38

306 27 5
                                        

Being in this situation is not easy. Ilang buwan na pero wala pa rin akong maalala. Nakakuha na ako ng trabaho dahil matagal na rin akong walang ginagawa sa bahay.

“How’s work?” tanong ni Mommy sa akin nang minsan akong mauwi sa amin.

Hindi na ako nakakauwi ng bahay dahil nga Flight Attendant ako. Minsan tumatagal ng ilang linggo sa ibang bansa, depende pa sa bansang mapupuntahan namin.

“Nakakapagod pa rin,” sagot ko naman.

Nanghingi ako ng isang linggong pahinga. Mabuti nga at napagbigyan kahit papaano.

“May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita,” tanong niya.

Nag-isip naman ako ng pwede pero parang wala rin akong gana ngayon.

“Wala, Mom. Punta na lang akong café, ayain ko na lang siguro ’yung dalawa kung hindi busy,” sagot ko sa kaniya.

“Osige, ingat ka.”

Nagpahinga lang ako saglit chinat ’yung dalawa kung may free time ba sila ngayong araw. Meron naman daw kaya inaya ko na sila.

“Gotta go, Mom!” paalam ko kay Mommy at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya dahil umalis na ako agad.

Sa malapit na café lang naman ang punta ko. Maghihintay na lang ako ro’n sa dalawang kaibigan ko na paimportante pa dahil mag aayos pa raw sila. Mukhang hindi lang dito sa café ang balak nilang puntahan.

Nag-order na ako ng kape at pancake ko. Habang naghihintay sa order ko ay nagscroll muna ako pero hindi pa nagtatagal ay tinawag na ako kaya mabilis akong tumayo at kinuha ’yon.

“Nicole?”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hindi ko sure kung ako ba pero dahil pangalan ko rin naman ang Nicole ay lumingon na rin ako.

“Uhm... Yes?” takang tanong ko.

Sa akin siya nakatingin kaya sure na ako ang tinawag niyang Nicole. Nilapag ko na ang bitbit kong tray sa lamesang napili ko at muling nilingon ang babae.

“Can we talk? Nandito na rin lang naman ako,” aniya at lumapit sa akin. Naupo siya sa tapat ko kahit hindi ko pa inaanyayahan.

Hindi ko siya kilala or hindi ko lang siya maalala? Baka kaibigan ko siya noon? Or kakilala lang. Ewan ko.

“Uhm. Ano bang pag-uusapan?” takang tanong ko. “Wait, gusto mo bang umorder muna?” tanong ko nang mapatingin ako sa order ko.

“No, ayos lang. Saglit lang naman ako,” aniya kaya napatingin na ako sa kaniya. “Hindi ako nandito para mang-away or what. Gusto ko lang sabihin sa ’yo ang side ko.”

Naguguluhan man ay tumango na lang ako. Hindi ko alam kung alam niya bang wala akong maalala. Ayokong itanong kung sino siya dahil baka hindi niya na sabihin ang sasabihin niya kapag nalaman niyang hindi ko siya kilala.

“Nung unang beses na iniwan mo si Zild doon niya ako niligawan. May doubt ako dahil halata namang mahal ka pa rin niya. Dumating sa point na iniwan niya ako kasi gusto niyang bumalik ka. Bumalik siya sa akin at sinabi niyang mahal niya ako pero iba ang nasa isip ko, bumalik siya kasi pinagtabuyan mo na naman siya sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na hindi mo siya tinanggap noon o dapat masaktan ako dahil parang ginagamit niya lang ako para makalimot sa ’yo,” pagak siyang natawa matapos ikwento ’yon.

Hindi ko alam ang mga sinasabi niya pero nang banggitin niya si Zild ay iba na naman ang naramdaman ko.

“Naging maayos ang relasyon namin. Tumagal kami and I can say na nakamove on na siya sa ’yo dahil nga matagal na rin simula nung nangyari ’yon at madalang na kayong magkita o magkausap. But I was wrong. Kahit pala gaano katagal kayong hindi magkita, hindi pa rin nababago ang nararamdaman niya. Hinihintay ko na lang na ayain niya akong magpakasal, ready na ako pero mukhang siya ang hindi pa. Nagsimula na naman akong magduda, hindi mo naman ako masisisi dahil kaduda-duda naman talaga.”

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon