24

252 26 7
                                        

Naghintay lang ako kay Zild ng ilang minuto sa labas ng school. Tinext ko na kasi siya kanina nung palabas na ako at sinabi naman niyang papunta na rin siya para sunduin ako.

Sa tagal namin ni Zild, ganoon pa rin ang mga taong nakapaligid sa amin. Para bang bago nang bago sa kanila ang nangyayari sa tuwing nakikita nila kami. Mga hindi makamove-on, e.

Pinag iisipan ko na rin nga na sagutin na si Zild dahil matagal na rin naman na siyang nanliligaw and napatunayan ko naman na totoo ang nararamdaman niya para sa akin.

“Hey! Kanina ka pa?”

Napalingon ako agad sa kapapark lang na kotse sa harapan ko. Agad akong ngumiti nang makita ko siya.

“No, kalalabas ko lang din,” sagot ko naman.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse at inalalayang pumasok doon. Ang gentleman naman nito.

“Dapat kanina pa ako pumunta rito, nakipagkwentuhan pa ’yung mga loko,” natatawang sabi niya pagkapasok din sa kotse. Mga kaibigan niya ang tinutukoy niya.

“Okay lang naman ’yon, sakto lang dating mo. Kung kanina ka pa pumunta isang oras kang maghihintay sa akin,” tugon ko naman.

Pinaandar niya na ang kotse at nagpatugtog  para magkaroon ng ingay rito.

“Maganda raw ro’n, love. Kabubukas lang kaya maraming tao,” sabi niya kaya napalingon ako.

“Masarap ba kape nila?” tanong ko naman.

“Hindi pa ako nagtry, e. Ngayon pa lang pagpunta natin,” sagot naman niya.

Tumango na lang ako at hindi na sumagot sa kaniya. Hindi naman kalayuan ang naging biyahe namin dahil nakarating din naman kami kaagad.

Ang dami ngang tao. Mukhang patok ang kape rito dahil maraming pumupunta. Kapag nagustuhan ko rito ay baka umulit ako.

“Let’s go!” aya niya sa akin at hinawakan pa ako sa kamay.

Hinayaan ko na lang siya. Nakaalalay siya sa akin papasok sa loob ng café. Ang ganda. Sobrang ganda sa loob. Ang daming mga paintings na talagang makakaagaw ng atensyon ng mga pupunta.

“Sa ambiance pa lang busog na ako,” mahinang sabi ko sa kaniya. Bahagya naman siyang natawa.

“Mahilig ka talaga sa mga ganiyan ano? Sa mga natures and coffee.”

Tumango ako kahit hindi ko sure kung nakikita niya ba. Nasa paligid ang atensyon ko.

“Dito na lang tayo para kitang-kita ang labas,” sabi niya ulit kaya napatingin na ako sa kaniya.

Sa gawing bintana kami pumwesto. Kitang-kita nga ang labas. Ang daming tao. Muli kong binalik sa loob ng café ang atensyon ko. Busy ang mga tao pero hindi no’n naalis ang pagkamangha ko sa lugar. Kahit na daan sila nang daan kaya naaalis ang paningin ko sa mga gusto kong tingnan ay hindi ako nagpapatinag.

“Anong gusto mo, love?” tanong ni Zild sa akin.

Tumingin naman ako sa may counter para makapili ng gusto ko pero dahil nga maraming tao ay hindi ko rin makita ang menu na nakapaskil doon.

“Can’t see it,” mahinang sambit ko. “Pili mo na lang ako ng tingin mong masarap na kape nila, thanks!” baling ko sa kaniya.

Tumango naman siya. “Wait me here.”

Nilabas ko ang phone ko para kumuha ng mga pictures sa paligid. Umalis naman na si Zild para umorder ng kape namin. Ang dami talagang tao ngayon. Kabubukas nga lang talaga.

Kinuhanan ko ang painting na kanina ko pa tinitingnan. Ang ganda ganda naman kasi. Kulay yellow ang background at kulay pula ang halamang nakapaint doon. Tatlo ’yon at magkakarugtong.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon