37

329 27 0
                                        

I stayed at the hospital for a week. Marami pang test na kailangan gawin at may mga tinitingnan pa ang doctor sa akin araw-araw.

Ngayon ay pinayagan na kaming makauwi. May benda pa rin ang ulo ko at kailangan ko pa ring magpahinga sabi ng doctor.

“Okay na ba lahat?” tanong ni Mommy at tiningnan pa ang buong kwarto.

“Yes, Tita. Nadala na lahat ng dapat dalhin,” sagot ni Zorren na bitbit ang iba naming gamit.

“Sa bahay ba kayo diretso lahat?” tanong ni Mommy sa kanila.

“Yes, Tita. If it’s okay with you po,” sabi naman ni Snop.

“Okay naman sa akin,” nakangiting sagot ni Mommy.

Palabas na kami ng room nang pumasok ang doctor kaya taka namin itong tiningnan.

“Mrs. Juatchon, sadly to announce it but the baby is gone,” mahinang sabi ng doctor.

Katahimikan ang bumalot sa amin nang marinig ’yon. Sinabi nila sa akin na may baby raw ako. Hindi ko ’yon nakita dahil ang sabi nila ay nasa E.R ’yon dahil may sakit. Ang alam ko ay ngayon din dapat makakauwi ang baby ko pero ganito ang nangyari.

“Paanong gone, Doc?” tanong ni Mommy. “Akala ko ba maayos na ang apo ko?” mariing tanong pa niya.

“Nung mga nakaraang araw ay maayos ang heartbeat ng bata pero mula kagabi ay naging komplikado na ’to, I’m sorry, we did our best to save him.”

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. That’s my baby. Wala akong maalala pero anak ko siya, sa akin siya nanggaling, ano ba ang dapat kong gawin ngayon? Ni isang patak ng luha ay hindi lumalabas sa mata ko. Namatayan na ako ng anak pero bakit wala akong maramdamang kahit ano?

“Oh My Gosh!” react ni Margaux.

“Can we see him?” tanong ni Mommy kay Doc. Nagsisimula na rin silang umiyak, I mean ’yung mga babae lang, ang mga lalaki ay nanatiling seryoso lang.

“Yes,” sagot ng Doctor at nauna na siyang lumabas.

Sumunod naman kami sa kaniya. Naririnig ko ang hagulgol ni Mommy pero wala pa rin talaga akong maramdamang emosyon sa sarili ko.

Wala kahit isang pakiramdam. Empty. Emotionless.

Nang makarating sa Morgue ay may naabutan kaming dalawang lalaki. Kumunot ang noo ko nang lumingon sila sa amin. Sa isang linggo kong pagstay rito at hindi ko sila nakitang dalawa. O kung nagpunta man sila sa room ko ay baka tulog ako.

“Zild, Rix, what happened?” tanong ni Minky sa kanila.

Zild? So siya ’yung tinanong ko nung nakaraan na hindi nasagot ng mga kasama ko.

Bakit parang may iba akong nararamdaman? Bakit ngayong magkatitigan kami ay may iba akong nararamdaman sa dibdib ko? Bakit ganito?

“He didn’t survive. Mabilis bumigay ang katawan niya dahil baby pa siya,” sagot ni Zild.

Paano ko nalamang siya si Zild, hindi ko rin alam. Feeling ko ay mas kilala ko siya kaysa sa iba naming kasama ngayon. Baka close kami noon? Hindi ko alam.

“Can we go inside?” tanong ni Mommy. Tumango naman si Zild.

Isa-isa silang pumasok pero nahuli ako. Hindi ko alam pero may parte sa aking gustong makausap si Zild. Pakiramdam ko ay miss na miss ko siya. Bakit ganito?

“How are you?” tanong niya, walang mababakas na emosyon sa mukha niya.

“Okay lang, walang maalala kahit isa,” pagak pa akong natawa matapos sabihin ’yon.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon