na silang mag-ama para makapunta na ako sa nakita kong shop. Mga damit at sapatos ang nandito. Mukhang magaganda kaya try ko na.

“Welcome, Ma’am!” sabi sa akin ng saleslady. Nginitian ko lang siya at pumasok na ako sa loob.

Agad nahagip ng paningin ko ang isang black fitted longsleeve of shoulder dress. Ang ganda! Agad ko ’yong kinuha.

This is what I want, buy anything I want without looking at the price tag.

“We have new dress here, Ma’am, from France.” Ipinakita sa akin ang dress na may malaking ribbon at masyadong maikli. Hindi papayag si Zild kung ito ang isusuot ko.

“Thank you. I’m okay with this one,” tipid ang ngiting sabi ko at nagpunta na ako sa counter para bayaran ’yon.

“Thank you, Ma’am. Come again!”

Iyon lang ang nagustuhan kong bilhin kaya naman lumabas na ako matapos no’n. Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid at sakto namang palapit na rin sa akin ang mag-ama ko.

Ang sarap sa feeling banggitin ng salitang mag-ama ko.

“Saan kayo galing?” takang tanong ko kay Zild.

“Naghanap ng spiderman,” sagot naman ni Zild. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi. “Kaso wala kaming nakita,” dagdag naman niya.

“Daddy, I want ice cream,” sabi ni Zil kaya napatingin ako sa kaniya. May itinuturo siya sa likuran ko.

“Let’s go buy some ice cream,” masiglang sabi naman ni Zild at nauna pa silang pumunta ro’n. Ang kulit nila.

Napansin ko rin na agaw atensyon silang dalawa. Ang tangkad naman kasi talaga ni Zild at kamukhang-kamukha niya pa si Zil kaya napapalingon talaga ang mga dumaraan.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon