Ang bilis nang pangyayari. Nabalitaan na lang namin na patay na raw ang Mama ni Snop. Dumadalaw naman kami sa kanila sa tuwing tapos na ang klase namin, sumisilip kami kahit saglit. At naglaan talaga kami nang oras para sa libing.
Naaawa ako kay Snop. Siya na lang mag-isa ngayon dahil wala na rin siyang Papa. Grabe, bilib din ako sa kaniya dahil nakakayanan niya lahat.
Sana ako rin. Sana kaya ko rin lahat.
“Let’s go. Baka tayo na lang ang wala ro’n,” sabi ni Margaux na itim na itim ang suot ngayon.
Libing na. Nakawhite blouse lang ako at pants dahil mainit. Si Margaux lang talaga ang nakaayos sa amin.
Pinagpaliban na rin muna namin ni Zild ang date dahil dito sa nangyari. Naiintindihan naman daw ng owner at isa pa ay kahit anong araw raw ay pwede naman daw naming magamit iyon.
“Ang sakit makita,” mahinang sabi ni Blythe habang umiiyak na nakatingin sa harapan.
Maging ako ay umiiyak din. Sobrang sakit naman talaga ang mawalan ng mahal sa buhay. Mahalaga na sila sa amin lalo na si Snop kaya ganito na lang ang epekto sa amin nang nangyari.
Nang matapos ang libing ay nagkaniya-kaniya na kami nang alis. Hindi ako pwedeng magtagal dahil may check up ako ngayon. Hindi ko naman masabi sa kanila ang tungkol doon.
“How was it?” salubong ni Mommy sa akin nang makauwi ako.
“Ang bigat sa pakiramdam na makita si Snop na humahagulgol, Mom. Sobrang nasasaktan ako para sa kaniya,” malungkot kong sagot.
Nalungkot din naman si Mommy at niyakap ako. I’m lucky my family is complete.
“Magpapalit ka pa bang damit? O diretso na tayo para sa check up mo?” tanong niya naman matapos kumalas sa akin.
“Diretso na tayo para mamaya ay isang palitan na lang ng damit,” sagot ko naman.
Tumango siya sa akin at umakbay. Hinihintay yata namin si Daddy.
“You okay?” tanong niya.
Tumango ako. “Mom, what if I die?” wala sa loob kong naitanong.
Inalis ni Mommy ang pagkaka-akbay sa akin at tiningnan ako ng seryoso.
“Bakit mo sinasabi ’yan?” tumaas ang tono niya.
Umiling ako. “Wala lang, natanong ko lang naman, Mommy. Just in case na mamatay ako dahil sa sakit ko, anong gagawin mo?” tanong ko ulit.
Napabuntong-hininga siya at umiling. “Hindi mangyayari ’yan, gumagaling ka na, Johannah. Stop thinking like that,” muling sabi niya naman
“What if I die? Would you cry?” hindi ko siya tinigilan talaga.
“Of course I will cry. You’re my daughter, my princess. Please, baby, stop that nonsense,” seryosong ani niya.
“Thank you,” nasabi ko na lang.
Sakto namang dumating na si Daddy. Taka niya pa kaming tiningnan dahil siguro sa itsura namin ni Mommy ngayon.
“What happened?” tanong niya kay Mommy.
“Iyang anak mo kung anu-ano ang sinasabi. Ano raw ba ang gagawin ko kapag namatay siya,” galit pa ring sabi ni Mommy.
Tumingin sa akin si Daddy kaya alangan lang akong ngumiti sa kaniya. Hindi na ako kumibo pa kaya naman umalis na kami.
Pero sa biyahe ay hindi matigil ang bibig ni Mommy dahil sa pagkukwento kay Daddy ng tungkol sa sinabi ko kaya nagearphones na lang ako para hindi ko na sila marinig.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
