Nandito kami ngayon sa may kubo kasama ang mga bata. Nakapabilog sila sa akin ngayon habang nagsisimula na akong gumuhit.
“Anong iguguhit mo, Ate?” takang tanong ni Eura.
Ngumiti ako sa kaniya bago sumagot. “Itong lugar ninyo,” sagot ko na.
“Talaga, Ate? Lahat ’to?” tanong naman ni Erica at tinuro pa ang buong paligid.
Tumingin na rin tuloy ako sa buong paligid. Sobrang ganda talaga rito. Ganitong-ganito ang lugar na gusto ko.
“Iyong part lang na ’yon, masasama siguro ang bahay ninyo,” sagot ko.
Lahat sila ay nakatingin din pala sa tinuro ko. Manghang-mangha silang bumaling sa akin.
“Kaya mo ’yon?” tanong naman ni Cindie.
I smiled. “Susubukan ko,” sagot ko naman.
Nagsimula na ako. Tahimik lang sila at nanonood sa ginagawa ko. Mas okay ang ganito, mas nafofocus ako sa ginagawa kapag tahimik sila.
“Love, sorry for disturbing you, gutom ka na ba? Kukunin ko na ’yung meryenda na hindi mo nakain kanina,” sabi naman ni Zild ilang minuto ang nakalipas matapos kong magsimula.
“Yes please, thank you!” nakangiting sabi ko naman sa kaniya.
Ngumiti lang siya at umalis na. Nagtuloy na muli ako sa ginagawa ko. Ang mga bata ay naririnig ko pang nagbubulungan tungkol sa gawa ko.
“Ang ganda niya,” mahinang sabi pa ni Erica.
“Mas maganda siya kay Ate Johann,” rinig ko ring sabi ni Eura.
Napapailing na lang ako habang patuloy sa pagguhit. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito para mabilis akong matapos sa ginagawa ko.
“Ate, ilang taon ka na po ba?” tanong ni Tan. Masyadong mahaba kapag Christian, e.
“18,” sagot ko naman.
“Hindi pa kayo ni Kuya, ’di ba?” tanong naman ni Calix. “Ate, kailan mo sasagutin?” tanong niya na naman.
“Hindi ko pa alam, e.”
“Kapag kayo na, lagi na rin kayong pupunta rito, Ate!” bumungisngis pang sabi ni Cindie.
Ang cute naman nila.
“Kahit naman hindi pa kami ay pwedeng pumunta kami rito,” nakangiting sambit ko.
Muli ko nang pinagpatuloy ang pagguhit nang makita ko si Zild na parating na at may dalang pagkain sa dalawang kamay. Tumahimik na rin naman na ang mga bata.
“Let’s eat first?” tanong niya sa akin pagkalapag ng pagkain.
“Wait lang, tapusin ko lang ’to tapos mamaya ko na lang aayusin,” sagot ko, hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kaniya.
“Ang galing galing mo naman, Ate Aya!” puri pa sa akin ni Calix.
“Si Ate Johann din magaling,” sabi naman ni Cindie.
Bahagya akong natigilan dahil sa narinig kong ’yon. Bakit ba kailangang kasali palagi si Nicole sa usapan?
“Ate Aya, kaya mo rin ’yung ginagawa ni Ate Johann? ’Yung magandang sulat?” tanong naman ni Erica.
Tinapos ko na ang ginagawa ko saka ko sila tiningnan. Mga bata pa sila at wala silang alam sa nangyayari pero hindi ko mapigilang hindi mainis.
Puro na lang Nicole.
“Kaya ko naman,” tipid na sagot ko.
“Sige nga po gawa kayo,” sabi naman ni Eura.
Sa likuran ng sketch pad ako nagcalligraphy. Name ni Zild ang nilagay ko syempre.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
