Warning: R18+ (Matured languages and scenes. Not suitable for young age.)
Nagsimula ang dinner namin ng tahimik dahil sa nangyari. Hindi mawala sa isip ko ’yung mga sinabi ni Zild tungkol sa kasal.
“May balak ba kayong gawin? Movie Marathon, inuman?” tanong ni Mommy na sa akin nakatingin.
“Hindi ko alam sa kanila, Mom. Kahit ano namang gawin okay lang sa akin,” sagot ko.
“Pwede po bang lumabas kami? Party po sana kasama si Johann,” sabi ni Snop.
“Buntis kayo tapos paparty? Bawal mapuyat ang mga buntis,” sabi ko naman habang salubong ang kilay na nakatingin sa kaniya.
“Ngayon lang naman, kasama naman sila Drei,” sagot niya pa sa akin. Nakanguso pang tiningnan ang asawa na para bang nagpapatulong.
“Yeah,” simpleng sagot ni Rix.
“Pwede naman, matanda na kayo kaya na ninyo ang sarili ninyo, alam na ninyo ang tama at mali,” sabi naman ni Mommy.
Nagkwentuhan na lang sila at hindi na ako nakisali. Sasagot lang ako kapag tinatanong. Tatango minsan at madalas ay hindi talaga ako nakikisali.
“Hindi na kayo magbibihis?” tanong ko sa kanila.
“Hindi na,” sagot ni Margaux na tinanguan ko na lang.
Nakahanda naman na kaming lahat. Si Austin at Margaux ang magkasama sa kotse ni Austin. Si Reid, Rix at ang mga asawa nila sa isang kotse na pagmamay-ari ni Rix pero si Reid ang magdadrive. Si Jatyr at Blythe naman sa kotse ni Jatyr. Wala si Zorren dahil busy siya. Saka na lang daw kami magkita kapag maluwag na schedule niya.
“Magdadala ka pang kotse, Johann?” tanong ni Austin sa akin na nakadungaw ngayon sa bintana niya.
“Siguro. Wala naman akong sasakyan kung hindi ako magdadala,” sagot ko sa kaniya.
Lahat sila ay nakasakay na sa mga kotse nila. Ako na lang ang nakalabas pa. Nasa garahe pa ang kotse ko at ilalabas ko pa ’yon kung sakali.
“Sabay ka na sa amin,” pag-aaya ni Margaux sa akin.
Akmang pupunta na ako sa kanila pero tinawag naman ako ni Zild.
“Sa akin ka na sumabay,” aniya. Tinitigan ko lang siya. “Mag uusap pa tayo ’di ba?” taas ang kilay niyang tanong kaya napabuntong-hininga na lang ako at walang choice na sumakay sa kotse niya. Still the audi.
Pagkasakay ko ay tahimik lang ako. Nauna na ang iba pero kami ay hindi pa umaalis kaya taka ko siyang nilingon.
“Bakit hindi pa tayo umaalis?” tanong ko sa kaniya.
“Wear your seatbelt, sa akin lang pwedeng dumikit ’yang labi mo hindi sa dashboard,” mahinang sabi niya sa huli pero narinig ko pa rin.
Nag-init ang pisngi ko ro’n. Mabilis kong sinuot ang seatbelt at sa harapan lang tumingin. Naramdaman ko na ang pag-andar ng kotse kaya medyo kumalma na ako.
“Anong pag-uusapan?” tanong ko sa kaniya pero sa harapan pa rin nakatingin.
“Kasal,” sagot niya agad.
Nangunot ang noo ko sa sinagot niya. “Anong kasal? Akala ko ba ay hihintayin mo akong makasal bago ka magpakasal?”
“Do you think I will agree with that?” tanong niya, may pagkairita pa sa tono.
“Iyon ang sabi mo, Zild.”
“Naniwala ka naman?” sarcastic niyang tanong.
Inis ko siyang nilingon. Sa harapan lang siya nakafocus pero alam kong alam niyang nakatingin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
