26

259 24 2
                                        

JOHANN’s POV:

Does it ever drive you crazy?
Just how fast the night changes...

Lintek namang kanta ’to. Bakit ako nasasaktan? Bakit ba kasi ito pa ang tumugtog habang nakatingin ako sa kanilang dalawa?

Kasal na ni Snop at Rix ngayon. Abay kami, si Minky ang maid of honor niya of course. We’re wearing sky blue gown, her favorite color.

Hindi pa nagsisimula ang kasalan kaya pwede pang magsama-sama ang mga nandito ngayon. Magkatabi si Aya at Zild sa harapan habang nag-uusap. Nagkakatuwaan pa nga sila.

Ako dapat ’yon. Ako dapat ’yung nasa pwesto ni Aya ngayon. Kingina kasi!

“Masakit?” tanong ni Margaux sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako at iniwas ang tingin sa dalawa. Si Margaux ang binalingan ko ngayon.

“Tingin mo?” balik tanong ko sa kaniya.

She smirked. “Kung ako ’yan, hindi ako masasaktan, katangahan ko naman kasi dahil iniwan ko ’yung tao ’di ba?” mapang-asar na sabi niya sa akin.

Inirapan ko siya dahil doon. Alam ko namang ako ang may kasalanan. Iniwan ko si Zild, pinagtabuyan ko, gumawa ako ng paraan para mawala siya sa akin.

May karapatan naman siguro akong masaktan? I have reason kaya ko nagawa lahat ng ’yon. Masisisi ba nila ako sa rason ko? Para rin naman sa kasiyahan ni Zild ’yung ginawa ko.

“Malapit na yatang magstart,” bungad na sabi ni Blythe paglapit sa amin.

Ang gaganda naman ng mga kaibigan ko. Parang sila pa ang ikakasal.

“Tara na, pumunta na tayo sa pwesto natin,” pag-aaya ko naman.

Indeed. Nagsimula na nga ang kasal. Napakaganda ni Snop. Para siyang anghel na naglalakad ngayon sa altar. Lahat ng paningin ay nasa kaniya.

“I can feel her happiness,” mahinang sabi ni Margaux sa akin. Ako ang nasa likuran niya, nasa likuran ko naman si Blythe.

“Yes, kitang-kita rin naman,” sang-ayon ko naman habang kay Snop nakatingin.

Ang bilis nga naman ng panahon. Parang kailan lang ay nasa Glamorous pa kami, ginagawa ang mga bawal. Pfft. Nakakamiss pala, parang isang araw lang ang pagitan ng mga pangyayari, e.

Ngayon, ikakasal na ang isa sa kaibigan ko. Ako naman ay malapit ng makamit ang pangarap ko. Malapit na akong maging flight attendant. Konting panahon na lang.

“Sino kayang susunod na ikakasal?” pang-asar na tanong ni Margaux.

“Baka kayo ni Austin,” sagot ko agad.

“Iw! Mandiri ka nga sa sinasabi mo, Johann!” mariing sabi niya naman.

I bit my lower lip to hide my smile. Gusto kong matawa pero bawal, baka pagalitan kami ni Father.

Nakinig na lang kami sa vow nila Snop at Rix. Naiiyak pa nga ako, ang dami nilang pinagdaanan bago umabot dito. Ang tatag nila. Naiinggit ako, sana kaya ko ring panghawakan si Zild katulad ng paghawak ni Snop kay Rix kahit na ang dami nilang naging problema.

Hindi inaasahang napatingin ako sa harapan, sa pwesto ni Zild. Nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko sigurado kung sa akin ba siya nakatingin o kay Aya. Sure akong nasa likuran ko si Aya, e.

Baka kay Aya nakatingin. Asa naman akong sa akin siya titingin.

“You may now kiss the bride,” announce nung Pari.

Ganap na silang mag-asawa. Nakatali na sila sa isa’t-isa. Sobrang saya ko para kay Snop. Sobrang saya ko na nahanap niya na ang para sa kaniya.

Mukhang magiging ganap na mayamang tita na lang ako at ako ang taga-spoil sa mga anak ng mga kaibigan ko. Geez!

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon