03

502 33 7
                                        

Nang makarating kami sa room ay sinalubong kami ng mga tingin ng mga kaklase ko.

Of course, ’yung mga lalaking kinahuhumalingan nila ay nandito ngayon sa harapan nila.

“Tama nga ako,” nakangising sabi ni Margaux sa akin.

Umirap lang ako at pumunta sa pwesto namin. Hindi ko na tiningnan kung anong ginagawa ng limang kasama ko.

Nilapag ko lang ang tubig nung dalawa at naupo na ako sa pwesto ko. Uminom na rin ako sa bottled water ko at sa sobrang uhaw ko nga ay naubos ko ’yon.

“Baka kulang pa? Sa ’yo na lang ’tong para sa ’kin,” sabi ni Margaux na may pang-asar pa ring ngisi sa akin.

“Okay na, mag momogu-mogu na lang ako mamaya,” sabi ko naman.

“Magkaklase pala kayo ni Marga,” sabi ni Austin sa akin kaya binalingan ko sila.

“Hindi, namamalik-mata ka lang,” sabi ni Margaux sa inis na paraan.

Ang init naman talaga ng ulo niya kay Austin, e.

“Yes, nakikita mo naman diba?” sagot ko sa kaniya.

“Ganito ba mga studyante ng Glamorous? Ang susungit,” sabi naman nitong may tattoo.

“Buti pwede ’yang tattoo mo sa kamay,” sita ko na sa kaniya. Nakatingin ako ngayon sa kamay niya.

Pati tuloy ang iba ay napatingin na ro’n. Maging ang ibang kaklase ko ay lumapit na sa pwesto namin.

“Nandiyan na ’yan bago pa ako magsimulang mag-aral bilang high school, wala na silang magagawa r’yan,” sabi naman niya.

Tumangu-tango ako. Matagal na rin pala ang tattoo niyang ’yon. College na sila, iyon ang sabi ni Margaux. Nasa 20 years old na yata sila?

Turning 18 pa lang ako. Pwede na.

Wait, anong pwede na? Baliw ka talaga, Johann.

“Anong ginagawa ninyo rito?” tanong ni Margaux.

Kaniya-kaniyang hatak naman ng upuan ang mga lalaking ’to at umupo paharap sa amin.

“Binibisita ka namin,” sagot nung may tattoo.

“Tigil-tigilan mo ako, Jatyr. Imposible ’yang sinasabi mo,” maarteng sabi ni Margaux.

So Jatyr pala ang name nitong may tattoo. Angas, ha!

“Totoo nga, binibisita ka ni Austin,” sabi naman nung Reid.

Mukhang babaero, halata naman dahil grabe makangiti sa mga kaklase ko.

“Asa kang bibisitahin ko ’yan,” busangot na sabi ni Austin.

They really hate each other.

“Ayoko ngang makita pagmumukha niyan,” banat naman ni Margaux.

Ang foul talaga magsalita nito kahit kailan.

“Lalo naman ako,” hirit din ni Austin.

“Para kayong mga bata,” sabi naman ni Zild.

“Baby naman nila ang isa’t-isa,” sabi naman nung Rix ang pangalan.

Pinapanood ko lang silang mag-asaran. Ang iingay nila, kapag sila naabutan ng teacher namin lagot sila.

“Bakit wala pa ring teacher?” tanong ko kay Blythe na nakatingin kay Jatyr.

“Hindi ko rin alam,” sagot niya. Naningkit ang mga mata ko dahil hindi man lang naaalis ang tingin niya kay Jatyr.

“Huwag mo masyadong titigan, baka mapansin ka,” bulong ko kay Blythe kaya naiiwas niya ang tingin kay Jatyr at namula.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon